H for "HI!"
Still want to continue reading this? If gusto niyo pa... go lang. Nasainyo naman 'yan kung magbabasa pa kayo o hindi eh.
Sobrang drama na ba?
Okay lang naman, diba? I'm just telling those insights na nakabaon sa baba. Pagbigyan niyo na.
Sisimulan ko na ha? Ito na...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi, bakit pati ikaw napapalayo na? Bakit kayo ganon?
Alam kong may nagbago pero parang sumobra ata, kapatid number four, parang mas nagiging close mo pa 'yong online friends mo kesa sa real ones. Mas marami na ATA kayong usapan kesa saating magkakapatid eh. Ano na ngay? Nakikita ko sa mga MYDAY mo na puros chat nila. Syempre online friends lang. Hindi mo sila nakikita. Nakakasakit lang isipin na meron naman kami pero bakit sila? Mas close mo na ba sila? Mas mahal mo ba sila? Mas masaya ka ba dahil sakanila? Gosh, ang sakit lang isipin. Ang sakit isipin na dati parati tayong magkakasamang magkakapatid pero ngayon parang wala na. We're still connected but we're not really connected— we're disconnected. Ano bang nangyayari sa'yo? Kami ba may mali? May kulang ba kami? Hindi ka ba masaya saamin? Ano? Sabihin mo naman. Sabi ni kapatid number three na mas lalong nag iba ka— mas lalong masungit ka. Aish.
Nakakalungkot lang isipin na kami ang lagi mong minemention sa facebook pero ngayon hindi na.
Sila na.
Nakakalungkot lang isipin na kami ang lagi mong kinakausap pag chat pero ngayon sila na. Sobrang dami niyong pinag-uusapan. Nahiya ang group chat natin sa group chat niyo.
Nakakalungkot lang isipin na after mo tapusin ang need mong gawin uuwi ka na tapos wala na. Wala na tayong bonding. Na pagkauwi mo mag-uusap na kayo ng online friends mo. Tama ako, diba?
I'm just sad...
Tila napapalayo ka na saamin.
Tila lumalayo ka na saamin.
Tutulad ka rin ba kay kapatid number six? Lalayo ka na rin saamin or LUMALAYO ka na rin saamin?
Please, don't. We're a team. We're a family.
Please, stay.
Don't leave.
Kapag umalis ka, iilan na lang kami? Bilangin mo kung iilan na lang kami.
Kapatid, sana makapag reflect ka. Nandito pa kami. Nandito naman kami. Nandito pa hanggang sa dulo.
Kaya mo ba silang iwanan?
Mahal ka namin eh.
Hindi ka na ba masaya saamin?
Hindi na ba?
YOU ARE READING
SPEAKING SOUL
RandomA lady wanted to voice out her emotions and feelings. A person beyond the lady that state what her soul wanted to. It is her speaking soul. A soul wants to be noticed at all. A soul wanted to give everything at all. A soul... who speaks about he...