Courage...

1.6K 51 0
                                    

Ayu

Mahimbing nang natutulog si Hans... (sigh) naalala ko naman ang sinabi niya kanina.

Alam ko kung ano ang nakaukit sa katauhan mo at sa katawan mo.

Tinignan ko naman siya. Ano ba ang ibig sabihin ni lolo na baguhin ko ang kasaysayan?

Napatigil naman ako sa pag iisip nang may tumunog. Cellphone ko yata.

Kinuha ko ito. Oo nga pala may cellphone ako.

Inopen ko ito at dumiretso sa camera, lumapit ako kay Hans at pinicturan siya habang natutulog. Napangiti naman ako. Ang cute niya kasi.

Nag picture pa ako nang picture hanggang sa low battery na ito tsk. wala pa naman sa akin ang solar charger.

Makuha ko nga. Lumabas ako at pumunta sa chambers ko, nagmasid ako baka kasi nandun pa si Aya. Nang sure na ako na wala na sila ay pumasok na ako at kinuha ang solar charger, connector at saka mini wifi.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nandidito tong mga gadgets na to.

Nang tapos na ako ay umalis na ako at bumalik sa chambers ni Hans.

*************
Hans

Nagising ako dahil sa pagbukas nang pinto. Hindi naman ako nakaharap sa pinto pero alam ko naman na si Ayu lang yan.

"Ayu, nagugutom na ako. Pakainin mo naman ako at saka kumuha ka din nang tubig nauuhaw ako" sabi ko nang nakapikit

Parang hindi naman siya kumikilos.

**************
Ayu

Nasa pintoan na ako nang nagsalita si Hans

"Ayu, nagugutom na ako. Pakainin mo naman ako at saka kumuha ka din nang tubig nauuhaw ako" sabi niya

Nagtaka naman ako, nasa labas pa naman ako ah.

Nilabas ko naman ang espada ko at pumasok. Tama nga ang hinala ko may taong nakapasok at gustong patayin si Hans.

Kaagad ko namang inilagay ang espada sa leeg niya

"Sino ka?" tanong ko

Dun na lumingon sa Hans. At nagulat nalang din siya sa nakita.

"Ayu!" yan lang ang nasabi niya dahil sa gulat.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay nakipag away talaga siya at dahil na din sa magaling ako ay nasugatan ko siya. Pero nakatakas siya. Pansin ko lang parang babae yun eh.

"Ayu!" sigaw niya tapos lumapit sa akin "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang po kamahalan, kayo po ayos lang po ba kayo? hindi kayo nasugatan?" pag aalalang tanong ko.

"Salamat naman Ayu" sabi niya sabay yakap sa akin.

Nabigla naman ako.

"Salamat at ligtas ka Ayu" sabi pa niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya?

Ngumiti lang naman siya sa akin.

"Nagugutom po kayo kamahalan? kung ganun kukuha muna ako nang makakain" sabi ko

Aalis na sana ako nang hawakan niya kamay ko. Lumingon naman ako sa kanya.

"Sasama na ako sa iyo, baka kasi bumalik iyon patayin pa ako" takot niyang sabi

Pumayag nalang ako. Nang nasa labas na kami ay nagulat nalang ako nang may mga guwardiyang papalapit sa amin.

Queen? or Empress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon