ATHENA HERA POV
mabilis ang mga pang yayari. Hindi nga siya ang Blue na kilala ko na puno ang pag mamahal ang kanyang mga mata.
Na ngayon ay wala akong mabasa na kahit anong expression sakanyang mga mata.
"STAB HER!!!" Sigaw ni ate Midori na ngayon ay humahagolgol sa iyak. At ganun din si ate white at Pink.
"JUST DO WHAT SHE SAY!! STAB HER INTO HER CHEST!" Sigaw din ni Pink. Sobrang sakit dahil alam kong mas double ang kanilang nararamdaman na sakit dahil kapatid nila eto.
Parang hindi ko kaya. Ang sakit sa dibdib.
Sumilaw naman ang ngisi sa kaharap ko ngayon na may hawak din na dagger. Wala akong mabasa sakanyang mata.
Napapikit naman ako ng mata ko para kumuha ng lakas pero patuloy parin ang pag tulo ng aking mga luha. Hindi ko alam na ako mismo ang papatay sakanya
Paulit ulit naman nag rereply saaking utak ang mga ngiti nya. Tawa nya at mga sweet na sinasabi nya saakin. Pang aasar nya. Kahit na sa sandaling panahon na mag kasama kami at binigyan ako ng pag kakataon upang makilala siya.
"I love you even if you will be the death of me" parang echo na paulit-ulit na nag pla-play saaking isipan ang sinabi saakin ni sora.
Naramdaman ko naman ang mainit na likido na tumutulo saaking pisnge at patuloy lang eto sa pag tulo.
Napahikbi naman ako ng mahina at Napangiti naman ako ng mapait. Tama siya. I'll be the death of her.
Cause..
i'll be the one who will kill her.
Minulat ko naman ang aking mga mata na ngayon ay nakatutok na saakin ang isang dagger. Ilang inches lang ang layo. Nakangisi naman habang walang emosyon na mababasa sakanyang mga mata.
Tama nga sila ate at pink. Hindi siya si Blue na nakilala ko. Siya si Dark.
Napahigpit naman ang kapit ko sa dagger na hawak ko ngayon.
Kailangan ko tatagan ang aking sarili.
Napatingin naman ako kila ate midori, white at pink. Na ngayon ay patuloy parin na umiiyak habang nakatingin saamin.
May force field na nakapalibot saamin kaya wala din magawa sila ate white. nakita ko naman na pinag susuntok nila gabby at Nijel ang force field pero bigo sila at punong puno na din ng dugo ang mga kamay nila.
Tumingin ulit ako sa harapan ko at pumikit ako. Ginamit ko yung natutunan ko kay Blue.
Naramdam ko ulit ang pag patak ng luha ko.
Dahil siguro alam nya na ang mangyayari kaya tinuruan nya ako kalabanin siya at pataaman ang kanyang chest.
Napaiyak nalang ako nung naalala ko yun.
FLASHBACK:
"Love, try to hit my heart" nakangisi nyang sabi at napakunot naman ang nuo ko.
"Anong kalokohan yan? Gusto mo bang mamatay?" Umiling lang siya at ngumiti.
"You need to. Para matalo mo ang kalaban kahit ako ang kalaban" nakangiti nyang sabi at may halong lungkot eto. Nag tataka naman akong tumingin sakanya.
"Just do it. I'll guide you kung paano" tumango nalang ako bilang sagot.
Siguro i really need to do it. para mamatay agad ang kalaban.
Nilabas ko ang dagger at agad pinatamaan siya sa bandang heart nya pero umilag lang siya at nag teleport.
"Used your senses. You need that. damhin mo ang paligid para malaman mo if saan pupunta ang kalaban at paano siya tirahin" paliwanag ni Blue. Ginawa ko naman ang tinuro nya at nag tagumpay naman ako.
"Yess!" Masaya kong sabi sabay hug sakanya.
"Galing ng Love ko ah? Kahit ako ang kalaban mo. Don't hesitate na gawin eto saakin" nakangiti nyang sabi kaya kinurot kurot ko siya at pinag papalo. Dahil ayoko kung ano ano lumalabas sa bibig nya.
END OF FLASHBACK
Napangiti naman ako ng may luha sa mata nung maalala ko yun. Pinunas ko naman ang aking luha at tumingin sa harapan ko.
Nakatutok parin saaking dibdib at dinidiinan nya eto kaya naramdaman ko ang hapdi. napahinga nalang ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata. naramdaman ko ang susunod nya na gagawin kaya Bigla naman akong nag teleport sa likod ni dark. Agad naman siyang lumayo saakin at akmang susugorin nya ako pero mabilis akong nakalapit sakanya at sinaksak ang dagger na hawak ko sakanyang dibdib.
Biglang nanginig ang buong kaharian at ang pag bagsak ni Dark ay siya din pag bagsak ng malakas na ulan.
Nakaramdam naman ako ng kung anong bagay na sumaksak sa dibdib ko pero binalewala ko nalang eto dahil ang taong mahal ko. Ako ang mismong tumapos sakanyang buhay.
Bumuhos na din ang aking mga luha.
"B-blue" iyak kong sabi at agad ko siyang nilapitan. Nag bago na din ang kulay ng kanyang mga mata na naging Grey na.
Hindi katulad kanina na walang emosyon na nakikita.
Nakaramdam ko nanaman ang pananakit saaking dibdib pero hindi ko nalang eto pinansin dahil mabilis kong nilagay ang kanyang ulo saaking legs.
"L-love w-wake up" habang hawak hawak ko siya sumasabay naman ang buhos ng aking luha sa malakas na ulan.
BINABASA MO ANG
EUPHORIA (Completed)
General Fiction(UNEDITED) Euphoria means a feeling or state of intense excitement and happiness. Will she be my Euphoria?? ----------------- Read at your own risk.