How's Life?

4.5K 106 7
                                    

[A/N] Happy 1K reads. thank you po. :) Guys, sana po kung nagugustuhan nyo ung updates, vote naman po kayo and give some comments naman. Yun po kasi kaylangan ko para alam ko kung ano gusto nyo. Yun lang po, anyways eto na update na uli. =)

VOTE / COMMENT!! 

Hindi  na ako binubulabog ni Chris ah. Mukhang nagiging successful ang fake relationship namin ni Ranz.  Thanks to Camille.

So far, sanay na kong kasama si Ranz. Pati na nga din sina CAV at Owy  nakaka close ko na.

May mga realizations ako.

Una, totoo pala yung kasabihang "Dont judge the book by its cover", napatunayan ko yun dahil kay Ranz. Sa totoo lang, nung una kala ko eh lahat ng kayabangan sinalo na nya. Kala ko sya yung tipo ng lalaki na walang alam kundi mag yabang lang yung ganung tipo ba. Pero I was wrong, ibang iba sya sa iniisip ko. Mabait naman pala sya. Caring kahit hindi masyadong gentleman.Thoughtful sya , Tsaka.. mapagmahal ...

.

.

.

sa mga kaibigan nya. Hahaha

Dapat pala talaga, hindi natin kagad hinuhusgahan ang isang tao. Lalo na kung di pa natin sila kakilala.

Pangalawa, dapat ineenjoy natin ang mga bagay-bagay. Wag nating masyadong pinepressure ang sarili natin. Chillax lang kumbaga.

Pangatlo, Keep Calm and Trust God.

Lastly, expect the unexpected.

Mas ma aappreciate mo ang mga bagay na nasa paligid mo kung hindi lahat planado. Hahaha ano daw, gets nyo? Ay basta! Yun na yon.

Lord, thank you po sa mga bagay na nangyayari sakin ngayon. Alam ko po  

na ang lahat ng mga ito ay parte ng plano nyo sakin.

Sana po sa lahat ng mga bagay na magagawa ko ay nasa tabi ko po kayo. I Trust and Love You God. 

Amen.

"Oyy Maddie!" biglang tawag sakin ni Camille. Tss eto talagang babaeng  

'to.

"Oh bakit ba?"

"Hmm wala lang napansin ko lang na parang nakangiti ka mag-isa, baliw  

ka na ba?"

"Pucha ka Camille. Kahit kelan talaga. Ikaw nga ang baliw dyan eh.  

Hahaha nandadamay ka pa. =))"

"hahaha. Pareho lang tayo. Kaya nga magkaibigan tayo eh. Anyways, ano  

nga bakit parang masaya ka?". Sabi nya habang inuubos yung mga baon nya.

"Ah wala naman. Na realized ko lang ibang mga bagay-bagay hehe"

"Tulad ng ano?"

"Na successful na yung plano natin, tignan mo di na ko ginugulo ni  

Chris :)"

"Oo nga eh, siguro naisip nya na rin na ayaw nya sayo hahaha"

"kaya nga nagpapasalamat ako kay Ranz, buti nga medyo maayos na kami  

sa isa't isa eh. Kumportable na ko sa kanya. :) Tapos.."

Napatigil si Camille at tumingin sa akin... "Tapos ano?"

Huminga muna ako ng malalim..

"Tapos kasi parang ..

Parang .. G-gusto ko na sya.." hiyang hiya kong sabi.

Halos mabuga ni Camille yung kinakain nya, tapos biglang tumawa ng  tumawa..

"Wahahahahha. Maddie hahahhaa"

Tawa pa din ng tawa. Tss kaya ayokong sabihin 'to eh. Alam ko nang pagtatawanan nya ko.

"Sige, tawa lang tss."

"hahahhaa. Saglit 3 minutes!! =))))))"

Hinayaan ko na sya. After ng tatlong minuto. Ayun bumalik na uli sya sa normal.

"Okay Maddie. Game.

Bakit ka naman nahihiyang sabihing gusto mo na si Ranz?"

"Eh kasi.. Syempre alam mo naman, hindi ko naman kasi alam na  

magkakagusto ako dun eh.. :( basta err kainis."

Sa totoo lang di pa kasi ako nagkaka boyfriend kaya ganto ako makareact sa sitwasyon ko ngayon. Alam nyo yun? Tss. Kasi gusto ko kasi kung sino ung unang maging boyfriend ko sya na talaga. Old fashion at corny man para sa iba, pero yun kasi ang gusto ko eh.

At alam kong si Ranz ay hindi ang taong yun. :/ Niwala ngang gusto sakin yun eh.

"Ngak. Ano ka ba Maddie, anong balak mong gawin. Ilihim yang  

nararamdaman mo?"

Bakit kasi masyadong weak ang mga girls eh. Nature na ba natin yun na  madaling ma fall?

"Makikipag-usap ako kay Ranz. Ah basta ako na bahala dun.."

"Nako ano na naman yang binabalak mo?"

"Basta ako nang bahala dun Camille. Trust me."

----

Ano kaya ang plano ni Maddie? Hmm.

Abangan. 

Once again, vote and comment naman po. Be a fan [optional]

thanks,

Allie :">

The Love Deal with Ranz KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon