Chapter 22

215 4 0
                                    

Napatingin naman ako ni Havana na naghahanda sa pag-alis namin ngayong gabi. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin namin. Paano kung may makakasalubong kaming kalaban sa daan, mapapasubo na naman kami?

" Fhia? ano'ng iniisip mo? kung nag-aalala kasa paglalakbay na'tin ngayon, hayaan mong kami na ang bahala." sabi naman sa 'kin ni Heaven.

Ngumiti lang ako sa kanya," Natatakot lang ako sa p'wedeng mangyari ngayong gabi." sabi ko naman sa kanya.

" Kami natatakot din sa p'wedeng mangyari, pero ikaw ang nagturo sa'min na hindi matakot." sabi naman sa 'kin ni Havana.

Napatingin naman ako sa kanya, tama siya pero iba ang pakiramdam ko sa gabing ito." Hindi ko alam ang dapat kong isipin, pero kahit anong mangyari kakayanin ko." sabi ko naman sa kanya.

Tumango naman sila sa 'kin," Tama, kakayanin na'tin." nakangiting sabi naman ni Heaven.

Alam kong madaming mangyayari ngayng gabi. Nag-aalala din ako sa sitwasyon ngayon ni Brylle. Wala ako sa tabi niya para tulungan siya, wala ako sa tabi niya para sabihing kakayanin niya lahat.

Pero isa lang ang napatunayan sa'kin ni Brylle, na kakayanin n'ya lahat. Minsan na niya itong pinaramdam sa 'kin, kaya alam kong kakayanin din niya ngayon.

" Hali kana, kailangan na nating makaalis, bago pa sumapit ang bilog na buwan." sabi naman sa'kin ni Havana.

Tumango naman ako saka ipinulupot ang makapal na tela sa katawan ko. Dahil lumalamig na ang hangin, at dumidilim na ang gabi tanging ang sinag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw at liwanag at ilang sandali lang ay magbibigay na ito ng nakaka-lulang kaanyuan na magdadala ng bangungot sa gabing ito.

Hinawakan ko naman ang aking tiyan, at mahinang hinimas ito. Tulungan mo akong kayanin ang lahat, para sa kaligtasan ng lahat. Tinulungan naman ako ni Havana na isakay sa karwahe ng kabayo.

Si Heaven naman ay katabi ko sa pag-upo, habang si Havana ang nasa unahan para magpatakbo sa dalawang kabayo.

" Aalis na tayo," sabi naman ni Havana, sabay naman kaming tumango ni Heaven sa kanya.

Ilang sadali lang ay mabilis na niyang pinatakbo ang sinasakyan naming karwahe. Gumawa naman ng ingay ang kabayo, sa bawat pag-palo ni Havana sa kanila.

Sanohara ang lugar na pupuntahan namin ngayon, naniniwala akong magiging ligtas ang anak koon sa araw nang pagsilang niya.

" Sana mag-tagumpay sila sa laban na ito." biglang sambit naman ni Heaven habang nakatanaw sa labas.

" Magtatagumpay." sabi ko naman sa kanya.

" Sana nga... gusto ko pa siyang makita ulit pati na ang mga anak namin." sabi naman niiya.

Napangiti naman ako saka hinawakan ang kamay niya na siya namang ikinalingon n'ya sa 'kin." Babalik silang lahat, at magkikita pa kayo." sabi ko naman sa kanya.

" Aasahan ko ang mga katagang iyan." sabi naman niya.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatanaw sa buwan. Hinihintay ko ang pagbilog nito at ang pagpalit ng kulay. Unti-unti na ring humihina ang pagpatak ng niyebe, ilang sandali lang ay tuluyan na itong titigil.

" Sanadali may paparating." biglang sabi naman ni Havana.

Agad namang sinilip ni Heaven ang nasa labas, dahil natatabunan kami dito sa loob ng kurtina kaya't walang makakapansin na nandito kami sa loob.

" Bakit nandito ang Emperador ng Versiya?" tanong naman ni Heaven.

" Mukhang dadalo sila sa kasalang magaganap, mamaya." rinig ko namang sabi ni Havana.

Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon