Challenge

1.1K 31 0
                                    

Ryung

Bakit namumutla si Ayu. Tinulugan naman niya ako.

Kinumutan ko nalang siya, pinatay ang kandila at lumabas na.

Bumalik na lang din ako sa silid ko at natulog na.

***********

Yoo

Parang may sakit si Ayu. Bibisitahin ko nalang siya bukas.

Lumapit naman sa amin ang manggagamot dala dala ang gamot na sinabi ni Ayu.

Si ina na ang pumasok, natatakot naman kasi ang manggagamot na pumasok.

Gusto ko sanang ako nalang pero hindi ako pinahintulutan ni ina. Hindi ko talagang maiwasang mangamba. Kanina pa ako sinasabihan ni ina na magpahinga na ako pero hindi ko kaya.

"Yoo"

Nagulat naman ako nang nagsalita si ama

"Opo aking ama"

"Magpahinga ka na. Nangako ako kay Ayu na hihintayin ko siya kaya wag ka nang mag alala. Wag mong pabayaan ang sarili mo, malalagay sa alanganin ang palasyo kapag nagkasakit ka"

"Masusunod po aking ama"

Wala na nga akong nagawa kung hindi ay bumalik na sa silid ko at magpahinga.

******

Chae Ree

Nagmamadali kaming bumalik sa palasyo.

Kumapit po kayo kamahalan. Wag niyo po kaming iwan.

Kaagad namin siyang dinala sa silid niya at pinatawag ang manggagamot.

Dumating naman ang mahal na inang reyna.

"Ano na ang kondisyon niya?"

"Maayos na po siya ngayon. Hindi naman po siya nahawa sa sakit. Hintayin nalang po natin na magising ang hari"

Nakahinga naman kami nang maluwag.

Umalis na ang manggagamot. Masama naman ang tingin nang mahal na inang reyna sa akin.

"Bakit mo pa kasi siya dinala sa labas"

Hindi na ako nagsalita.

"Malalagot ka sa akin kapag hindi pa siya gumaling. Tandaan mo iyan"

Yumuko nalang ako dahil umalis na siya.

(Sigh) ano na ang gagawin ko kamahalan?

Sana naman gumising ka na.

*****

Yoo

Nagmamadali akong pumunta sa silid ni Ryung.

"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ko sa kanya nang dumating ako.

"Hindi ko po alam kamahalan, ginising ko siya pero hindi siya gumigising. Patawad po pero hindi na po siya humihinga" sabi niya na halatang malapit nang umiyak.

Kaagad kong pinuntahan ang kanyang silid.

Nakita ko naman siyang nakahiga at putlang putla na. Hindi ko na napigilang umiyak. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

Ang ginaw na nang kamay niya.

"Ayu, wag kang magbiro nang ganyan. Hinihintay ka pa nang aking ama. Hindi ka pwedeng mamatay ngayon Ayu. Inuutusan kita Ayu. Hindi ka pa pwedeng mamatay. Ayu, hindi!!! Hindi!!!!"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon