May mga araw talagang naiisip ko ang mga nakaraan.
Lahat-lahat.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nung bata pa ako lagi kaming pinapatulog pag hapon.
Nung bata pa ako naglalaro kami ng mga pinsan ko ng baril-barilan gamit ang goma. 'Yong tipong magtutupi kami ng papel kasi 'yon 'yong bala namin, pero babae talaga ako ha. Tipong may pagka-boyish sa pananamit at sa lakad pero may times ding naka-dress ako. For events lang 'yong dress. Ayoko kasi 'yong nagsusuot ako ng mga gown or girly stuffs kung hindi ako komportable duon. I prefer jeans, shirt, and the likes. Also, malambot ang puso ko. Nahuhulog sa isang lalaki.
Nung bata pa ako gumagawa kami ng bahay-bahayan. Duon kami matutulog o kaya'y manonood kami duon ng panood tapos kakain kami ng mga mik-mik, stick-o, at iba pa.
Nung bata pa ako naglalaro kami ng tagu-taguan. Naiinis nga ako dahil minsan lagi akong taya. Ang hirap naman kasing hanapin ng mga pinsan ko eh! Haist. Ay! Meron pa pala 'yong langit-lupa, washington, tumbang preos, patintero, at iba pa. Sobrang nakakamiss! Gosh.
Nung bata pa ako naglalaro ako nung barbie. Oo, barbie. Madami akong barbie sa bahay. One time nga bumili kami nung barbie na may bathtub tapos duon ko ilalagay iyong tubig. Syempre. Basta may battery 'yon. Mayroon pa 'yong paper na tao tapos papalitan ko 'yong damit niya, buhok, bag, and everything.
Nung bata pa ako nakakaihi pa ako sa panty ko. Nakakadiri nga eh. Tapos pag-iihi ako, umiihi ako duon sa arinola. Arinola ba o anirola? Ah, basta! Gets niyo naman eh. Basta ayon.
Nung bata pa ako naglalaro ako ng playstation kasama ang mga pinsan ko. Marami kaming nilalaro. Hmmm, racing, super mario, tekken, at marami pa syempre. Sa racing, ako lagi ang nananalo. Most lang pala. Hehe. Gusto ko din 'yong tekken. Laban-laban kasi duon eh. Ang sayang ma-knock out 'yong kalaban. Maganda rin 'yong super mario, madaming adventures.
Nung bata pa ako marami na akong nalalamang kanta. Nalaman ko 'yong ibang kanta sa mga pinsan ko. English and Tagalog at hindi mga Korean.
*Dota vs. Gf
*Classmate
*Biglang liko
*Gayuma
*Trip lang
*Gentleman
*Moves like jaggerAnd the likes.
Ganda ngang mag rap eh. Ito pa, iyong mga kanta ng tito at tita ko...
*Hotel California
*Wonderful Tonight
*Can't help falling inlove
*When you say nothing at all
*ApologizeAnd the likes...
Nung bata pa ako naglalaro kami ng mga pinsan ko ng pillow fight. Mostly, boys ang mga pinsan ko. 'Yong pinsan kong ading ang kalaro ko, mostly. Kami ng mga pinsan ko, naglalaro kami ng pillow fight na may ibang version. Paano ko ba i-eexplain? After kasi ng pillow fight kunno, ilalagay namin 'yong pillow sa loob ng damit namin tapos magsusuntukan kami. Hahaha! Oo, magsusuntukan kami. Pero duon lang na part ha. Tapos may pa tumba-tumba pa kaming nalalaman. Hahaha! Tapos alam niyo 'yong tambling? Ginagawa din namin 'yon! Atsaka 'yong buyabuy. Tama ba spelling? HAHAHA! BASTA GANYAN 'YONG SPELLING! 'Yon 'yong i-swiswing ka? Tangina, hindi ko alam 'yong term! HAHAHA! Basta 'yon 'yong ilalagay mo 'yong tao sa legs mo tas i-swiswing mo siya tapos itataas mo 'yong paa mo tapos 'yong taong 'yon naka 'darna' na style. Gets ba? Kung hindi gets, huwag na! Amputs, hindi ko ma-explain ng maayos! HAHAHA k.
YOU ARE READING
SPEAKING SOUL
RandomA lady wanted to voice out her emotions and feelings. A person beyond the lady that state what her soul wanted to. It is her speaking soul. A soul wants to be noticed at all. A soul wanted to give everything at all. A soul... who speaks about he...