Chapter 49- .....

1.3K 54 1
                                    

SORA BLUE POV


"Walang hiya ka asul! Bakit mo sinira!" Naiinis na sigaw ni Jade saakin. Pag katapos kasi pumasok sila Ally sa loob ng portal. Sinira ko eto para wala ng makapasok at makalabas sa mundo namin.


Napangiti naman ako ng mapait. "Para wala ng inosenteng masasangkot pa dahil saatin" bigla naman nag soften ang kanyang expression.

Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Iniwan nya ako sa gitna ng labanan. Gusto kong mag wala at umiyak dahil ano ba ang nagawa ko bakit ganito nalang lagi ang kapalaran ko? Lagi nalang ba akong masasaktan at laging bigo?


"Asul" tawag saakin ni Gabby at hinawakan ako sa shoulder ko.


"Pasensya na Gab. Dahil saakin nag hiwalay din kayo ni trish" malungkot kong ngiti at umiling lang siya neto.


"Wala kang kasalanan, Asul. Choice nila yun. Choice nilang iwan tayo" naluluha nyang sabi. Nahanap na din kasi ni Gabby ang kanyang mate at ayun ay si Trish. Hindi din gusto ni trish na andito sa mundo namin gusto din nila maging normal na tao. Kaya katulad ko. Iniwan dahil hindi katanggap tanggap ang tulad namin.



"Don't worry! Makakahanap tayo ulit ng bagong mate" natatawa nyang sabi habang pinupunasan ang kanyang luha. Napailing nalang ako.


"Alam mong hindi tayo basta makakahanap at alam mong manghihina tayo pag lumayo saatin ang mga mate natin kaya habang maaga pa kailangan natin lumaban haggat may lakas pa tayo" mahabang sabi ko. Kasi once na hindi namin kasama ang mate namin mang hihina kami at mag susuka ng dugo. Hindi tatanggapin ng katawan namin ang dugo na iinumin namin at worst mamatay kami.



"Tama ka.." mahina nyang sabi "pero kahit mamatay ako basta masaya siya. Okay na yun" nakangiti nyang sabi habang tumutulo ang kanyang luha.



Nakaramdam naman ako na may humawak sa likod ko at napatingin ako dito. Nakita kong malungkot na nakangiti saamin si Nijel.


"Kahit anong mangyari mga bro. Andito lang ako. Kahit iniwan tayo ng hinayupak na adrian na yun" biro nya alam kong pinapagaan lang nya ang loob namin.




"AAAKKK!" Sigaw ni Snow kaya naman agad kaming lumapit papunta sakanya at kitang kita namin ang panang tumama sa dibdib nya. Napapikit ako sa nakikita ko. Hindi ko na kaya...



"Shit! Shit! Shit! Snow!" Umiiyak na sabi ni Jade habang hawak hawak nya si snow na nakabulagta ngayon. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa, napako ang mga paa ko sa aking kinakatayuan. Puro sakit nalang ba ang mararanasan ko? Ang mararanasan namin?



Bigla nag iba ang kulay ng aking mata naging black eto at napansin din ng mga kasamahan ko.


"Asul, kumalma ka. Hindi eto ang tamang oras" umiiyak na sabi ni Gabby habang nakatingin saakin.



Ayoko na silang makitang nasasaktan. Tama si Hera dapat una palang hinarap ko na sila hindi yung unti unti kaming nalalagasan. Ako ang hanap nila. Ako ang tatapos neto.


Ngumiti lang ako sakanila sabay bahid ko ng aking mga luha saaking mga mata at Tumalikod ako.



"B-blue please..w-wag mong ga-gawin y-yan..a-alam m-mong d-delikado pa-para sayo" napapikit nalang ulit ako ng marinig kong nahihirapang mag salita ni snow.



Mabilis ko naman siya hinarap at hinalikan sa nuo at inalis ang arrow na naka-baon sakanyang dibdib.


"Ahhhh!!" Sigaw nya.


Tinapat ko naman ang aking kamay sakanyang dibdib upang eto ay pagalingin at bigla siyang nawalan ng malay.


"Kayo na muna bahala sakanila Gabby at Nijel. Bilang isang Hari. I command that you will protect them with all your might while i'm gone. Do you understand?" Ma-authoridad kong sabi at bigla naman silang napaayos sa sarili.


"Yes, your majesty" sabay nilang sabi


Dahan dahan naman akong lumapit kay Pink na umiiyak ngayon. Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Take care of yourself okay?" Tumango lang eto bilang sagot at hinalikan ko siya sa  nuo ganun din ang ginawa ko kay margo.


Sa huling pag kakataon ay tinignan ko sila.

EUPHORIA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon