Habang tumatanda ako marami akong nalalaman.
Habang tumatanda ako iba na ang mga gusto ko.
Habang tumatanda ako namumulat ako sa realidad.
Habang tumatanda ako nalalaman ko ang mga tama at mali. Ang totoong tama at mali.
Habang tumatanda ako nahihirapan na akong sumaya.
Habang tumatanda ako... I'm slowly changing or I'm slowly being me?
Habang tumatanda ako nahihirapan akong makipagsalamuha.
Habang tumatanda ako nakakapag-isip ako ng mga hindi magaganda.
Habang tumatanda ako nakakaranas ako ng mga masasakit at mapanakit na mga karanasan.
Alam niyo 'yong tipong sa dami mong nalalaman tungkol sa lahat eh halos mag overthink ka na. A deep person.
Alam niyo 'yong tipong dati gusto ko ang barbie ngayon hindi na. Iyong tipong nagagandahan ako sa color pink pero ngayon ay color black na.
Na dati naglalaro ako ng mga gusto kong laruin ngayon hindi na.
Na dati kasama ko pang maglaro ang mga pinsan ko ngayon hindi na.
Na dati nagtatagu-taguan kami... ngayon nagtataguan na ng nararamdaman.
Na dati ang version ng mga songs is magaganda, maayos, and everything pero ngayon sobrang upbeat na. Don't get me wrong, maganda rin iyong ngayong generation. There's a big difference sa music dati atsaka sa music ngayon. They are still good to hear.
Na dati may limitation ang pagkakita ko sa mga art materials pero ngayon madaming magaganda. Magaganda na mahal at magaganda na hindi mahal. Be wise sa pagbili.
Na dati na naglalaro ako ng playstation pero ngayon sa cellphone na. Ngayon laro ko Piano tiles, Mobile Legend, BB racing, and etcetera.
Na dati na nanonood kami masyado sa television pero ngayon hindi na. Na nanonood na lang sa internet, netflix, and other apps.
Na dati lahat kami sabay-sabay sa pagdadasal bago kumain pero ngayon hindi na. Kasalanan ko eh.
Na dati close kami ng parents ko pero ngayon close kami pero parang hindi. Ewan ko.
Na dati 'yong crush lang dapat ngayon eh naging gusto na.
Na dati sobrang saya ko pero ngayon saktong saya na lang. Sakto lang pero hindi niya na ulit ma-memeet 'yong sobrang saya nung dati.
Na ngayon hindi ko na alam ang mga nangyayari.
Na ngayon na hindi ko na alam ang gagawin.
Na ngayon na ang hirap ng buhay.
Na ngayon kalaban ko ang buhay...
YOU ARE READING
SPEAKING SOUL
RandomA lady wanted to voice out her emotions and feelings. A person beyond the lady that state what her soul wanted to. It is her speaking soul. A soul wants to be noticed at all. A soul wanted to give everything at all. A soul... who speaks about he...