SORA BLUE POV
Makalipas ang nangyari kay Hera. Naging mailap siya saakin. Masakit para saakin makunan siya at mawala ang aming panganay na anak. sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko manlang nagampanan na protectahan siya bilang isang asawa.
Nakatingin ako ngayon sakanyang tulala. Ganito siya lagi tulala at hindi nag sasalita pag lumalapit naman ako sakanya nagagalit siya.
"Love" tawag ko sakanya at nakita ko naman ang pag pahid ng kanyang mga luha. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sakanya na magiging okay lang din ang lahat kaso alam kong hindi.
"Wag mo akong matatawag na Love. Blue. Ng dahil dito nawala ang anak natin!" Sigaw nya at napatigil naman ako sa sinabi nya. Napayuko naman ako dahil ayokong makita nya akong iiyak.
"Gusto ko ng umuwi at eh uwi mo na ako" galit nyang sabi. Tumango lang ako bilang sagot.
"Sige. Punta tayo sa bukas makalawang sa portal kung saan ang lagusan ng mundo ng mga tao sa mundo natin" pilit kong pinapalakas ang aking boses para isipin nyang hindi ako nasasaktan pero alam ko saaking sarili na sobrang sakit na ng aking nararamdaman dahil alam kong iiwanan nya na ako.
Palihim ko naman pinahid ang aking mga luha at tumingin sakanya. Nag sisisi ako na sana hindi nalang ako tumingin sakanya dahil nakatingin siya ngayon saakin na puno ng galit at hinagpis. Hindi katulad nuon na puno ng pag mamahal.
"Hindi na ako masaya" Iwas nyang tingin at tumingin siya sa kawaan. Ang sakit. Sobrang sakit ng malaman mong hindi na masaya sayo ang taong mahal mo. Ano bang magagawa ko? Gusto ko lang naman maging masaya siya pero kung hindi siya masaya saakin. Naiintindihan ko..
Tumango lang ako at palihim na pinahid ulit ang tumutulo kong luha.
"I-i understand" Nauutal kong sabi.
"Let's break up..kahit alam kong kasal tayo. Ayoko ng ganitong relasyon. Gusto kong maging isang normal na tao" huminto ang mundo ko ng sabihin nya yun. Sobrang sakit lang dahil kailangan ko siya ngayon sa tabi ko dahil sa mga nangyayari pero pinili nya parin iwan ako. Pero naiintindihan ko naman kasi sino bang hindi gusto maging normal kung ganito ang kalagayan na makikita mo.
Madilim at ang ilaw lang eh ang sinag ng Buwan. Madaming bangkay sa daanan. Tagaktak ang mga dugo.
"Just, always remember that i will always love you. Love. Kung saan ka masaya Love. I'll support you" nakangiti kong sabi. Ayokong mag stay siya saakin na hindi masaya. I want her to be happy, sabi ko nga my top priority is her happiness.
Kung masaya siyang wala ako sa tabi nya. Magiging masaya na din ako kahit sobrang sakit.
****
Andito kami ngayon sa harap ng portal kung saan konektado ang mundo ng tao at mundo namin. sobrang sakit na makitang iiwan ka ng taong mahal mo.
"Ingat ka duon ha? Always remember be happy at wag mong pababayaan ang sarili mo. I love you, Love." Nakangiti kong sabi ayokong makita nyang malapit na akong maiyak.
Nilapitan ko naman siya at hinug at akmang hahalikan ko sana siya sa labi pero agad naman etong umiwas. Mapangiti nalang ako ng mapakla.
"See you in Next in Life" nakangiti kong sabi. tumingin naman siya saakin at wala akong mabasa na kahit ano. Basta ang Dull ng tingin nya saakin.
"See you" tipid nyang sabi.
"Ally, trish and Sophy. Kayo na ang bahala kay hera ha? Ingatan nyu siya at alagaan nyu" bilin ko sakanil at tumango lang sila bilang sagot.
Walang kung ano ano ay bigla nalang umalis at pumasok sa portal si Hera ng walang pasabi at duon na bumagsak ang luha ko na matagal ko ng pinipigilan.
Agad naman akong nilapitan ni margo at ni Pink.
"Shh..it's okay bro. magiging okay lang din ang lahat" pang aalo nya saakin pero patuloy parin ako sa pag iyak.
May nag tap naman sa likuran ko at nakita ko ang tatlong malungkot na nakatingin saakin kaya agad kong pinunasan ang luha ko.
"Mag iingat kayo duon ha?" Sabi ko.
"Ikaw din, asul. Alam kong sobrang mahal mo si Hera. Alam ko na once na mawalay ka sa mate mo eh mang hihina ka" malungkot na sabi ni Trish.
"Okay lang. tanggap ko na ang kapalaran ko. As long as maging masaya siya. Sabi ko nga she's the death of me" natatawa kong sabi at sinapok naman ako sa ulo ni Ally.
"Hindi ka nakakatawa pero alam mo ang swerte ni Hera sayo. Sana makita nya yung nakikita namin sayo. Sorry sa mga inasta nya netong mga makaraang araw. Alam kong mahal ka nya, nasaktan lang siya na nawala ang inyong mga anak. Bigyan mo lang siya ng time at babalik din siya sayo" ngumiti naman ako ng mapait sa sinabi ni Ally. Sana nga. Sana bumalik siya habang may lakas pa ako kasi alam kong manghihina ako lalo na't wala siya sa tabi ko.
"Sige na umalis na kayo" pang tutulak naman ni Jade sakanila at sinamaan siya ng tingin kaya nag peace sign lang siya.
"Hangang sa muli. Kaibigan" ngumiti sila saakin at ngumiti naman akong pabalik.
"Hangang sa muli" at pumasok na sila sa lagusan.
BINABASA MO ANG
EUPHORIA (Completed)
Fiksi Umum(UNEDITED) Euphoria means a feeling or state of intense excitement and happiness. Will she be my Euphoria?? ----------------- Read at your own risk.