Poison

1.2K 38 0
                                    

Hans

Naghihintay nalang kami sa kanila. Nababagot na ako, kailan ba magsisimula ito?

Dumating naman si Chae Ree na nakangiti sa akin. Nginitian ko din siya at pinaupo sa tabi ko. Reyna ko siya kaya ginawa ko iyon.

"Kamahalan, kasama po si La Hee"

Ibinuka ko lang ang bibig ko nang "Paano?"

"May kumupkup sa kanya at siya ang pinapasok dito"

Napangiti naman ako. Sigurado akong magiging maganda ito pero may kulang talaga eh.

"Nandidito na po sila mga kamahalan"

Salamat naman at magsisimula na. Si Chae Ree naman ay halatang masayang masaya.

Ang dami naman yata nila?

"Tatlomput lima silang lahat kamahalan"

Grabe! Ganyan ka dami?

Tumayo naman si ina.

"Ako'y nagagalak at ang mahal na hari at reyna sa pagdalo ninyo dito"

"Wala pong anuman kamahalan"

"Kung tatlomput lima kayo bakit kulang kayo nang isa?"

Doon na sila nagtinginan sa isa't isa. Binilang nila itong muli at kulang nga nang isa. Sino naman kaya ang nangahas na magpahuli?

"Patawad po kung pinaghintay ko kayo mga kamahalan"

May nagsalita naman nun at bumukas ang pinto. Pero bakit pamilyar ang boses niya?

Yumuko siya.

"Patawad pong muli"

Sabi niya pagkatapos ay tumingin sa akin mata sa mata.

Sino ka ba?

******

Ayu

Kung nagtatanong kayo kung bakit ako late ito ang sagot ko.

Gusto ko lang, gusto ko kasing gumawa nang bonggang bonggng entrance para mapansin talaga nila ako. Kaya iyon ang ginawa ko.

Tumayo na ako sa pwesto ko.

"Ngayong nandito na ang lahat ay sasabihin ko na ang importanteng bagay sa inyo. Hindi lahat kayo ay dito na titira, kinakailangan ninyong malampasan ang mga pagsubok upang makamit iyon. Hindi magiging madali ang lahat kaya wag kayong kampante. Naiintindihan ninyo?"

"Opo mahal na inang reyna"

"Kung mayroon man kayong mga problema wag kayong mag atubiling lumapit sa akin. Naiintindihan niyo?" Chae Ree

"Mabuti kung ganun. Pumunta na kayo sa silid ninyo, nakahanda na ang lahat kaya wala na kayong dapat na ipag alala"

"Maraming salamat po mahal na reyna"

Pumunta na kami sa mga silid namin. Kaagad naman akong sinalubong nang alipin.

"Ako po si Soo Young binibini, ang maglilingkod sa inyo"

"Ako si Gu Nara, mabuti at nakilala kita"

"Pumasok na po tayo"

"Salamat"

"Napakabuti naman pala ninyo binibini"

"Hindi sa lahat nang panahon Soo Young"

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong niya habang kumukuha nang maiinom. Ibinigay naman niya sa akin.

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon