Akala ko as usual ang set-up namin. Yun bang papasok ako sa eskwelahan at maging isang mabuting estudyante, makikita ko ang bestfriend kung napakagwapo at crush ko habang naglalambingan kasama ang kanyang napakabait na girlfriend, at ako yung masasaktan pero hinding hindi ko ipapakita sa kanila kasi supportive ako sa kung anong meron sila.
Pero hindi pa la. Nagulantang talaga ako sa balitang ibinigay ni Casey sa akin, ang amung Student Treasurer.
"Ano!!! Si Kath, nag-transfer na ng ibang school??!! Bakit daw??" tanong ni June kay Casey. Pati siya nagulantang sa balita.
"Hindi rin kasi ako sure eh. Basta ang alam ko lang this weekend nila inasikaso ang paglilipat ni Kath sa ibang school. Yun yung sabi ni mommy sa akin." Ang mama kasi ni Casey ang homeroom teacher nila Kath. Bali hindi ko siya kaklase. Ang kaklase ko lang ay si Grey, Casey, June at si Noel, ang Student Auditor namin. "Wala ka bang alam dito Amber? Diba close kayo ni Kath at ni Grey?"
"Wala namang sinabi silang dalawa sa akin eh. Ang ipinagtataka ko nung weekend is hindi ko ma-contact si Kath kasi yayayain ko sana siyang manuod ng hinihintay namin na movie. Hindi rin ina-accept ni Grey yung mga calls ko." Kaya pala. Nag-aalala tuloy ako kay Grey.
Habang nag-kukwento kami biglang pumasok sa room si Noel.
"Guys, si Pres may kaaway sa baba!"
Nagulantang kami sa sinabi ni Noel. Agad-agad kaming bumaba sa 1st floor para puntahan si Grey. Naabutan namin siyang may kinukwelyuhan na estudyante din dito. Agad ko siyang hinila palayo sa lalake, habang si Noel at si June naman ay sa kaaway ni Grey.
"Grey ano ba?? Ba't ka nakikipag-away ha?" Hinarap ko siya sa akin para makita ko kung may pasa siya. At nagulat ako sa nakita ko. Hindi dahil sa pasa niya sa labi, kundi dahil sa mga mata niyang parang walang laman. Halatang hindi maayos ang tulog niya nitong mga nakaraang araw, at parang wala na ang dating kinang sa mga mata ni Grey. His eyes are ice cold. "G-grey..."
Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa braso niya. "Bitawan mo ako." ang malamig na sabi ni Grey. Napabitaw ako dahil sa sinabi niya. At agad siyang umalis sa harapan ko.
"Sino bang nagsimula ng ayaw na to ha?" tanong ni June sa nakaaway ni Grey.
"M-magtatanong lang po sana ako tungkol sa nalalapit na intramurals ng school. K-kaya lang bigla siyang nagalit at s-saka ayun na." kinakabahang sabi niya.
"Pasensya na po. Siguro busy lang ang President natin kaya mainit ang ulo. Eto na lang," at hinarap ko si Casey at June. "June, Casey, samahan niyo muna to sa office natin at doon niyo sabihin ang mga infos tungkol sa intramurals." Tapos ay kinausap ko naman si Noel. "Noel, ikaw na muna bahala sa mga fliers ha. Idikit mo sa mga bulletin boards. Pupuntahan ko muna si Grey."
"Roger Ms. -- eh este Mr. Secretary!!" Sabay nilang sabi. Mga ito talaga.
Agad kong tinahak ang dinaanan ni Grey kanina. Pero hindi ko na siya nakita pa. Pilit ko siyang hinanap kahit saan. Bumalik na ako sa classroom namin pero wala rin siya doon.
Papunta na sana ako sa rooftop ng makita ko si Principal Reyes.
"Ahm good morning po Principal."
"Oh Mr. Fuentes, have you seen Mr. Delo Santos? There's something I need to tell him about the intramurals." Naku patay na! Hinahanap ko rin siya eh. Anong sasabihin ko? "Oh, no need. Since ikaw ang Student Secretary niya, ikaw na lang ang magsasabi sa kanya nito. He must meet our partners for the intramurals, yung mag-aasikaso ng lights at saka sound system natin. Tell him it's urgent as in now na. Aasahan kita Mr. Fuentes." sabay alis ni Ma'am sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Romance---I've been living with a shadow overhead--- "I-i-i tried... I tried naman eh... P-p-pero..." "I know you tried... It's just that..." hindi ko na napigilan ang luha ko. "Sometimes, you can't teach the heart on whom and how to love...." "I'm s-sorry...