Nilibot kona ang palasyo nila hindi ko parin mahanap si Havana. Ano bang nasa isip ni Riss para kunin si Havana? Napatigil naman ako ng makita ko si Lance.
" What are you doing here?" sambit naman niya parang wala siya sa mode niya ngayon.
" Hinahanap ko si Risser, alam moba kung saan siya madalas pumupunta?" tanong ko naman sa kanya, kahit hindi naging maganda yung unang pag-uusap namin dati.
" Hinahanap moba ang babaeng kasama niya? He's acting so weird incomes to that girl." sambit naman niya.
" Nakita mo sila?" tanong ko naman sa kanya.
" Yes, pero wala sila dito sa palasyo. Lumabas sila, and I don't know where they go." walang kabuhay-buhay na sabi nito saka nilagpasan nalang ako.
" Lance sandali?" pigil ko naman sa kanya, tumigil naman ito sa paglalakad habang nakatalikod lang sa 'kin." Nakakulong parin ba siya doon?" tanong ko naman sa kanya, ang tinutukoy ko ay ang babaeng kinulong niya noo sa kuweba.
" I already make her free, and she choice to leave me for a long time." malungkot na sabi nito, saka nagpatuloy sa paglalakad niya.
Inaakala kong papatayin niya ito, dahil palagi lang niyang sinasaktan. But he choice to make her free, siguro na-realized niyang wala namang kasalanan ang babaeng yun.
Kahit magka-iba sila, hindi naman naiiba ang puso ng bawat nilalang. Parehong tumitibok, at parehong may damdamin.
Napabaling naman ang atensyon ko sa pagbukas ng tarangkahan. Nakita ko naman si Riss at Havana na nakasakay sa kabayo. Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanila.
" Fhia?" sambit naman ni Havana, pero hindi ko ito pinansiin.
Itinuon ko naman ang atensyon ko kay Riss." Havana bumaba ka diyan, ngayon na!" hindi ko naman mapigilang tumaas ang boses ko.
Dali-dali naman itong bumaba sa kabayo, habang si Risser ay natatawa lang sa nangyayari. Alama ba niya kung gaano ak nabaliw sa ginawa niya? Kahit pinsan ko pa ang pilyong prinsipe na ito, hindi ako magdadalawang isip na sipain ko siya habang sakay sa kabayong iyan, dahil sa pagkuha niya kay Havana na walang pahintulot ko.
" Fhia?" sambit naman ni Havana, hinawakan ko naman ang kamay niya.
" Alam ko yang iniisip mo Riss, kaya wag munang ituloy pa. May nakatakda na sayo alam mo yun, dahil yun ang patakaran bilang isang Maharlika. Wag mong sabihin na pinagbabawalan ko kayo, pero sana inisip mo muna ang magiging kinalalabasan. Maghintay ka." sambit ko naman saka hinila na papasok sa loob ng palasyo si Havana.
Dahil ang isang tulad nila ay nakatakda nang ikasal sa isang Maharlika din. Dahil iyon ang patakaran, pero kung talagang kaya niyang paninindigan. Dapat iniisip niya muna kung may masasaktan o wala. Dahil alam kong sa huli si Havana parin, at ayaw kong mangyari iyon.
" Fhia? nagpasama lang naman ang mahal na Prinsipe, dahil may gusto siyang bilhin sa pamilihan. Tapos napatawad na niya ako sa ginawa ko kanina." sabi naman ni Havana sa 'kin, binitawan ko naman ang kamay niya.
" Matalino ka dito Havana, I hope that your heart is wiser than this." sabi ko naman, pinaalala ko lang sa kanya kung matalino ka sa utak, dapat mas matalino ang puso mo.
Tinuro kopa talaga kung saan nakalagay ang utak at puso ko. Pero ang iba, nagiging bobo ang puso kapag yan na ang tinamaan.
" Fhia? I'm sorry." sambit naman niya, hindi ko naman siya mapigilang yakapin.
Sa lahat na ayaw kong makita ay yung mga mata niyang, nakakawala ng pag-aalala ko, yung kaninang takot ko ay nawala na.
Ayaw kong matulad ka sa nangyayari sa 'kin ngayon, walang magawa kundi ang maghintay nalang." Bumalik kana sa silid mo, Havana." sabi ko naman saka siya iniwan sa tapat ng pintuan ng silid niya.
BINABASA MO ANG
Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )
VampireShe die, and awaken again. Marami ng nagbago, sa nagdaang taon na natutulog siya. Inaakala niyang hanggang dun lang ang buhay niya. Habang natutulog siya, may kuma-usap sa kanya. A diety, ang diety na nagtakda sa kanya na magkaroon ng kaka-ibang dug...