Chapter 5

237 8 0
                                    

Kumawala naman si Havana sa yakap ko, at mabilis na humarap." Havana!" tawag ko naman sa kanya, tiningala naman nito ang tingin sa taas, kung saan nakalambitin ang magulang at ang kapatid niya.

"Hindi! Sino ang may gawa sa kanila nito?" umiiyak na sabi niya, napaluhod naman ito sa lupa.

Napatakip nalang ako sa bibig, para iwasang humikbi." Havana?" tawag ko ulit sa kanya, saka siya nilapitan.

Sinubukan ko naman siyang hawakan, peru iwinaksi lang niya ang kamay ko at saka biglang tumayo habang naka-kuyom ang kamao niya. Nakita ko rin ang bahagyang pag-iba ng kulay ng mata niya, ang dating kulay kayumanggi ngayon ay parang dugo.

"Magbabayad sila!" sabi naman niya, at saka ako tinakbuhan.

Nadagdagan na naman ang galit sa puso niya, agad ko namang ipinulupot ang balabal sa mukha ko, saka kinuha ang pana, saka sumampa sa kabayo.

Tinignan ko naman silang tatlo, na unti-unti ng nalulusaw at tinatangay na ng hangin ang abo nilang katawan.Mabilis ko namang pinatakbo ang kabayo ko, para sundan si Havana sa maaari nitong gawin.

Talagang hindi sila titigil, kapag hindi nila nakukuha ang gusto nila. Nagpunta naman ako sa bayan, para dun hanapin si Havana.

Sigurado akng maghihiganti na naman ang batang yun. Napaka-hirap isipin na isang iglap nawala nalang lahat na meron siya.

Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid. Sobrang ingay sa pamilihan, at may nagkukumpulan naman sa nagbebenta ng karne. Nabaling naman ang atensyon ko ng makita ko si Havana na kinakaladkad ng mga lalaking may malalaking katawan.

"Pinatay niyo ang magulang ko!" rinig kong sabi niya. Mga tauhan na naman ito ni Cronus. Papunta naman sila sa liblib na parte ng palengke, kaya dali-dali akong bumaba sa sinasakyan kong kabayo para sundan sila.

"Saan ang singsing!" sabi naman nila kay Havana, at hinigpitan ang kapit sa braso nito.
"Dapat lang silang patayin, dahil hindi sila marunong sumunod" sabi naman nito, at inilabas ang pangil niya, at sinusubukang takutin si Havana.

"Hindi ko sasabihin, kung nasaan ang singsing!" pagmamatigas na sabi ni Havana sa kanila.

Limang lalake, at isang bata? talagang ganun na sila kapursigido para makuha ang singsing na sinabi nila.

"Ayaw mong sabihin, sige! Isusunod na kita sa magulang mo" akmang sasaktan nito si Havana, ay napatama ko na ang palaso sa braso niya, dahilan para mabitawan niya ito.

Napalingon naman ito sa gawi ko." Ikaw! Hulihin ang babaeng yan!" sabi naman niya sa kanyang kasamahan.

Naibala ko naman ang dalawang palaso, para sa dalawang kasama niya, itinuon ko talaga ito sa bandang puso nila, para maramdaman nila kung gaano kasakit ang ginawa nila kay Havana.

"Ugh! " rinig kong daing nila, sinipa ko naman sa mukha ang isa, peru nahawakan nito ang paa ko.

Ginamit ko naman ang isang paa ko, para sipain siya sa dibdib, hindi naman siya nakasagang dahil hawak niya ang paa ko. Agad na sumalpok ito sa pader, at nagkaroon ng lamat dahil sa malakas na pagsipa ko.

Nag-iinit na talaga ang kamay ko, lumantay naman ako sa likod ng lalaking natamaan ko kanina ng palaso sa dibdib. Saka tumalon sa isa pang kasamahan nito, at sumong-ay sa balikat niya, agad ko namang binaliko ang ulo niya, saka ito bumagsak sa lupa.

"Subukan mong lumapit! papatayin ko ang batang ito!" hinablot naman nito si Havana, at tinutukan ng patalim sa leeg.

Humakbang naman ako palapit sa kanya."Bitawan mo ang batang yan" madiing sabi ko sa kanya.

Humalakhak naman ito na parang baliw." Hindi ko aakalaing mapapatumba mo ang mga kasama ko, sino ka babae? alam kong hindi ka pangkaraniwang bampira!Napatay mo nga si Katari at nagawa pang maitakas ang ama at kapatid ng batang ito! peru sadyang tinadhana silang mamatay" gusto kong masuka sa itsura niya, malabong na balbas at nangingitim na ngipin.

"Dahil kayo ang pumaslang sa kanila, ano bang meron sa singsing? para magawa niyong pumatay!" sabi ko naman sa kanya.

"Hindi muna kailangang malaman, babae. Sabihin niyo na sakin kung nasaan ang singsing, kung hindi... " napatingin naman siya kay Havana, na dumudugo na ang leeg nito dahil sa pagdiin niya sa patalim.

"May isusunod akong papatayin" sabi naman nito.

Kumuyom naman ang kamao ko, at itinapon ang dala kong pana." Pakawalan mo ang batang yan, dahil wala siyang alam tungkol sa sinasabi mong singsing" sabi ko naman sa kanya.

"Wala ngaba?" mapaglarong sabi nito, at mas hinigpitan pa ang kapit niya sa braso ni Havana.

Napatingin naman ako sa kamay ni Havana, na may kinuha sa bulsa niya. Nabigla nalang ako ng ihagis niya sakin ang singsing." Wag mo yang ibibigay binibini!" sabi naman niya, agad ko namang nasalo ang singsing na inihagis niya.

"Hangal na bata!" sabi naman nito, namilog naman ang mata ko ng tuluyan nanga nitong hiniwa ang sa bandang leeg ni Havana.

"Mga kawal! nandito ang mga kawal!" rinig kong sabi ng mga nakakita samin, nakalimutan kong nasa pamilihan pala kami.

Hindi naman ako makagalaw, ng ihagis niya ang walang buhay na katawan ni Havana sakin, sakaa mabilis na tumakbo." Havana? " tawag ko naman sa pangalan niya, hindi maaari!

Sumuka naman ito ng dugo, mabilis ko naman siyang ikinandong sa at niyakap ng mahigpit. Rinig ko rin ang mga mabigat na yapak ng mga kawal, at pilit hinuhuli ang walang awang kumuha ng buhay ni Havana.

"Fhia? ma..ra..ming sala..mat" sa huling pagkakataon, narinig ko sa bibig niya ang pagtawag niya sa pangalan ko, kahit nahihirapan niyang sabihin sakin iyon, nagawa parin niya.

"Havana? Lumaban ka!" humahagulhol na sabi ko sa kanya, dahan-dahan naman nitong ipinikit ang mata niya.

"Havana!" sigaw ko sa pangalan niya, wala namang akong ibang magawa kundi ang yakapin siya, habang nababahiran na ng dugo ang damit ko.

Hinaplos ko naman ang napaka-inosente niyang mukha. Kahit sa maikling panahon na nakasama kita, naramdaman ko kung paano magkaroon ng isang anak, na kasing tapang mo.

May humawak naman sa balikat ko." Binibini? Nais kayong dalhin sa palasyo" sabi naman ng kawal sakin.

Hindi ko naman siya pinansin, kinarga ko naman si Havana saka tumayo."Binibini! kailangan ka naming maka-usap dahil sa nangyaring kaguluhan." sabi naman nito.

Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon