15. JANSLOTH

8 0 0
                                    

15. JANSLOTH

Sebastians's POV

Pinapalibutan si Drake ng mga tauhan ng mga Cortez ng biglang umalingawngaw ang putukan ng baril sa paligid. Kasabay niyon ay nagbagsakan ang mga tauhan ng mga Cortez at pagliwanag ng buong paligid.

"Yes! Dumating din sila!"

Hawak-hawak ko pa rin ang baril ko bago patakbong pumunta sa likod ng building na yun. Nakita ko kasi kanina na may mga naglalabasan mula sa likod. Kailangang mahanap ko kung saan nila itinago sila Sef.

Dahan-dahan kong binuksan ang backdoor. Binaril ko yung tatlong lalaki na nandoon at agad namang bumagsak ang mga ito.

Madilim ang buong pasilyo. Tanging kulay pula lang na ilaw galing sa siren nila ang nagpapaliwanag sa madilim na bahaging 'yon ng gusali. May mangilan-ngilan akong naririnig na yabag sa malayo.

Binuksan ko yung dala kong flashlight at itinutok ko sa unahan ko. May dalawang lalaki na may dalang baril ang muli kong pinaputukan. Kinuha ko yung isang baril ng lalaki at naglakad muli. Isa-isa ko ring binubuksan yung mga pinto na nandoon, nagbabakasakaling nandoon sila Sef.

"Sef?"

May biglang sumagot sa kabilang pinto. Mahina pero klarong-klaro.

"Tulong! Sino nandyan?"

Agad kong binuksan yung pinto at bumungad sa akin ang putok ng baril. Fvck! Muntik pa akong mabaril. Umikot ako sa kabilang pinto at binaril ko yung bantay nilang lima. Agad ko silang tinanggalan ng tali.

"Salamat kuya."

Iniabot ko kay Sef yung dala kong baril at sinenyasan ko sila Rokai na pulutin yung mga gamit nung mga namatay na tauhan ng Cortez.

Bago kami lumabas ng kwarto na iyon ay may nakita akong Flashdrive. Kinuha ko ito at ibinulsa.

Sa labas ay 'di pa rin natatapos ang putukan ng baril. May mangila-ngilan ding napapatakbo saming kalaban at agad naman naming pinapaputukan iyon.

"Sef?" huminto ito at napatingin sa akin.

"Bakit kuya?"

"Nitong mga nakaraan araw eh bakit hindi namin ma-contact ang Jansloth?"

Bumuntong hininga ito bago magsalita. "Hina-hack yung system namin ng mga Cortez kaya ang ginawa namin, pina-off ko lahat ng dapat i-off hanggang sa ma-set up kami. Sorry kuya kung 'di ka namin natulungan. Masyadong humihina ngayon ang Jansloth dahil marami ng bumuwag samin at umalyado sa Cortez."

Tinapik ko balikat nito. "Huwag ka mag-alala, babawi tayo."

Muli kaming nag-lakad hanggang sa makalabas kaming lahat.

Napapalibutan na pala ang buong building na 'yon ng mga tauhan nila Sef kasama ng ibang Helios at Ornelius. May mga tauhan din ang mga Cortez sa may gitna, nakatali ang mga ito.

"Big boss, na-secured na po namin ang area. Patay na po ang ibang tauhan nila. Atin na po 'itong conference hall nila."

Nagsigawan na ang mga ito. Hudyat ito na natali namin ang mga Cortez.

"Nasaan si Drake?"

"Kasama po ni Ethan. Hinahabol nila yung sasakyan ni Paul Cortez."

Si Paul Cortez yung lalaking nanggulo sa pageant night namin 4 years ago at siya din yung lalaking nagsasalita sa gitna ng conference hall kanina.

"Ihanda niyo yung sasakyan ko at hahabulin ko sila."

Tinawag ko si Sef at Rokai para samahan ako. Kumuha sila ng baril at sumunod sa kotse.

Ako na ang nag-drive non. Pinatawagan ko si Drake kay Rokai.

"Nasa bandang Silang na daw sila ngayon kuya. Papuntang Dasmariñas sila."

Kasalukuyan kaming nasa Tagaytay  ngayon. Hindi naman gaanong kalayuan iyon. Pinaharurot ko yung sasakyan.

TRAFFIC. Nasa bandang Pala-pala na kami ng pinatawagan ko ulit si Drake kay Rokai. Na-stuck din daw sila sa traffic. Bumaba na kami at naglakad. Patakbo naming hinahanap sila Drake at nakita naman namin ito hindi kalayuan.

"Drake!"

Lumingon ito sa amin at itinuro sila Paul na tunatakbo din. Pinapuputukan kami at ginagantihan din naman namin ito ng putok.

Nagkakagulo na ang mga tao sa paligid. Yung iba ay nagtatakbuhan. Nawala sa paningin ko si Paul.

Nasa gitna na kami ng crossing ng makita kong may nakabulagta doon. Si Paul. Nabaril pala ito ni Sef.

Nilapitan ko ito at tinanggal ang maskara.

"Makikita mo na rin ang impyerno Paul."

Ngumiti ito sa akin bago ito nawalan ng malay.

Umalis kami sa lugar na iyon na parang walang nangyari.

Papunta na kami pabalik sa Batangas ngayon para ayusin ang dapat ayusin. Sana naman at manahinik na ang mga Cortez dahil wala na si Paul. Masyado ng maraming kasalanan sakin, samin ang mga Cortez.

"Ethan pag-balik natin mamaya sa Batangas please pakitingnan lahat ng security ng Helios, Ornelius at ng Jansloth. Hindi pa rin tayo nakakasigurong tapos na ang kaban na 'to. Si Paul lang ang nawala pero hindi ang buong Cortez."

Tumango lang ito.

"Sef? Sa Sabado lahat ng myembro ng Ornelius at Jansloth ay dapat nasa Oriental okay? Magce-celebrate tayo. May sasabihin din akong pagbabago sa buong Dragonareconecsion."

Tumango lang din ito. Wala na kaming imikang lahat sa sasakyan. Lahat pagod at gustong magpahinga.

Alam rin naman naming hindi pa natatapos dito ang lahat.

The Dark meets LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon