Chae Ree

1.1K 35 0
                                    

Yoo

Hindi talaga ako mapakali... Bakit hindi niya ako maalala?

"Kamahalan, may naghahanap po sa inyo"

"Sino?"

"Ryung daw po kamahalan"

"Papasukin mo"

Lumabas siya at pinapasok si Ryung.

"Kamahalan" sabi niya sabay yuko.

"Anong sadya mo sa akin?"

"Magtatanong lang po sana ako kamahalan"

"Ano naman iyon?"

"Bakit niyo po kilala si binibining Wol?"

"Papaano mo naman nalaman iyan?"

"Sagutin niyo nalang po"

Hindi ba siya natatakot sa akin?

"Hindi ko siya kilala. Napagkamalan ko lang siya. Pareha kasi sila nang mukha"

"Kung ganun, wala kayong pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya?"

Ano bang alam niya?..

"Oo, wala"

Ngumiti naman siya

"Salamat sa pagsagot kamahalan. Aalis na po ako"

Umalis na nga siya. Ano ba talagang alam niya at nasabi niya ang bagay na iyon.

******

Ayu/Wol

Nang nakapasok na ako sa aking silid ay naghihintay si ama sa akin.

"Ama!"

Galit naman siyang tumingin sa akin at nagtaka sa suot ko.

"Saan ka nanggaling at hindi ka umuwi kagabi?"

Bakit niya alam?

"Patawad ama, paggising ko nalang nasa silid na ako nang mahal na hari"

"Nasa silid nang mahal na hari?. Ano ba ang nangyari sa iyo at hindi mo alam na nandoon ka sa silid nang mahal na hari?"

"Ang sabi po niya nahimatay daw po ako ama"

"Bakit ka naman nahimatay?"

"Hindi ko po alam ama"

"(sigh) mag iingat ka anak. Hindi sa lahat nang panahon dumadalaw ako sa iyo"

"Masusunod po ama"

"Pero saan mo ba nakuha ang damit na iyan anak? Hindi mo ba alam kung sino dapat ang gagamit nang damit na iyan?"

"Bakit po ama? Ang mahal na hari ang nagbigay nang damit na ito. Sino po ba ang dapat na gumamit nito ama?"

"Ang reyna, anak"

Nagulat naman ako.

"A-ang reyna po?"

"Oo anak. Ano ba ang naisip niya at pinasuot ka niya nang damit na iyan?"

Hindi na ako nagsalita pa.

"Umupo ka nga dito"

Umupo nga ako.

"Alam mo ba na ngayon na papasok ang anak ni Choi Fang?"

"Ngayon na po ba iyon?. Naku! magkikita na pala kami ni Chae Ree!" Masaya kong sabi.

"Ngayon anak, nasabi mo naba sa hari ang pakay mo sa kanya?"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon