"AAAAANNNNAAAAAKKKK!!!!!! Ano ba!!!! Tanghali na o tirik na tirik na yung araw, yung mata mo nagka-camping pa. Hindi ka pa rin bumabangon. Male-late ka na!!!" sigaw ng pinakamagandang nanay sa balat ng universe. Joke lang hehehe.
"Eh nay ang aga-aga pa oh. Kainis naman ehh!!" Ang aga-aga pa, naglalabas na ng bala ang armalite ni nanay.
"Aba, ikaw pa tong may ganang mainis ha!!" sabay palo niya sa puwet ko.
"Aray naman nay ang sakit ha. Anong oras na ba?" tanong ko habang inaalis ko pa yung muta sa mata ko. Pasintabi sa mga kumakain dyan!!
"E anak, alas 7:30 na ng umaga!! Sa ngayon, itinataas na ang watawat ng Pilipinas sa eskwelahan ninyo. Kaya go na!!!"
Parang nawala lahat ng antok ko sa lahat ng organ system ko sa katawan. Agad-agad akong tumayo at dali-daling kinuha ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo ko. May sari-sariling kaming C.R. sa bahay kahit papaano.
Parang kasing bilis ko si The Flash gumalaw habang akoy naliligo. Nagawa ko lahat ng ritwal sa pagliligo ko in just 5 minutes. Hahaha!!
Lumabas agad ako at pumunta sa cabinet ko kung saan kinuha ko ang naka-hanger ko na uniform. Simpleng white polo na may logo sa kanang dibdib at may grey checkered design sa ends nito at saka plain grey slacks ang uniform ko. 4th year high school na po ako, pero ang height ko pa rin ay nasa 5'2". Isinuot ko ito at pumunta na sa harap ng salamin. Nagsuklay lang ako ng buhok at wala nang gel o wax ang inilagay ko. Hindi naman sa pagmamayabang, pero asset ko talaga ang buhok ko. Silky chestnut brown ang buhok ko. Maraming ngang nagtanong kung talaga bang natural ang kulay ng buhok. Pero oo, 100% all natural to no!
Nang nakapagbihis na ay agad-agad kong kinuha ang bag ko at bumaba na sa sala.
"O eto baon mong pera atsaka sandwich. Kung hindi ka lang nagpuyat sa kakapanood mo ng mga videos sana hindi kana late ngayon!" panghihimutok ng nanay ko.
"Oo na po nay alam ko. Sige na bye na po." Nagmadali kong kinuha ang bike ko sa labas at sinakyan ito. "Love you nay!!!" Hindi ko na sya hinintay na sumagot. I'm so very late na kaya lagot ako nito sa presidente...
--- sa school ---
"Uy Amber!! Ang chaka natin ha. Late ka na naman?! Hala ka kay presidente." banta ng isa sa kaibigan kong bakla, si June. Isa siyang student officer sa school namin, Information Officer to be exact.
Teka hindi pa nga pala ako nagpapakila. I'm Rain Amber Fuentes, 15 years old. Nasabi ko na kanina yung height kong cute at yung year level ko.
"Bwisit kang bakla ka!! Alam ko! Kaya huwag kang ano jan. Eh ikaw ba't nandito ka pa. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya. Late na nga yung tao, pinagdidiinan pa.
"E kasi po. Na-late ka po ng dating sa flag ceremony. Syempre ikaw na-assign ngayon magbantay sa gate at ilista ang mga late students. Kaso late student ka rin pala. Kaya heto, ako pinarilyebo sa trabaho mo" inis niyang sagot. "Kaso okay lang naman, makaka-bonding ko naman ang mga fafang late comers AHAHAHA-- Aray naman!! Sakit ha!"
"Eh landi-landi mo kasi. Dun ka na, ako na bahala dito." pagtataboy ko kay baklang June.
Isa si June sa mga nakakaalam na bakla ko. Hindi naman sa tinatago ko eto. Pero kung hindi ka talaga magtatanong sa akin eh hind mo malalaman na bakla pala ako. Pero hindi naman ako yung tipong nagdadamit babae. Ayaw ko lang, hindi ko trip. Di kagaya nitong si June, may hairpin pa sa buhok. Pero huwag kayo, respetado siya sa paaralan namin, kaya okay lang.
"Teka June, huwag mong sabihin kay Pres ha na na-late ako. Pagagalitan na naman ako nun." request ko kay June. Pero imbis na sumagot ay ngumunguso pa siya sa akin, parang sinasabi na tumingin ako sa likuran. Paglingon ko ay....... sana hindi na lang ako lumingon!!
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Romance---I've been living with a shadow overhead--- "I-i-i tried... I tried naman eh... P-p-pero..." "I know you tried... It's just that..." hindi ko na napigilan ang luha ko. "Sometimes, you can't teach the heart on whom and how to love...." "I'm s-sorry...