Kahit anong bakas o kahit siya wala akong nakita. Napa-balik naman ang atensyon ko kay Hava, dahil parang may inaamoy ito.
" Hava? " tawag ko naman sa kanya, hanggang sa bumaba kami sa mga batuhan sa may lawa na. Kahit nagtataka ako ay sinundan ko parin ito, bakit siya nawala? Impossibleng may kumuha sa kanya doon.
Tumatampisaw naman sa tubig si Hava, at parang may gusto siyang kunin sa ilalim ng tubig. Lumusong naman ako sa tubig, para puntahan si Hava.
" Havana!" napasigaw nalang ako sa pangalan niya, dahil nakita ko itong nakalubog sa tubig at parang natutulog lang sa ilalim nito.
Hinubad ko muna ang mabigat na tela sa suot ko, para makuha ko si Havana sa ilalim ng tubig. Agad naman akong tumalon, at lumangoy papunta kay Havana.
Pano siya napunta dito? Hinawakan ko naman ang kamay nito, saka hinila pataas para maka-ahon sa tubig.
Binuhat ko naman si Havana, papunta sa lupa para mahimasmasan. " Havana? " sambit ko naman sa pangalan niya, hindi naman ito nagsalita o minulat manlang ang mata niya.
Napatingin naman ako sa kamay niya kung saan ko isinuot ang singsing. Pero hindi ko na makita sa kamay niya. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakakuyom, binuksan ko naman ito at nasa loob pala nun ang singsing.
Kinuha ko naman ito saka isinuot sa kanya pabalik, ilang sandali lang ay sumuka na ito ng tubig, hanggang sa dahan-dahan na niya itong imulat.
" Havana?" sambit ko naman sa pangalan niya, agad ko naman itong niyakap.
" Fhia ? nandito sila, kukunin nila ako." humahangos na sabi niya naman sa 'kin, nangingiligid naman ang luha ko sa sinabi niya.
" Nandito na ako, wag kanang mag-alala." sabi ko naman sa kanya, lumapit naman sa'min si Hava, at inaamoy si Havana.
" Hava?" sambit naman ni Havana, saka hinihimas ang ulo ni Hava, dahil matagal din silang hindi nagkasama.
Napatingin naman ako sa may mga kakahoyan, hindi maaari." Havana? sumakay kana kay Hava, dali! Suotin mo yan, pagsapit ng hating gabi magkikita tayo sa labas ng palasyo sa Lantacia. Naiintindihan mo ba ako? kahit anong mangyari wag kang babalik dito." sabi ko naman sa kanya, saka siya binuhat pasakay sa likod ni Hava.
Kinuha ko naman yung damit ko, saka ipinulupot sa basa niyang katawan." Fhia? bakit hindi kana lang sumama?" nag-aalalang sabi niya naman sa 'kin.
Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya, saka ngumiti." Magkikita pa tayo mamayang hating gabi, tandaan mo yan." sambit ko naman, saka hinalikan siya sa nuo.
Humarap din ako kay Hava, saka ipinagdikit ang ulo namin." Mag-iingat kayo, ilayo mo siya dito." sambit ko naman kay Hava, at sa pagbitaw ko ay siya ring pagtakbo niya nang mabilis alam kong may mangyayari.
Sinulyapan pa ako ni Havana, habang papalayo na ito sa 'kin. Ngumiti lang ako sa kanya, kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang kailangan nila, maaaring konektado rin ito sa nangyayari ngayon sa palasyo.
Ilang sandali lang ay may palaso na akong nakita na tumarak sa may puno malapit sa gawi ko. Tinignan ko naman ito kung saan nanggaling, hindi sila tauhan ni Cronus, dahil may takip ang mukha nila.
" Saan mo tinago ang batang yun!" galit naman ng sabi isa sa mga nangunguna sa kanila.
" Anong kailangan niyo sa kanya? Hindi niyo siya makukuha." madiing sabi ko naman sa kanya, napa-upo naman ako, dahil hindi ko naiwasan ang magksabay na pagtira niya ng pana sa bahaging balikat ako nadaplisan.
Bakit parang pamilyar ang boses niya? napatitig naman ako sa mata niya, hindi ako nagkakamali, pero bakit?
" Tapusin niyo na ang babaeng yan." sambit naman niya, naging mainit naman ang tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )
VampireShe die, and awaken again. Marami ng nagbago, sa nagdaang taon na natutulog siya. Inaakala niyang hanggang dun lang ang buhay niya. Habang natutulog siya, may kuma-usap sa kanya. A diety, ang diety na nagtakda sa kanya na magkaroon ng kaka-ibang dug...