Leaving

1.1K 32 2
                                    

Yoo

Ano ba talaga ang napanaginipan niya at umiyak siya nang ganito?

"Tahan na Ayu"

Kanina ko pa siya pinatatahan pero wala pa ding epekto.

Mga ilang oras ko din siyang yakap yakap. Nang mahimasmasan na siya ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin

"Patawad po kamahalan"

"Maayos ka na ba?"

"Opo, maraming salamat kamahalan"

Kumuha ako nang tubig at ibinigay sa kanya. Ininom naman niya ito.

"Ano po bang ginagawa ninyo dito?"

"Magpapaalam na ako sa iyo Ayu"

"Bakit naman po?"

"Babalik na ako sa gogoryeo"

Hindi na siya nagsalita pa at parang may iniisip siya

"Kamahalan, maaari niyo ba akong hintayin bukas?"

"Bakit?"

"Hintayin niyo nalang po ako bukas, maaga naman akong babalik dito"

"Babalik? Saan ka naman pupunta?"

"Hintayin niyo nalang po ako bukas kamahalan"

Tumayo na nga siya.

"Teka Ayu! Saan ka ba pupunta, gabi na"

Hindi siya nakinig sa akin. Kinuha niya lang ang kanyang espada at lumabas.

Saan ba talaga siya pupunta?

*********

Ayu/Wol

Kahit gabi na ay lumabas pa din ako kinakailangan kong gawin ito.

Lalabas muna ako nang palasyo, pupunta ako sa bahay.

Nang makarating na ako sa pinto ay kumatok ako.

Nakilala naman niya ako kaya pumasok na ako.

"Sabihin mo kina ama na nandidito ako" utos ko

Kaagad naman niyang sinunod. Naghintay lang ako sa labas nang silid nila.

Nang nagkailaw sa loob ay lumabas na sila ama.

"Anak, anong sadya mo dito at gabi ka na pumunta?" Ama

"Pumasok po muna tayo"

Pumasok nga kami sa silid nila.

"Ama, magtatanong lang po sana ako"

"Sabihin mo anak"

"May kilala ho ba kayong Lee Min Suk?"

Nagulat naman siya sa tanong ko.

"L-lee Min Suk? Saan mo nadinig ang pangalan na iyan?"

Papaano niya nalaman ang pangalan na iyon? May alam ba siya sa nakaraan?

"Ama hindi tanong ang sagot sa tanong ko. Sabihin niyo po sa akin ang totoo ama. Importanteng importante sa akin ito"

Tumitig naman siya sa akin.

Si Lee Min Suk ang hari nang Yuan pero pinatay siya at lahat nang pamilya niya.

"Alam mo anak iisa lang ang mapapayo ko. Wag mo nang ungkatin ang nabaon na sa limot dahil may masasaktan at masasaktan ka lang"

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon