i WILL STILL CONTINUE THIS STORY. KAHIT NA AYOKO NA KAY RANZ. SMH. HINDI NA AKO MAGSASALITA PA. SANA YOU'LL STILL SUPPORT THE STORY. THANK YOU.
Ranz POV
Since umamin na naman ako kay Maddie, may aaminin din ako sa inyo.
Oo, una pa lang talaga may gusto na ako sa kanya. Kaya nga hindi ko na pinaglapas yung pagkakataon na binigay sakin ni Camille. Alam kasi nya na may gusto ako kay Maddie, dati pa.
Kaya nun lumapit sya sakin para sabihin sa akin yung plano nya. Umoo kagad ako.
Sa totoo lang nabubuwisit na din ako sa Chris na yun eh. Laging umaaligid kay Maddie.
Naiinis din ako sa sarili ko dahil ni wala man lang akong lakas na loob na lapitin ni kausapin ang taong gusto ko.
Natatandaan nyo ba nung kumakanta si Maddie sa Canteen? Yung feeling nya may sumasabay sa kanya. Di nya guni-guni yun. AKO YUN. Di ko kasi napigilan, kaya napakanta din ako. KInabahan nga ko eh, kala ko mahuhuli nya ko. Buti na lang di dumating nun yung mayabang na Chris na yun. Naging angel in disguise pa nga yun mokong na un.
Nung nag mall naman si Maddie at Camille, (Chapter 3)
Tinext ko si Camille kung nasaan sila. YUP. AKO yung nagtanong sa kanya kung nasaan sila.
Nung dumating nga ko dun, nabadtrip kagad ako, paano kasi nandun na naman yung Chris na yun kahit kelan talaga. Kabanas na eh. Lumapit si Camille, sa akin tapos binulong nya sakin na ngayong araw daw magpapanggap na akong BOYFRIEND ni Maddie. Medyo nagulat nga ko nun pero syempre. ANG SARAP KAYA SA FEELING! Kaya nag smile na ko. Hindi ko na napigilan, bakit ba?
Tapos yun kitang kita ko na gulat na gulat yung mokong na Chris na yun, di pa makapaniwala na ako ang BOYFRIEND ni Maddie. HAHAHAHAHA *EVIL LAUGH* saya eh.
Oo, ako.. Ranz nga pala pre. boyfriend ni Maddie sabi ko kay Chris, tapos syempre kaylangan umarte ako na wala akong alam sa mga nangyayari. Umarte akong parang nagsisinungaling.
Nung naiwan nga kaming tatlo eh UMARTE PA AKONG GALIT at humihingi ng explanations nila. haha joke lang yun syempre. Bakas sa mukha ni Maddie KO ang takot at ewan di ko alam hahaha nung pag-alis nya. Dun inumpisahan ni Camille ang pag-eexplain sa akin. Hahahha saya neto. Makakasama ko na din sa wakas si Chuchu.
At ayun, halos araw-araw magkasama na kami. Pati nga nung sa Field Trip eh. Yun ata ang isa sa mga field trip na nag-enjoy talaga ako. Kaya nga okay lang sa akin nung nabigyan kami ng punishment eh. =)))
Dahil dun, lalo ko pang nakilala si Maddie, lalo ko tuloy syang nagustuhan. Kaya nga nung sinabi nya sa akin yung tungkol dun sa lintik na LOVE DEAL na bwisit ako. Pero wala akong magawa. Kaya umoo na lang ako sa kanya. Sabi ko na lang sa sarili ko, BAHALA NA.
Pasensya na nga pala kung pati kaya eh pinaniwala kong wala akong gusto sa kanya dati. SORRY guys. :( DUWAG PA AKO NUN EH.
ALAM NYO YUNG ISA PA SA IKINATUWA KO? Yung ung nalaman kong ako palang yung nadadala ni Maddie sa knila bukod kay Camille! hahahah. YES NAMAN DYAN GUYS! :D
Lahat ng bagay na makapagpapasaya kay Maddie, sinusubukan kong gawin. Pero di kasama dun yung pag ffood trip namin. Di ko nga alam na mahilig pala sya street foods. Dagdag fact din yun. Di talaga sya maarte. IBA talaga sya. :)
At dahil nga gusto ko syang mapasaya eh naisipan kong bigyan sya ng malupit na surprise / prank sa birthday nya. Kinuntsyaba ko lahat, kahit adviser nila. hahaha BADASS AKO =))))
Nung nakita kong malungkot sya dahil dun sa mga nangyari nung first day of my plan, gusto ko na sanang itigil ang plano ko pero sabi sakin ni Camille eh wag daw. Ayos lang naman daw si Maddie eh. Okay lang . go lang daw ng go!
Si Tita, kinuntsaba ko din. Nung nagmall muna sila nung birthday ni Maddie, pinadala ko na lahat ng mga gagamitin para sa celebration ni Chuchu, nakatago yung cater dun sa may garahe nila. Ang dami ngang bagay na imposibleng nangyari pero ewan ko? At the end of the day the celebration went well. and a BLAST. Di ko na lang ikukwento, tinatamad na ako.
At ngayon, nakapag explain na ako sa inyo. Huwag sana kayo magagalit sa akin. Ngayon lang kasi ako tumapang ng ganto. Hindi ako torpe, alam ko yun sa sarili ko pero pagdating talaga sa kanya, natatameme ako! Shit. GAY MASYADO SORRY.
Basta, sana ngayong alam na ni Maddie na may gusto ako sa kanya, sana mabigyan kami ng pagkakataon. LALO NA AKO, na matawag kong
AKIN SYA.
---
please read my one-shot story -> nasa external link. check it out! hehehehe
pinagbibidahan ni Enrique baby and Martin :D
thanks! :***
BINABASA MO ANG
The Love Deal with Ranz Kyle
Teen FictionSa sobrang kagustuhan ni Maddie na tigilan na sya ni Chris ay naisipan ni Camille na gamitin si Ranz as her boyfriend. Ano kaya ang mangyayari sa kanila pag nalaman iyon ni Ranz? Papayag kaya si Ranz? Aabot kaya sa supreme court ang kalokohan ni Cam...