Naks, nasa M ka na, ha! Mukhang may balak kang samahan ako hanggang dulo ha pero malay mo book 1 palang ito, hahaha.


So, ayon nga, dito niyo malalaman ang mga gusto ko. Well, hindi pa naman lahat. There's more to come. Hehe.
So bale, mahaba-haba din 'to.




Here we gooooo...



Gusto ko sumakay sa Ferris Wheel tapos sa roller coaster, and viking.






Gusto kong mag-isa. Na tipong mag travel sa ibang lugar tapos 'yong mga tao duon hindi ako kilala. Feeling ko kasi masarap siya sa feeling. Na parang pwede kang sumigaw sa ibang lugar. Na para bang they are not going to judge you.





Gusto ko ng makakapal na jacket. 'Yong parang korean style.




Gusto ko ng maraming pera para makapagpatayo ng mga bahay. Isa para saakin, isa para sa pamilya ko, at isa para sa itinuturing kong pamilya.






Gusto ko ng account sa Netflix para makapanood ng ibang movies. Mahilig ako sa action, horror, and comedy. Okay lang naman ako sa romance pero huwag masyado sa spg na part.






Gusto ko ng permanenteng tao— na hindi sila umaalis sa buhay ko. Na kahit moody ako, they'll stay. Na kahit mahirap akong intindihin, bossy, somewhat may pagka-arte pero hindi 'yong maarte na napapanood niyo sa tv, they will stay.





Gusto ko ng advance technology kasi makakatulong ito sa society. Makakatulong siya sa lahat.





Gusto ko ng tickets para makapunta sa iba't-ibang concerts.

*Hillsong
*The Script
*Ed Sheeran
*Imagine Dragons

AND OTHERS!




Gusto ko ng pagkain. Pagkain na hindi ko masyadong alam. Maganda kasing tumikim ng ibang food kapag hindi siya pamilyar sa'yo.





Gusto ko ng pahinga. Pahinga sa lahat ng bagay. Pahinga sa mga tao. Pahinga sa paaralan. Pahinga sa syudad. Pahinga sa social media accounts. Pahinga sa sarili ko.





Gusto ko ng mga Wattpad Books and Pocket Books na gusto ko iyong mga genre. Ayoko sa fantasies.


Gusto ko ng magka-boyfriend!





Charot! HAHAHA! Joke lang! It will come unexpectedly so self... enjoy muna life mo mag-isa.




Gusto ko ng maka-graduate at makahanap ng work. A suitable job for a suitable mind and heart? HAHAHA





Gusto kong humaba ang buhay ng mga mahal ko sa buhay. Hindi bale na ako basta mabuhay lang sila ng matagal-tagal pa.

That's doing the ordinary things in life in a very extra ordinary way.




Gusto kong maramdaman kung paano magmahal ang mga lalaki. Aside sa father and relatives ko syempre.



Gusto kong magkaroon naman ako ng isang favorite cartoon character or anything para naman may collections ako sakanila. Ako kasi 'yong tipo ng tao na gusto ko ito, gusto ko iyan. Wala akong favorite. Basta if I found it so cute or attractive edi go lang pero walang favoritism na magaganap.








Gusto ko magkaroon ng poging sapatos at relo. Ako kasi 'yong tipo ng tao na nasa gitna— mahirap pumili. Pag girly style, may part akong gusto. Pag boyish style, ganoon din.







Gusto ko ng magagandang pagkuha saakin. Wala eh. Hindi maganda pagkuha nila saakin pero sige ayos lang. Hahaha! You know, pictures.









Gusto kong umalis sa isa kong zone. Feeling ko kasi nakakulong na ako duon. Na hindi ko magawang mag explore sa ibang mga bagay. Pero masaya naman ako duon, 'yon nga lang parang may kulang.








Gusto kong kainin lahat ng pagkain na nasa Mcdo.




Gusto kong maging buo kaming magkakapatid. Lagi kasi kaming kulang eh.







Gusto kong maging hindi selfish.








Gusto kong may magkagusto saakin na gusto ko rin. Diba? Gusto niyo rin iyon?







Gusto kong matuto sa pag analyze kaagad.











Gusto kong mabuhay.







Gusto kong....







gusto kong maging masaya.

SPEAKING SOULWhere stories live. Discover now