Aphasia

1.2K 45 3
                                    

Hans

Ano na naman ba ang sinasabi nang Choi Fang na ito?...

Napagdesisyon na ni ina na ang mapapangasawa ko pero dalawa sila. Iisa lang ang pipiliin sa kanila at ang anak ni Choi Fang at Ministro Park ang napili ni Ina.

Kaya ito, may ginagawa na namang kalapastanganan si Choi Fang.

"Hindi po nila totoong anak si Wol kamahalan" Choi Fang

"Papaano mo naman nalaman iyan Choi Fang?"

"Kamahalan, hindi na po ako magsasalita at sana po hindi kayo magagalit sa sasabihin ko. Hindi ko po hangad at lalong lalo na ang anak ko na maging reyna nang bayang ito. Kung gusto niyo po talagang malaman ang katotohanan. Imbestigahan niyo nalang po kamahalan"

(sigh) patayin ko na kaya si Choi Fang? imposible naman yata iyon.

"Hindi ako ang magdedesisyon nito. Kung may problema tungkol sa bagay na ito ay si ina ang kausapin ninyo at hindi ako. Naiintindihan ninyo?"

"Opo kamahalan" sabay naman nilang sabi

Iniwan ko na sila. Pumasok na ako sa aking silid. Nang sinirado na nila ang pinto ay bigla na namang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Ayu! Ayu! Ayu!.

Nakatulog nalang ako sa kaiiyak.

************
Ayu/Wol

Nang magising ako ay hinanap ko na naman si Seohwa.

"Seohwa! Seohwa!"

"Ano po iyon binibini?"

"Nagawa mo ba?"

"Opo, binibini. Magiging maayos po ang lahat kaya wala na pong problema"

Ano nga ba ang pinagawa ko sa kanya.

Flashback

Ibinulong ko ito sa kanya.

"Magkalat ka nang isang pangyayari Seohwa. Ikalat mo na nawala ako sa pamilya ko at hinanap nila ako at nakita nila ako sa Gogoryeo. Sa oras na maniwala ang mga tao, kakalat ito nang kakalat hanggang makakarating ito sa hari"

End of Flashback

"Salamat, maraming salamat Seohwa"

"Wala po iyon binibini. Kahit ano po kung galing sa iyo"

"Maraming salamat sa lahat Seohwa"

"Bakit naman po parang ipinapahiwatig ninyo na hindi na kayo magpapakita sa akin?"

"Hindi naman Seohwa. Nagpapasalamat lang ako dahil nandiyan ka palagi sa akin"

"Kung ganun po, walang anuman. Binibini"

"Wol! anak!"

Pumasok naman si ama

"Ano po iyon ama?"

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Opo ama, patawad po kung pinag alala kita"

"Anak, patawarin mo sana kami"

"Para saan po ama?"

"Para sa lahat anak"

"Kung ganun pinapatawad ko na po kayo ama"

"Huwag kang magsasalita nang tapos anak"

"Hindi po ama. Anak po ninyo ako at may proweba po ako"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon