9. PAGEANT NIGHT
Mandy's POV
Four hours na lang at magsisimula na yung event.
Walang klase ang buong university namin dahil ito talaga ang pinaghahandaan ng buong university. Super big event kasi talaga 'tong University King and Queen 2019 kesyo ito daw yung magiging representative sa mas big event pa na gaganapin sa Manila.
Medyo 'di rin naman kasi ako nage-expect na makakapasok sa Lucky 3 dahil alam kong 'di ko kaya. Tsaka first time ko lang sa mga ganitong pageant. So anong eexpect ko talaga.
"Good afternoon tita." si Yel yun kasama yung pinsan niyang magiging handler ko, si Toni. Bekbum yun. "hi friendship!" nag-beso kami.
Ipinasok ni Yel tsaka bf nito yung mga gamit daw na gagamitin ko mamaya sa mismong event. Apat lang naman ang category at panglima na yung formal wear kapag nakapasok sa Lucky 3.
"Sis. Magii-start na daw kayo mag-make up nitong pinsan ko. Doon na lang muna kami sa baba okay?"
Tumango lang ako.
Nagsimula na ngang make-upan ako ni Toni. Nagsimula muna siya sa natural look. Sports wear kasi ang una naming susuotin kaya hindi naman kailangan doon ng over make-up. After kong maayusan eh nagpaikot-ikot ako sa harapan ng salamin.
"Ganda mo sis. Bagay sayo yang suot mong pang-motocross."
Tinitigan ko muli yung sarili ko sa salamin. Shit! Ngayon ko lang nakita sarili ko na ganito ka-sexy. Promise! Ang sexy ko sa fitted na suot ko na to tapos idagdag mo pa na color black and white yung theme ng mga suot ko kaya talagang bagay na bagay sa akin.
Pagkatapos maayos lahat sakin, minabuti ko na munang bumaba. Nandoon si mama, kapatid ko at boyfriend nito tsaka yung dalawa kong bestfriend at mga boyfriend nito. Busy sila sa paggawa ng banners para saming dalawa ni Seb. May ilang mga classmates din ako na nandokn at tumutulong sa kanila.
"Waaaaaah sissy ang pretty mo ngayon!" niyakap ako ni Hannah.
"Ngayon ka lang maganda. Bukas ako na ulit okay?" si Yhel.
Nagyakap-yakap kaming tatlo. Akala mo ngayon lang ulit nagkasama-sama. Parang mga tanga.
Pasado alas singko na rin ng hapon ng matapos ang lahat sa kanya-kanyang nga ginagawa. Nailagay na rin sa mga kotse yung mga banners namin at nagayos na rin sila para sa pagpunta namin sa school kung saan gaganapin yung mismong event.
Nakita ko si Seb sa may labas ng bahay namin at may kausap sa phone. Medyo iba yung timpla ng mukha nito. Feeling ko seryoso pinaguusapan nung kausap nito sa phone. Napalingon ito sa pwesto ko at ngumiti. Omo! Yun ang inaantay ko.
Landi mo talaga self!
Kasabay kong lumabas ng bahay yung handler ko. Doon daw kami kasi sasakay sa sasakyan ni Seb tutal parehas kaming hawak nito.
Nauna ng umalis sa bahay yung mga classmates ko. Naka-van sila.
Magkasama naman sila mama at kapatid ko tsaka si rokai. Tapos yung mga bestfriend ko, bahala na sila. May mga kotse naman boyfriend nila.
"Let's go na?"
Taenaaa! Bat ba kasi sobrang gwapo ngayon ni Seb? Kahit na color rainbow yung suot niyang damit para sa soccer e hindi naman ito nakabawas ng ka-gwapuhan niya. Mas lalo pa nga talaga siyang gumwapo.
"Sabi ko naman sayo wag ka magdo-drool sa harapan ko. Mamaya matunaw ako eh. Wala ka ng Sebastian sa buhay mo."
Inirapan ko lang 'to at tumingin sa labas ng salamin.
BINABASA MO ANG
The Dark meets Light
ActionPatakbong sumisigaw si Mandy sa kakahuyan, madilim at napaka-sukal. "Sebastian! Tulungan mo ako!" Bitbit-bitbit ang cellphone ay mas binilisan pa niya ang pag-takbo. Hinahabol siya ng mga lalaking naka-itim, mga alagad ni Cortez. Nag-kubli siya sa i...