Remarriage

1.6K 39 0
                                    

Ayu

After 5 yrs.

"Ma'am! Ma'am!"

Nabigla naman ako nang bigla nalang sumigaw si Soo Young at nagmamadaling pumunta sa akin. Kasalukuyan naman akong nagluluto sa kusina. Nagpatuloy lang ako sa pagluluto.

"Shiela! Wag ka ngang sumigaw diyan! Wag ka ding tumakbo! Hindi pa katapusan nang mundo!"

Hingal na hingal naman siya nang nakita ko na siya.

"K-katapusan n-na talaga nang mundo!"

Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko naman mapigilang ngumiti. Siya si Soo Young sa past pero Sheila na ang name niya ngayon.

"Ano ba kasing nangyari?"

"Si Johanne (Yohan) at si Kyle nawawala!"

"Nawawala? Imposible naman ata iyon? Nakita ko sila sa sala kanina naglalaro"

"Iyon na nga ma'am bigla nalang silang nawala. Hinanap ko na sa buong bahay wala talaga sila"

Saan na naman kaya nagsusuot ang dalawang bat na iyon.

Yes! May anak na ako, akalain mo iyon parehong pareho talaga sila nang anak ko sa past. Si Johanne ay si Hae Young at si Kyle ay si Jeong Won. Kamusta na kaya sila ngayon and speaking of past parang alam ko na kung saan sila pumunta.

Tinapos ko muna ang niluluto ko at inihaon.

"Pakitapos nga nito Sheila"

"Po? Pero nawawala sila!"

"Oo! Alam ko kaya nga ikaw na ang tumapos nito at ako ang maghahanap sa kanila"

"O-opo"

"Manong!" Tawag ko sa driver namin.

"Alam kong alam mo kung nasaan sila kaya sabihin mo na sa akin"

Ngumiti naman siya. Bakit naman kaya siya ngumingiti?

"Dadalhin na lang kita doon ma'am"

"O sige, tayo na"

Inalayan naman niya akong makasakay.

Oo nga pala! 5 yrs. na din kaming kasal ni Hans xD... wag kayo! Kinikilig na naman ako ngayon! Tsk.

Nagtaka naman ako nang huminto ang sasakyan sa palasyo. Hindi na siya kagaya noong nasa past pa ako. Ginawa nalang siyang tourist place.

"Bakit tayo, nandidito?"

"Nandidito po ang dalawang bata ma'am"

Sabi ko na nga ba eh. Ano ba ang nakita nila at palagi silang pumupunta dito?

Pinagbuksan niya ako nang pinto. Lumabas naman ako. Tinignan ko ang kabuuan nang palasyo. Matagal na din akong hindi nakapasok dito ah. Pumasok ako sa palasyo, pinasokan ang lahat nang kwarto na makita ko. May naaalala kasi ako...

Simula noong nasa Yuan na ako, kung paano ko nakilala si Hans, paano ako nakipaglaban kay Choi Fang at lahat lahat. Napasok ko na ang lahat nang silid maliban nalang sa kwarto ko at kay Hans.

Binuksan ko ang kwarto ko. Masasabi ko talagang malaki ang pagbabagong naganap. Nandidito pa din ang mga bagay na nakikita ko sa past pero hindi na lahat. Hinahawakan kong muli at tinitignan ang anumang makita kong gamit sa loob hanggang sa may nakita akong papel.

"Ano naman kaya ito?"

Because of curiousity binuksan ko ito.

Ayu,

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon