Nakatingin lang ako sa labas, habang pinagmamasdan ang niyebe na nahuhulog galing sa taas. Nababalot na ng puting niyebe ang buong lugar.Paggising ko ganito agad ang bumungad ng umaga ko, kay ganda pagmasdan ang mapayapang kalangitan at lugar.
Pero kasalungat naman nito ang nakapaloob ng mundong ito. Nagulat naman ako nang may yumakap sa'kin mula sa likod.
" Brylle? hindi ka pa ba babalik sa palasyo?" tanong ko naman sa kanya, at iniharap siya.
Parang kagabi lang na nangyari iyon, dalawang araw na ang nakalipas at hinanda ko na ang sarili ko sa maaaring kalalabasan.
" Ayaw mo ba akong makasama? nais ko lang naman na mayakap ang aking reyna nang matagalan." sabi naman nito, at hinalikan ako sa nuo.
"Paano kung manghinala sila?" sambit ko naman sa kanya.
" Don't worry, i can handle everything." sabi naman niya.
" Alam na ba ni Hower ang tungkol kay Licus? hahayaan mo lang ba ito? paano kung may pinaplano silang masama sayo?" nag-aalalang sabi ko naman sa kanya.
Sinabi ko na lahat ang tungkol kay Licus, pero hindi ko inaasahan na alam na niya pala. Inilihim lang din niya dahil alam niya ako mismo ang unang maapektuhan.
Naiintindihan ko na ang lahat, hindi lahat ng lihim ay masama, maaaring inilihim lang ito sayo upang hindi ka masaktan at hayaang siya na mismo ang aayos.
You need to sacrifice just to protect the someone you love. But i'm afraid that, may inililihim pa si Brylle sa 'kin.
Kung meron man wala akong ibang gawin, kundi ang pagkatiwalaan siya. Everything is in his hand now, my king is smarter than everything else.
" You don't need to worry about that, i have my plan. Ang kailangan nating gawin ay maghintay ng pagkakataon, at mag-ingat. Sa ngayon hindi ka muna magpapakita, mas ligtas ka dito. " sabi naman niya.
" Paano naman yung kasal n'yo ng anak ng emperador? parte lang ba ito sa plano mo?" sabi ko naman, tumango naman ito sa 'kin.
" Nagseselos ka ba sa kanya?" nakangising sabi naman niya.
" Sinisigurado ko lang naman."
" Sa paghinto nang pagpatak ng niyebe ay ang gabing iyon gaganapin ang kasalanan. At doon magsisimula ang lahat, ikaw naman ay manatili lang dito." sabi naman niya sa 'kin.
Pinaningkitan ko naman siya ng mata." Ayaw mo ako, papuntahin sa kasal mo? Am i not invited?"
" Dahil ayaw kong mapahamak ang aking Reyna, dahil ikaw lang naman ang gusto kong pakasalan sa ilalim nang bilog na buwan." nakangiting sabi naman niya sa 'kin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi." Ikaw ang pinakamagadang bituin na nahulog sa lupa, para ako'y mahalin."
Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kilig sa sinabi nito." Ikaw naman ang lupang sasalo sa pagbagsak ko." tugon ko naman sa sinabi niya.
" You look so beautiful, day by day. Can i have some bite?" nakakalokong sabi naman nito.
Mahina ko naman siyang tinulak papalayo." May kapalit pala ang matatamis mong salita, baka nakakalimutan mo muntik mo nang maubos ang dugo ko." sabi ko naman sa kanya.
Narinig ko naman itong tumawa nang mahina." Kung ganun aalis na ako, baka hindi ko mapigilan ang aking sarili na ika'y angkinin." pilyong sabi naman nito.
" Mabuti pa nga, inaabuso ng mahal na hari ang aking pagiging mahina ko sa kanya." sinadya ko talagang pinaparinig ito.
Bigla naman itong sumulpot sa tapat ko." Kahinaan ko rin naman ang babaeng nasa harapan ko ngayon." sabi naman nito." At siya rin ang lakas ko." mahinang boses na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )
VampireShe die, and awaken again. Marami ng nagbago, sa nagdaang taon na natutulog siya. Inaakala niyang hanggang dun lang ang buhay niya. Habang natutulog siya, may kuma-usap sa kanya. A diety, ang diety na nagtakda sa kanya na magkaroon ng kaka-ibang dug...