Chapter 12

206 6 0
                                    


Napamulat naman ako ng aking mata nang maramdaman ko ang pangangalay ng kamay ko. Nakatali kasi ito sa isang poste, at parang nasa isang maliit na entablado ako.


Pilit ko namang tinatanggal ang pagkakatali sa 'kin pero hindi ko magawa. Napapikit naman ako dahil nasisilaw ako sa ilaw na itinuon sa gawi ko.

" Mabuti naman, dahil gising kana magandang binibini." rinig ko namang sabi nito.

Hindi ko alam pero hindi si Cronus itong nagsasalita, nakatakip ang kalating mukha nito. At magkasing laki lang sila ni Brylle kapag ang katawan ang pag-uusapan.

" Matagal na kitang hinahanap, hindi ko aakalaing makikita kona ang alas ko para mapagbagsak siya." sabi naman niya." Mabuti nalang ang mga masisipag kong taga-sunod nahanap ka."

" Sino ka? " sambit ko naman, narinig ko naman itong tumawa. Umupo naman ito sa isang upuan malapit sa gawi ko.

" Hindi muna kailangang malaman. " sambit namna nito, ibig ba niyang sabihin na siya ang nasa likod ng kasamaan ng Cronus na yun?

" Anong kailangan mo sa 'kin?" mahinahong sabi ko naman sa kanya, wala akong makitang posibleng dahilan para ako na naman ang pag-iinitan.

" Nakita moba kung gaano kasaya ang bagong hari ng Lantacia sa kanyang magiging Reyna?" natigil naman ako nang sabihin niya iyon, para bang may kumirot sa puso ko.

" Wala akong pakialam sa sinasabi mo." sambit ko naman, tumayo naman ito saka lumapit sa 'kin.

" Hindi mo paba lubos maiintindihan ang lahat, ipinagpalit kana niya." sinusubukan niya bang bilugin ang ulo ko?" Kaya wala kanang halaga sa kanya."

" Sinasabi mo lang yan dahil gusto mo akong kamuhian siya. Alam mo bang lahat na pwedeng maging traydor bakit ikaw pa Licus." halatang nagulat siya sa sinabi ko, dahil tama ang hinala ko na siya nga.

" Wala kana bang puso? hindi mo ba naisip ang maaaring maramdaman ng mga kaibigan mo? Nabulag kana sa kasamaan, pinagpalit mo ang pagkakaibigan dahil lang sa galit na nararamdaman mo. Hanggang ngayon ba ako parin ang sinisisi mo sa pagkamatay niya?"

Mariin naman akong napapikit nang sipain niya nang sobrang lakas ang mga upuan at mesa. At sa wakas tinanggal narin niya ang tabon niya sa mukha.

" Oo! dahil ikaw nag puno't dulo ng lahat ng ito. Ikaw ang sumira sa pagkaka-ibigan namin,ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! At sisiguraduhin kong magdudusa ka." sabi naman nito saka tumalikod sa 'kin.

" Sabihin mo sa 'kin? ano ba ang mas matimbang para sayo? Ang pagkaka-ibigan o ang ninanais mong paghihiganti? Alam mo kung ano ang magiging dulot nito, Licus." sabi ko naman, bahagya pa itong tumigil sa paglalakad.

" Malalaman mo rin ang sagot ko balang araw."sabi naman niya saka tuluyan na akong iniwan.

Hindi ko naman napigilan ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ako ba talaga ang dahilan ng lahat ng ito?

Bigla namang may pumutol ng tali sa kamay ko, agad na bumagsak ang nanghihina kong katawan sa sahig.

"Tumakas kana binibini." sabi naman ng isang lalaking may malaking pangangatawan at maraming malbas.

Parang nakita kona siya, mukhang siya iyong nakalaban ni Cronus nung una akong dinala dito.

Tinulungan naman ako nitong makatayo habang may hawak siyang malaking itak. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan, pero nagpapasalamat parin ako.

Agad naman ako nitong ipinasakay sa itim na kabayo." Maraming salamat sayo gino." sabi ko naman sa kanya.

May kinuha naman ito sa kanyang bulsa at ibinigay sa 'kin ang isang kutsilyo na gawa sa pilak." Gamitin mo yan, binibini. Mag-iingat ka. Nakita ko ang pagligtas mo sa bihag ni Cronus dati, at sinadya ko talagang magka-gulo ang araw na yun. Nagagalak akong makilala ang babaeng katulad mo." sabi naman niya, hindi ko naman maiwasang ngumiti sa kanya.

Nagulat naman ako ng may bumulusok na pana sa likuran niya." Umalis kana, binibini." sabi naman niya, nagulat naman ako ng bigla niyang hampasin ang puwetan ng kabayo dahilan para bumilis ang pagtakbo nito.

Nakita ko pa ang pagbagsak niya sa lupa dahil sa palasong naka-tusok sa bandang puso niya. Kahit gusto ko siyang balikan hindi ko kaya.

" Maraming salamat." sambit ko naman habang tumutulo ang luha ko sa mata.

Kinuha ko naman yung kutsilyong binigay niya, saka gumawa ng hiwa sa kamay ko. Palatandaan na may nagbuwis na namang buhay para sa akin.

Nakita ko naman ang pagsunod ng mga tauhan ni Cronus habang nakasakay sa itim na kabayo. Agad ko namang pinunit ang damit ko sa may dulo saka tinali iyon sa kamay ko.

Pinungko ko naman ang buhok ko, gamit ang kutsilyong binigay niya. Saka mabilis na pinatakbo ang kabayo. Napapa-iwas naman ako minsan dahil sa mga palasong bumubulusok sa gawi ko.

Lumingon naman ako sa'kin likuran at malapit na nila akong mahabol. Naisipan ko namang pumunta sa isang masukal na gubat para mailigaw ko sila.

Habang tumatagal lalong bumibigat ang paghinga ko. Ramdam ko narin ang pagod, napasinghap naman ako nang madaplisan ako sa may braso ko.

Dalawa nalang silang sumusunod sa 'kin, napakagat labi nalang ako saka lumiko ako sa ibang direksiyon.

Muntik pa akong matamaan ng isang palasong bumulusok sa katawan ng puno. Namilog naman ang mata ko dahil nasa pangpang na pala ako, kaya wala na akong mapupuntahan pa.

" Bumaba ka diyan!" sigaw naman ng isang humahabol sa 'kin.

Napatingin naman ako sa tubig, kung tatalon ako dito maaaring makatakas pa ako." Hindi niyo ako mahuhuli." sabi ko naman, saka tumalon.

Malakas naman ang impact nang pagkabulusok ng katawan ko sa malalim na tubig. Dahil sa malakas na pag-agos ng tubig ay hindi ko namalayan ang malaking bato na tumama sa ulo ko, dahilan para mawalan ako ng malay.
-

Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon