Pinagmasdan ko naman ang natutulog na si Havana sa kama. Ano ba kasing dahilan kung bakit nila ito ginagawa. Gusto lang ba nilang maangkin ang emperyong ito? o may iba pa sila dahilan?
Galit pa sa 'kin si Brylle, ayaw kong ganito kami. Hindi ako masydong nakaka-isip ng maayos.
Naisipan ko namang magbasa nalang, baka may makakatulong sa 'kin. Napa-isip naman ako, kung tinago nila ang katawan ng Reyna, saan naman kaya? at bakit?
Nagsimula naman akong pumili ng libro, pero walang tungkol sa lason. Bigla namang pumasok sa isip ko, ang silid aklatan sa loob ng palasyo.
Maaaring nandoon ang hinahanap kong libro. Mabilis naman akong pumasok sa loob ng silid saka nagbihis, at tinakpan ang mukha ko gamit ang balabal.
Saka naglakad na palabas, maingat naman akong lumabas sa maliit na pinto na tinatabonan ng rosas. Tinabonan ko naman ito ulit, nang makalabas na ako.
Nakayuko lang ako habang papasok na sa loob ng palasyo. Hanggang sa marating ko ang silid aklatan ng palasyo.
Bigla naman akong tumigil, dahil may biglang humila sa 'kin. Nakita ko naman sa Hower.
" Hower?" sambit ko naman sa pangalan nito.
" Alam mo bang napaka-dilikado para sayo ang paggala mo ngayon sa palasyo?" sabi naman niya sa 'kin, alam na niya talaga na ako ito.
" May kailangan lang akong kunin." sabi ko naman sa kanya, pero hindi parin ako nito binibitawan.
" Nag-away ba kayo ng bagong Hari? Kahapon lang yan mainit ang ulo, at ayaw kaming kausapin." sabi naman niya, napa-isip naman ako, baka ako nga ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya.
" Pwede mo ba akong dalhin sa kanya?" sambit ko naman, gusto ko rin naman kausapin si Brylle, at mag-sorry narin sa katigasan ng ulo ko.
" Sigurado ka? Baka pagsisihan mo ang puntahan siya?" natatawang sabi naman sa 'kin ni Hower, bakit ko naman pagsisihan?
" Sigurado ako, gusto ko lang s'yang kausapin." sambit ko naman, hanggang sa maglakad na kami sa direksiyon kung saan ang silid ni Brylle.
" Ahmm… Hower paano ka napunta dun sa gubat?" tanong ko naman sa kanya, napatigil naman sa sinabi ko.
" May sinusundan lang ako, at nakita kitang nakahandusay sa lupa." sabi naman niya, sino naman kaya ang sinusundan niya?
" Maraming salamat, sa pagdala mo sa 'kin dito." sabi ko naman sa kanya, saka ngumiti.
" Alam ko na kung bakit mainit ang ulo niya, dahil yun sa ginawa ko. I've never thought that he's being possessive on you." sabi naman niya, saka tumawa ng mahina.
Tama siya, kahit wala namang intensiyon ang iba na hawakan ako. Tumigil naman kami sa tapat ng pinto sa silid ni Brylle.
" Ikaw na ang kumatok, sigurado akong magagalit ulit iyon kapag nalaman niyang magkasama tayo." sabi naman ni Hower, saka ako iniwanan nalang sa tapat ng pinto.
Kinatok ko naman ito, pero hindi pala naka-lock ang pinto, kaya dahan-dahan kong binuksan iyon.
Nakita ko naman itong nakahiga sa kama niya, at nakapikit ang mata. Maingat akong humakbang papasok, saka sinara pabalik ang pinto.
Humakbang naman ako palapit sa kanya, at tama nga ako natutulog nga ito. Umupo naman ako sa kama, saka pinagmasdan lang ang gwapo niyang mukha.
" I'm sorry." sambit ko nalang, kahit tulog ito.
Akmang tatayo na sana ako para lumabas, nang biglang may kamay na humila sa 'kin, dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya.
" I am waiting for you to say that." sabi naman niya, kanina lang pala siya gising.
BINABASA MO ANG
Awaken of Blood ( Book 2 of Blood Trilogy )
VampirShe die, and awaken again. Marami ng nagbago, sa nagdaang taon na natutulog siya. Inaakala niyang hanggang dun lang ang buhay niya. Habang natutulog siya, may kuma-usap sa kanya. A diety, ang diety na nagtakda sa kanya na magkaroon ng kaka-ibang dug...