Alive

1.8K 64 2
                                    

Hans

Bakit pagkakita ko na hindi na siya nakadamit pambabae ay nanghinayang ako? Lalaki naman talaga siya ah.

Papunta na kami sa pulungan nang hari.

**************

Yoo

Nandito kami ngayon sa pulungan kasama ang lahat nang ministro pati na ang taga Yuan kasama na si Choi Fang.

"Mahal na Hari patay na po ang prinsipe at namatay siya sa lugar niyo. Ano pa bang proweba ang hinahanap niyo?"

"Paano mo naman nasabi iyan? ni wala ka ngang taong nadagip para patunayan ang sinasabi mo"

"Wala nga ba kamahalan?"

"OO WALA!!!!"

Natigil naman kami nang may sumigaw nun, naglingonan kami pero hindi namin alam kung sino. Sino kaya yun?

*************

Ayu

Papatayin ko talaga ang Choi Fang na yan eh.

Rinig na rinig ko lang naman ang usapan nila dito tsk. Kapag dadating na ang panahon? ako ang papatay sa kanya.

"Wala nga ba kamahalan?"

Aish!!!! naiirita na ako!

"OO WALA!!!!"

sigaw ko. hindi ko muna binuksan ang pinto. Lumingon ako kay Hans. Tumango tango naman siya.

Pinagbuksan naman kami...

Lahat sila ay nakatingin sa amin. Nasa likod lang ako ni Hans na ngayoy taas noong lumalakad papalapit kay Choi Fang.

Flashback

Hindi pa kami nakakaabot sa pulungan ay may sinabi ako sa kanya.

"Kamahalan, sa oras na nandun na tayo, kinakailangan mong harapin si Choi Fang nang buong tapang"

"Hindi ko kaya Ayu"

"Kamahalan, alalahanin niyo. Ikaw na ang hari nang Yuan"

"Anong ako? buhay pa ang aking batang kapatid na hari!" galit niyang sagot

"Kamahalan, hindi pa man ninyo nalalaman ay malalalaman niyo rin na patay na ito. At ngayon ikaw na ang bagong hari nila, kaya hindi ka papatayin ni Choi Fang dahil magagamit ka pa niya"

Napatigil naman siya at nag isip.

"Paano ka nakakasiguro na magkakatotoo ang sinasabi mo?"

Ako naman ang natigilan. Aish!!

"Malalaman mo din kapag nakapasok na tayo sa pulongan"

"Papaano kung magtanong si Choi Fang kung sino ang nagtangka sa buhay ko? anong isasagot ko?"

"Simple lang, ibigay mo sa kanya ang gusto niyang sagot"

"Pero -"

"Kamahalan, kinakailangan mong ipakita sa kanila na hindi ka takot kay Choi Fang nang sa ganun ay matakot sila sa inyo. Hindi man matakot si Choi Fang ngayon, wag po kayong mag alala. Dadating ang panahon na matatakot siya sa inyo. At sa oras na iyon ay mag pa plano siya na patayin kayo"

Hindi na nga siya nagsalita at sumunod nalang sa akin.

End of Flashback

"Kamahalan!!" sigaw ni Choi Fang sabay luhod "mabuti naman po at buhay pa kayo!"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon