CHAPTER 12- Wtf Bestfriend zone

2.1K 77 2
                                    



SORA BLUE POV

————————————-

Pumasok ako sa school, wala ako sa mood. I just put my headphone and listen to music. Halos tumambay lang ako dito sa rooftop. I just want to be alone. Naalala ko parin kasi yung sinabi ni Ms Valdez kahapon. Ayoko kasi ulit mangyari yung dati. I really need to protect my family, friends & relatives. I just wish i was normal. sigh..


May biglang nag alis ng headphone ko at Napatingin ako sa nag salita. "FU—Hera??" Why she's here? Umupo naman sya sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Well, hinahanap ka kasi ng mga instructor at nila Jade. Kasi pumasok ka naman daw pero hindi ka mahagilap, eh saktong gusto ko tumambay dito para makapag isip. Nakita kita" paliwanag nya.

"I don't care" i coldly said. Napatingin lang sya saakin at nakakunot ang noo. Halatang naiirita.

"You know what, ako na nga nag mamagandang loob para hanapin ka tas sasabihin mo. 'I don't care' Gosh! Popo!" Napatingin naman ako sakanya at napa-smirked. "O? Anung ngini-ngisi mo jan?!" Irita nyang sabi.

"Hindi ko naman kasi alam na concern ka pala saakin. Sabihin mo lang baka may gusto ka na saakin, hindi kaya kita ty--" natatawang sabi ko. Hinampas nya naman ako ng napakalakas-lakas. "ARAY!! BOO! Ang sakit naman! Sadista ka!" Inis na sabi ko.

"HOY! POPO! Asa ka naman kung concern ako sayo nuh" mataray nyang pero parang may kumirot naman sa puso ko sa sinabi nya. Ou nga pala, may boyfriend sya. Bakit nga ba sya magiging concern saakin? Ha!


"Defensive"  bulong ko

" Hoy! Anung binubulong-bulong mo jan" Hinampas nya nanaman ang braso ko. Sadista talaga. Hinimas himas ko yung braso ko.

"Are you sure na babae ka? Ang sadista mo eh" mapang asar kong sabi habang tumatawa. Sinamaan nya lang ako ng tingin at hinampas nanaman nya ako. Agh! Kainis tong babaeng to napaka sadista.


"HEH! Umayos ka nga jan! Di lang yan aabutin mo!" Hasik nya.

"Pag dika tumigil kaka hampas saakin, sinasabi ko sayo Boo, hahalikan kita" naka-ngisi kong sabi at tumikhim naman sya. Bigla naman kaming tumahimik. Awkward..nag sisi tuloy akong sinabi yun hayy..


"What is Life?" Random ng tanong ko. Bigla naman syang tumingin saakin at nakakunot ang noo nya. "Hahaha! Nvm boo" pilit kong tawa.

"Life is when you know that your still breathing" simple nyang sagot pero makahulogan. "Bakit mo na tanong?"

"Because we know that Life is unfair" Sabi ko, i like it when someone is having a deep conversation with me.

"Life is not unfair, people just make things complicated. That's why it's unfair." Tinignan ko naman sya ng makahulogan. Bat parang parehas kaming malalim ang iniisip? Napangiti nalang ako.


"Bakit ang lalim mo din mag isip?" Takang tanong ko.

"Kasi malalim ako mag isip" philosopo nyang sagot. -_- tsss.. napasimangot nalang ako. "Alam mo, gusto kita maging bestfriend" bigla nyang sabi at napatingin naman ako agad sakanya at ganun din sya saakin na nakangiti.

"Wh-what? Bestfriend? Why?" Takang tanong ko. But, i know deep inside. I'm happy. Hehe. Masaya ako..pero kahit bestfriend lang it's okay as long as anjan ako para sakanya.

Kunwari eh nag iisip sya tas ngumiti sya ng napakatamis-tamis. "Ang gaan kasi ng loob ko sayo, don't get me wrong pero syempre iba parin si ally kasi sya childhood bestfriend ko. Gusto ko lang yung meron pa akong isang bestfriend na GUY?" natatawang sabi nya at na emphasize pa yung 'Guy'. Napasimangot nalang ako.

EUPHORIA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon