HIKARI PINK POV
"We're hoomeee!" Masayang sabi ko dahil surprise na umuwi kami ni margo kasama si ate white. Napansin ko naman na walang katao tao dito sa mansion.
"Hon" napatingin naman ako sa magandang babaeng na ngayon ay nakangiti saakin. Kaya agad ko naman siyang nilapitan at inalalayan.
Naging successful ang IVF kaya ngayon ay masilan ang pag bubuntis ni Margo. Malaking tulong ang ginawa ni unnie White dahil nag aral siya na maging doctor.
"Where the heck are you BLUE!!" Naiinis kong sabi.
"Language Hikari" cold na sabi ni unnie white. Nag peace lang ako sakanya. Mas stickto at cold si ate white kaysa kay ate Midori. Wait? Asan na ba si ate?
"Hon, calm down. Baka may pinuntahan lang sila" malambing na sabi ni Margo. Pero hindi eh i feel their is something wrong. May mali, hindi basta basta maiiwan na walang tao ang mansion. Palaging nakatambay dito sila adrian, nijel at Gabby.
"Baka nga" tipid kong sabi at inalalayan ang aking asawa para umakyat saaming kwarto.
"Ate, akyat lang kami" tumango lang eto habang tinitignan ang kabuoan ng bahay.
***
"Pink?" Mukang gulat na gulat na napatingin saamin si Blue.
"Surprise?" Sarcastic kong sabi at mabilis na yumakap sakanya. "I miss you twins. Kamusta ka na?" Tanong ko. Bigla naman siya natigilan pero agad naman nya din etong nabawi.
"Good. I guess?" Iwas tingin nyang sabi kaya napakunot ang nuo ko sa inaasta nya. I know na may hindi ako nalalaman at masama ang kutob ko.
"May nangyari ba habang wala kami?" Seryosong tanong ko.
"Where's Unnie white?" Pag iiba nyang sabi kaya kumalas ako sa pag yayakap at napabugtong hininga.
"Upstairs" tipid kong sabi at mabilis na bumalik sa pwesto ko. Nakaupo kami kasi ngayon ni margo sa sofa habang nag mo-movie marathon. Gabi na din ng makarating si Blue.
"Looking for me?" Nakangising sabi ni unnie kaya agad naman lumapit si Blue at sinunggaban eto ng yakap.
"Unnie! Your alive! Your alive!" Masaya nyang sabi at hindi naman na waglit sa paningin ko ang pag tulo ng kanyang mga luha.
"I am." Tipid na sabi ni unnie White.
"I miss you.." nakangiting sabi ni blue. "Where's mom?" At palinga linga eto. Napaiwas din ako ng tingin ng tinignan nya ako. Ayokong makita ang kanyang matang malungkot.
"Sh-she's dead.. Sora.." Revelasyon ni unnie. Nuong nalaman ko yun tudo iyak ko din dahil hindi ko matanggap na talagang wala na si mommy. Nuong nakita ko si ate nabuhayan ako at nag babakasaling buhay din si mommy.
"N-noo.." nangi-nginig ang kanyang boses. Alam kong umiiyak na siya ngayon at ayokong makita yun. Tinignan ko ang katabi ko at tumingin din siya saakin. Alam ko na ibig sabihin nun. Blue needs some space.
"Shhh..bro. Para kang bakla" natatawang sabi ni ate. I know galit na galit din siya deep inside dahil hindi ko sila mapapatawad sa kahayupan na ginawa nila kila ate.
BINABASA MO ANG
EUPHORIA (Completed)
General Fiction(UNEDITED) Euphoria means a feeling or state of intense excitement and happiness. Will she be my Euphoria?? ----------------- Read at your own risk.