5. ARE YOU OKAY?
Sebastian's POV
Isang malakas na buntong-hininga ang napakawala ko ng sa wakas ay makalayo na kami sa mga humahabol sa amin ni Mandy. Alam kong Cortez na naman ang may pakana nito.
"Seb? Sino ba talaga yung humahabol satin?" tiningnan ko siya ng may halong pagaalala.
"Cortez."
"Teka sinong Cortez? Pinagkakautangan mo ba yun? Bakit kelangan pa nilang mamaril?" bigla siyang umiyak. Nako talagang babae na 'to. Napaka-sungit pero iyakin.
Inihinto ko ang sasakyan sa lugar na alam kong safe na kami and then I hug her. Niyakap niya naman ako pabalik. Sobrang higpit.
"Alam mo ba kung gaano kabilis tibok ng puso ko kanina? Alam mo ba kung ano-ano na lang iniisip ko habang hinahabal nila tayo? Alam mo ba yun?" sa halip na magsalita pa ako ay niyakap ko siya lalo ng mahigpit. Saglit ko muna siyang pinatahan bago ko itinuloy yung pagmamaneho ko. Medyo nawala yung hilo ko sa alak na ininom namin kanina dahil sa mga lintek na yun.
Tinawagan ko na sila Ate Adorable, head maid namin, para i-prepare yung guest room. Doon ko muna papatulugin si Mandy kasi delikado kung pupunta kami pauwi sa kanila. Natawagan ko na rin naman kanina yung mama niya kaya panatag na loob nito na ako kasama ng anak niya.
Pasado alas-nueve na rin ng makarating kami sa bahay. Sinalubong ako agad ng tatlong maid para tulungan ako.
"Mandy.." tinapik ko siya sa braso. "Mandy wake up. Na sa bahay na tayo." fvck! Pupungas-pungas yung mata niya habang papagising. Geez! Lalo siyang gumaganda. Lord! Help me. Maki-kiss ko to.
"Dito ka muna sa bahay magpapalipas ng gabi ah? Napaalam na naman kita sa mama mo. Sinabi ko na rin yung nangyari satin para 'di na sila mag-worry. Don't worry you'll be safe here." bumaba na siya ng kotse.
"Ya? Okay na ba yung kwarto?"
"Yes sir. Nagpahanda na rin po ako ng tea para sa kasama niyo."
Inutusan kong samahan nila si Mandy sa kwarto nito samantalang ako naman ay pumunta sa office ni daddy, sa may Library ng bahay.
"Dad?"
"Come in."
Dire-diretso akong pumasok sa madilim na pasilyo ng library. Tanging pulang ilaw lang ang makikita mo. The rest ay dilim.
"Dad? Nabalitaan mo na ba yung nangyari samin kanina?"
Pinatay ni daddy yung tobacco na hinihithit niya.
"Cortez right?"
Tumango lang ako.
"Alam kong mga Cortez yun." lumapit sakin si daddy. Naupo sa upuan sa harapan ko. "Alam mo bang balak nilang pabagsakin ang Left wing ng De Guzman? Balak nilang pasabugin ang Helios? Diba? Hindi mo alam kasi inuna mo pang makipaglandian! Sabi ko naman sayo diba? Babae lang ang sisira sayo! Ikaw pa naman ang taga pagmana ng lahat tapos ano? Sisirain mo lang yun dahil sa babaeng kinahuhumalingan mo?"
"Dad nagkakamali ka. Kaibigan ko si Mandy okay? Niyaya ko siyang kumain and the rest is history. Bigla na lang kaming pinaputukan ng mga Cortez! Sorry dad kung 'di ko nagampanan pagiging Master ko kanina. It won't again. Gaganti ako sa mga Cortez ipinapangako ko yan."
"Dapat lang! Malaki ang mawawalang pera sa atin kapag nagkataon. Sa susunod na pumalpak ka pa, malilintikan ka na sakin. Naiintindihan mo ba?!"
"Yes dad."
Tumayo na ako sa upuan ko at nag bow sa kanya bilang pagtanda ng respeto. May sumunod rin naman saking pumasok dahil may importante raw silang paguusapan kaya binilisan ko na rin.
Makikita talaga ng mga Cortez. Sa mga kamay ko sila babagsak. Tandaan nila yan.
NAPADAAN ako sa guest room kung saan kasalukuyang natutulog si Mandy. Tatlong room lang pagitan namin kaya madadaanan ko ito bago sa kwarto ko.
Kakatukin ko pa sana kwarto niya kaso naalala kong alas-diyes na rin yun. Baka nakatulog na 'to sa sobrang pagod. Bukas may pasok pa kami kaya maaga pa kami gigising na dalawa.
"Nooo.." isang mahinang boses ang narinig ko mula sa kwarto niya. Dali-dali kong binuksan iyon at tiningnan ko anong nangyayari kay Mandy.
Nakahiga si Mandy sa kama pero hindi ito mapakali.
"Mandy? Mandy are you okay?"
Hindi ito nasagot kaya nilapitan ko. Halos mapaso yung kamay ko ng hawakan ko siya kaya agad akong kumuha ng medicine. Fvck! Kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit ngayon.
"Mandy please? Take this."
Inalalayan ko siyang umupo sa higaan niya at iniabot ko sa kanya yung baso ng tubig.
Pagkatapos niyang uminom ay bumalikna agad siya sa paghiga niya. Kinumutan ko lang siya at aalis na ako.
"Seb..."
Tinawag niya ako.
"Yes? Do you need something?"
Tumingin siya sa akin, malamyang mga titigan.
"Can you stay?"
This time, nakangiti na siya. Bakit ganon? Tila may kuryenteng gumapang sa buong pagkatao ng makita ko siyang ngumiti. Fvck! What's wrong with me.
"Uhmm.. If that's okay with you? I can. Pero 'di ka ba maiilang? You know lalaki at babae magkasama sa iisang kwarto?"
"Sira ka. Okay lang sakin," umupo ito. "at tsaka natatakot rin ako na baka balikan tayo nung mga humabol satin kanina."
Tinabihan ko ito then niyakap ko siya.
"Don't worry. Safe na tayo dito. Walang pwede na makagalaw sayo dito."
Hindi ko mapigilan sarili ko na higpitan yung pagkakayakap ko sa likod niya. Yung feeling na gusto kong gawin ito palagi para malaman niyang safe siya sa tabi ko. Yung gustong-gusto kong gawin ito sa kanya kasi sa bawat araw na kasama ko siya, nahuhulog ako. Kaso bawal.. Sa tamang panahon.
BINABASA MO ANG
The Dark meets Light
ActionPatakbong sumisigaw si Mandy sa kakahuyan, madilim at napaka-sukal. "Sebastian! Tulungan mo ako!" Bitbit-bitbit ang cellphone ay mas binilisan pa niya ang pag-takbo. Hinahabol siya ng mga lalaking naka-itim, mga alagad ni Cortez. Nag-kubli siya sa i...