ATHENA HERA POVMakalipas ang ilang araw na iniwan namin sila Blue sa kaharian. Alam kong mali silang iwan lalo na sa loob ng digmaan, gusto ko lang maging normal.
"Hera" napatingin naman ako sa taong nakangiti pero bakas sakanyang mga mata ang lungkot.
Napayuko naman ako dahil nahihiya ako sa ginawa kong pag iwan.
May naramdaman naman akong pag hawak saaking kamay "Naiintindihan kita bakit mo ginawa yun. Lahat ay may dahilan" napatingin naman ako sa dalawang pares na mata na nag sasabing ''magiging okay lang din ang lahat'
Napahagulgol naman ako sa iyak at niyakap siya.
"Sorry ate white. Dapat hindi ko inuna ang aking emosyon dahil nawala ang aking anak" umiiyak kong sabi at inaalo nya ang aking likuran.
"Ayos lang yun. Maiintindihan yun ni Blue. Mahal ka nya alam kong ayaw ka din nya mapahamak kaya minabuti na din nyang dito na kayo sa mundo ng mga tao" nakangiti nyang sabi. Kumalas naman ako sa pag yayakap at pinunasan ang aking mga luha.
"Mahal na mahal ko siya Ate white" singhot kong sabi.
Ngumiti lang siya at tumango. "Alam ko at ayaw ni Blue na nakikita ka nyang umiiyak kaya dapat maging masaya ka" hindi ko alam bakit ganito sila? Bakit ang bait nila? Bakit okay lang sakanila ang masaktan sila kaysa ang iba. Ganito ba talaga ang mga Algea? Dapat magalit saakin si ate white dahil sa pang iwan ko sakanyang kapatid pero hindi eh. Kino-comfort nya pa ako.
"WHITE! sarado na ang lagusan!" Sigaw naman ng kapapasok na si Jake ang pinsan ko. Nakita ko naman hingal na hingal siya.
"Alam ko" tipid nyang sabi at nakita ko ang lungkot sakanyang mga mata.
"An-anong sarado na ang lagusan?" Tinignan ko silang dalawa na tila hindi alam kong sasagutin ba eto or hindi.
"Sinira ni Blue ang portal papunta sa mundo ng mga vampira" napatingin naman kami sa nag salita at seryosong nakatingin saamin si Ally.
"B-bakit?" Naiiyak kong sabi. Ang ibig bang sabihin nun hindi ko na siya makikita kahit kailan?
Mas pinili mo maging normal diba? Ibig sabihin mas pinili mong wag siyang makasama at makita. Sabat ng aking utak.
Tama siya..mas pinili ko maging normal kaysa makasama siya pero mas masakit pala na hindi ko siya kasama dahil namimiss ko na siya.
Kasalanan mo din yan tangnah! Pabebe pa kasi. Nakakainis ka utak! Realtalkan ba!
"Hera" hindi ko naman namalayan na tinatawag na pala ako ni ate white.
"May alam akong lagusan papunta saaming kaharian at kailangan natin mag madali dahil may kakaiba akong nararamdaman" nakita ko naman ang mga ni ate white ang takot at kaba sakanyang mga mata.
Tumango naman kami at inayos ang aming mga gamit.
Patawarin mo ako Blue saaking nagawang pag iwan. Nag sisisi ako sa ginawa ko. Hintayin mo ako.
BINABASA MO ANG
EUPHORIA (Completed)
General Fiction(UNEDITED) Euphoria means a feeling or state of intense excitement and happiness. Will she be my Euphoria?? ----------------- Read at your own risk.