Iminulat ko naman ang aking mata, dahil nasisilaw ako sa liwanag galing sa labas. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kagabi, dito sa kubo.Pagkalabas ko sa kubo ay malamig na hangin ang bumungad sa 'kin. Malapit na talagang dumating ang taglamig.
" Saan natin siya hahanapin?" nakarinig naman ako ng boses galing kay Tyche.
" Binibini! nandito ka lang pala, doon kaba nakatulog sa kubo namin?" sabi naman sa 'kin ni Themis, tumango naman ako sa kanya.
" Oo, bakit niyo ako hinahanap?" tanong ko naman sa kanila, nagkatinginan pa silang dalawa.
" Dahil nawawala ka." sabi naman ni Tyche, ngumiti nalang ako.
Tama din naman siya, hindi nila ako hahanapin kung hindi ako nawala." Saan ang Ina n'yo?" tanong ko naman sa kanila.
" Si Ina? naghahanda ng kagamitan, dahil aalis na kami dito." sabi naman ni Themis, kumunot naman ang nuo ko.
" Bakit naman?"
" Siguro dahil sa nangyari kahapon, sabi kasi nila baka natunton na ang lugar na ito ng mga itim na Lobo." sagot naman ni Themis sa 'kin.
" Sabi ni Ina, dapat sumama daw tayo sa kanya Themis. Yun ang bilin ni Ina." rinig ko namang sabi ni Tyche at hinawakan ang laylayan ng damit ko.
Bakit naman iyon sasabihin ng Ina nila? kung sabay kaming aalis?" Sinabi lang niya iyon baka kasimay mangya-" naputol naman ang sasabihin ni Themis, dahil sa sigawan at parang nagkakagulo na sila.
" Ano yun?" takot na sabi naman ni Tyche saka mas idinikit pa ang sarili niya sa 'kin.
Kahit ako ay nakikiramdam narin sa paligid." Tyche si Ina! kailangan natin siyang balikan." sabi naman ni Themis at mabilis na tumakbo papalayo.
" Themis!" sigaw ko naman sa pangalan nito, pero hindi ito nakinig sa 'kin.
Dali-dali ko namang hinawakan ang balikat ni Tyche at bahagyang pumungko para mapantayan siya." Wag kang matakot, ang kailangan mo lang gawin ay pumasok ka sa loob ng kubo at wag kang lalabas. Gamitin mo itong balabal ko, para maitago mo yang mukha mo." sabi ko naman sa kanya, pero kumapit lang ito sa kamay ko, na may naluluhang mata.
Ang lahat na ayaw kong makita ay ang batang umiiyak sa harapan ko." Binibini? iligtas mo ang Ina ko at si Themis." pagmamakaawang sabi niya.
Tumango naman ako at hinawakan siya sa pisngi." Ililigtas ko sila, kaya magtago ka muna, hintayin mo kami na bumalik dito." sabi ko naman sa kanya at hinila siya papasok sa loob ng kubo.
Humanap pa ako ng malaking dahon o mga kahoy na pwede kong itabon sa kubo. Pagkatapos ko itong magawa ay inilagay kona ang patalim sa nakapungko kong buhok.
Takbo lang ang ginawa ko, hanggang sa matigil nalang ako dahil sa mga lobong nagtatalsikan sa mga puno at naglalaban-laban sa isa't isa.
Wala naman akong sinayang na oras at tumakbo na ako papunta sa kung saan pwedeng pumunta si Themis.
Napatingin naman ako sa isang itim na lobo, na pilit dinudumog ang nanghihina ng lobo. Agad ko namang tinanggal ang patalim na nasa buhok ko.
Dahil nakatalikod ito sa 'kin, agad kong ibinaon ang patalim na hawak ko sa ulo nito.
Tanging maririnig mulang ay ang ungol ng isang lobong nasasaktan. Agad ko naman itong hinablot, dahilan para matalsikan ng dugo ang mukha ko.
Pero bigla nalang tumalsik ang katawan ko sa may puno. Dahilan para mapadaing ako sa sakit, nabitawan ko naman ang patalim ko na ilang hakbang na ang layo sa'kin.
BINABASA MO ANG
Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )
VampirShe die, and awaken again. Marami ng nagbago, sa nagdaang taon na natutulog siya. Inaakala niyang hanggang dun lang ang buhay niya. Habang natutulog siya, may kuma-usap sa kanya. A diety, ang diety na nagtakda sa kanya na magkaroon ng kaka-ibang dug...