"Hoy baklang Amber!! Nakita kita kahapon may kausap kang gwapo. Sino yun at ba't parang ang laki ng ngiti nun nung nag-usap kayo. Manliligaw ba yun?" Tanong sa akin ni June pero hindi naman masyadong malakas.
Nasa office kami ngayon at patuloy na nagta-trabaho dahil nga intrams pa. Nasa Day 2 na kami ngayon. Ang so far so good naman ang lahat. Walang disgrasyang nangyayari sa mga Sports Events and successful so far ang mga booths ng bawat section. Of course dahil yan sa sama-samang effort naming mga officers at ng mga students pati syempre ng mga faculty and staff at ang security guards ng school. Wala lang, hayaan niyo na akong magyabang sa mga efforts namin hahahaha!!
"Ha?? Ano kamo, manliligaw? Eh kung iligaw ko yang mata mo para di ka na makakita."
"Eto naman nagtatanong lang naman eh. Syempre gwapo yun ano pa bang masasabi ko..." Tapos lumapit pa siya sa akin habang nakaupo pa rin sa swivel chair niya. Magkatabi lang kasi kami ng working space.
Bali ang mga table namin sa office eh pinagdikit-dikit para maging isang malaking rectangular table na may space sa gitna. Yung parang nagco-conference-lang-kami style ganun. Para palaging meeting-ready ang office namin, yun ang gusto ni Grey.
"So ano nga? Sino nga siya? At ba't nag-uusap kayo." usisang tanong niya.
"Si Lance yun taga Villarama College. Dumayo lang yun dito kasi siguro gustong gumala. Nabangga kasi niya ako kahapon kaya tinulungan niya ako sa mga dala ko. At saka nakikipagkaibigan lang siguro yung tao kaya nakita mo kaming nag-uusap." mahabang paliwanag ko naman.
"Grabe ang defensive naman nito..." Tapos biglaa siyang huminga ng malalim at.. "GUYS!! ALAM NIYO BA MAY KAUSAP NA GWAPO SI AMBER KAHAPON TAGA VILLARAMA COLLEGE DAW!!!"
What the--!!! At talagang inannounce pa talaga ng gaga. Tamang tama nga na siya ang Information Officer sa sobrang lakas ng boses niya. Agad namang napalingon sa gawi namin ang ibang officers. Pati si Grey na nagta-type sa kaniyang laptop eh napatigil din.
"Huy bwiset ka!! Bakit mo sinabi??!!" baling ko naman kay June.
"Ayiiieeee Amber!!! Ang ganda mo naman!! Nililigawan na ng gwapooooo!!!" sigaw ni Casey sabay tili. "Hay naunahan pa ni Amber etong beauty ko!!"
"Huh??? Hindi yun nanliligaw ano!! Nabangga niya kasi ako kahapon kaya niya ako tinulungan at saka baka nakikipagkaibigan lang yung tao kaya ako kinausap." At parang hindi makapaniwala ang mga reactions nila pati tong si Noel eh nagtataas-baba yung kilay habang nakangiting tumingin sa akin.
"Nakooo!! Eh sige sabi mo ehh..." malanding sabi ni June. "So ano yun foreigner? Ba't ang tangos ng ilong tsaka ang puti ng kutis???"
"Ahh kasi half-American daw siya tsaka dito na daw siya sa Pinas nag-aaral since grade 3. I think college na ata yun kasi iba yung suot niya na uniform ng Villarama eh, pang-college."
"Naku naman nakabingwit pa ng Kano ang friend ko hahahahaha!!! Kano na, yummy paaa-- Hala!!!"
Bigla kaming nagulat kasi biglang sumira ang pintuan ng office namin. Nagulat na lang kami nang wala ng Grey na mahagilap sa room.
"A-ahh anong nangyari dun??" Takang tanong ko naman. Anyare Grey?
"*Ahum* Baka nagselos *Ahum*" mahinang bulong ni Noel na hindi ko naman marinig.
"Ano? Anong sabi mo?" paulit ko tanong kasi hindi ko nga narinig.
"Ha?? Ahh wala!! Ang sabi ko susundan ko na lang siya baka kumuha lang ng maiinom kasi. Nauuhaw na rin ako. Sige babye!!" At umalis na rin siya ng office.
Okay.... Ahuh... Back to work na nga lang. Nagsusulat pa kasi ako ng report sa kung ano ang kinalabasan ng opening program kahapon. Bahala nga sila dyan!!
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Romance---I've been living with a shadow overhead--- "I-i-i tried... I tried naman eh... P-p-pero..." "I know you tried... It's just that..." hindi ko na napigilan ang luha ko. "Sometimes, you can't teach the heart on whom and how to love...." "I'm s-sorry...