Captain Ayu

2.7K 78 1
                                    

Ayu

Sinubukan kong magbihis panglalaki pero hindi ko alam. Aish! akala ko pa naman madali lang... pang military naman kasi to ang bigat bigat pa...

"Sulli!" tawag ko

"Ano po iyon kamahalan?"

"Tulungan mo akong magbihis"

Nagtaka naman siya... Bakit ba kapag may ginagawa ako nagtataka sila.

Tinulungan naman niya ako.

"Maraming salamat Sulli" sabi ko at nagtaka na naman siya. tsk.

Lalabas na sana siya nang...

"May itatanong ako Sulli"

"A-ano po iyon kamahalan?"

Bakit siya nauutal?

"Ano bang ginawa ko dito sa palasyo? parang takot na takot kayo sa akin"

"P-patawarin mo ako kamahalan" sabi niya sabay luhod "mabuti pong hindi niyo na malaman"

"At bakit?"

"K-kasi po, ano, kasi"

"Sasabihin mo? o hindi?" galit kong sabi

"Sasabihin ko po mahal na prinsesa"

"Yun naman pala, sabihin mo sa akin lahat lahat naiintindihan mo?"

"Opo kamahalan... nang dumating po kayo dito ay naging masaya ang palasyo. Isang maganda at mabuting tao po kayo pero isang araw ay nagbago po kayo. Isang maling salita at nagagalit na po kayo. Kinakailangan pa po namin kayong painomin nang pampatulog para makatulog kayo. Nang dahil sa ugali ninyo ay maraming galit sa inyo. Kaya po nangyari ang sugat diyan sa ulo mo kamahalan"

Ano kaya ang naging dahilan bakit siya nagkaganun...

"Alam mo ba ang dahilan nang aking pagbabago?"

"Hindi po kamahalan. Walang nagtatangkang lumapit sa inyo dahil umiiyak lang kayo palagi dito"

Naputol ang pag uusap namin nang may pumasok..

"Kamahalan, handa na po ang lahat"

"Kung ganun, tayo na!"

Lumabas na ako, at nakita ko ang maraming sundalong naghihintay sa akin. Ngayong araw na ito ako ang captain nila kaya kailangan kong panindigan 'to.

"Sa araw na ito kailangan nating protektahan ang prinsipe nang Yuan dahil kung hindi tayo ang magdudusa, naiintindihan niyo?"

"Opo kamahalan!!!" sigaw nilang lahat...

Ngayon palabas na kami nang palasyo... Malapit nang maggabi kaya kinakailangan naming magmadali. Nakasakay ako ngayon nang kabayo at hindi ako makapaniwala. Papaano ko nalaman ito? hmmmm...

May dumating na balita na malapit na kami sa kampo nang prinsipe. Nang makita na namin ay bakas sa mukha nang mga sundalo ang saya.

May sumalubong naman sa amin, dalawang sundalo. Sa tingin ko sila ang nagbabantay sa prinsipe.

"Bakit hindi ang hari ang sumalubong sa prinsipe? ganyan na ba siya ka walang galang ngayon?"

Ewan ko pero parang naging masaya ako...

"Patawarin mo sana kami pero hindi pwedeng pumunta dito ang hari dahil nagkasakit ito Zhang"

Nabigla naman siya..

"Papaano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Sino ba ang hindi? ikaw ang tinaguriang pinakabatang heneral dito, hindi ba?"

"Dito? sa gogoryeo?"

"Oo at yang kasama mo si Soo Ha hindi ba?"

Mas lalo tuloy silang nagtaka...

"Wag kayong mag alala, nandito lang kami para protektahan ang prinsipe sa mga taong may plano sa kanya"

Alam kong nabigla sila pero tinatago lang.

"Gusto niyo bang pumasok?" Zhang

"Salamat Zhang"

Pumasok nga kami, kami nalang tatlo ang nandito sa loob.

"Ngayon magtatanong ako, ano ang totoo mong pagkatao?"

"Pagkatao? bakit? may mali ba akong sinabi?"

"Bakit mo nalaman na -"

Pinutol ko ang pagsasalita niya.

"May plano kayo sa prinsipe? hindi ko naman alam iyon eh, sinabi ko lang"

Nagulat naman sila.

"Kung ganun wala ka talagang alam sa mangyayari?"

"Oo, may napanaginipan kasi ako kagabi. At ang gustong ipahiwatig ay patayin nga ang prinsipe"

Nagtinginan naman silang dalawa. Sige! maniwala kayo. Mamamatay kayo ngayong gabi.

"Salamat sa pang imbita Zhang. Bago ako aalis may sasabihin sana ako"

"Ano iyon?"

"Sa araw na mawala ang prinsipe, wag na wag niyo siyang hahanapin kung papatayin niyo lang siya. Dadating ang panahon na siya ang maghahari sa Yuan tandaan mo iyan"

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako.

Tsk. ano ba itong pinasok ko!

Malapit na ako sa tent na tutuluyan ko nang may nakita akong sundalo na lumabas sa tent nang prinsipe.

Hinarangan ko siya. Ang bata naman nang sundalong ito.. at hindi ko ipagkakailang gwapo ito...

"Anong ginagawa mo?"

"Anong ginagawa mo sa loob?"

"Wala ka nang pakialam dun"

"Magsasalita ka? o papatayin kita?"

Natakot naman siya.

Pinapasok ko siya sa tent ko

"Magsalita ka!, hindi pwedeng mamatay ang prinsipe, magkamatayan man"

Tumingin naman siya sa akin nang seryoso.

"Bakit ka ganyan makatitig?"

"Papaano mo nalaman ang bagay na iyan"

"Kung ganun alam mo na pala ang plano nila?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, pero isa lang ang sasabihin ko. Wag kang mangialam sa gagawin nila dahil mamatay ka"

Tumawa naman ako..

Nagtaka naman siya

"Ako? mukhang imposible yata iyon"

"Huwag kang magsasalita nang hindi tapos"

"Hindi naman ah"

Nagalit ko yata siya.

"Hindi mo alam kung sino ako kaya manahimik ka"

"tsk tsk tsk. Wag kang mag alala alam na alam ko kung sino ka"

"A-alam mo? kung ganun sino ako?"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon