Chapter 7: The Confession

6 0 0
                                    

"Well dude, I AM HIS BOYFRIEND SO BACK THE F*CK OFF!!!"

Sa sinabing iyon ni Grey ay parang tumigil ang mundo ko. Pati tong puso koy lumundag ng marinig ang mga salitang iyon.

Lance also was caught off guard sa sinabi ni Grey kaya nabitawan niya ako. He suddenly drag me away from Lance. Kahit sila Noel at June ay tila nawalan na ata ng ulirat sa sinabi ni Grey.

Nang medyo malayo na ang nilakaran namin ay doon lang ako nahimasmasan tsaka ko hinila ang kamay ko sa kaniya.

"A-ano ba Grey!! Pwede bang bitawan mo ako!!" sabay hila ko sa kamay niya.

"Bakit ha?! Babalik ka ba dun sa gagong hilaw na iyon ha??!!" galit niyang sigaw sa akin.

"Huh?? Ano bang pinagsasabi mo?? At bakit parang galit na galit ka eh I just toured him around lang naman!" defend ko.

"Yun na nga yung problema kasi magkasama kayong dalawa!! At saka nakita ko pa talagang kinurot niya yang pisngi mo. Ano ka teddy bear na basta-basta na lang kinukurot ha?!!"

"Bakit ka ba sumisigaw??!! EH WALA NAMAN AKONG GINAGAWA HA!!" Grrrr!!! Ano bang nakain ng gunggong na ito??

"EH IKAW BA'T KA RIN SUMISIGAW EH SA MAY GINAWA KANG MALI EH!!" sabat naman niya.

"AKO??!! EXCUSE ME WALA AKONG GINAGAWANG MALI!! IKAW KAYA TONG NANGHIHILA NA LANG NG PABIGLA-BIGLA!!!"

"EH KASI NGA KASAMA MO YUNG UNGGOY NA YUN!!!"

"EH BAKIT PA LA KUNG--"

"HEEEEEPPP!!!!! HEP HEP HEP!!! Pwede ba tumigil na lang kayo at sumama na kayo sa amin aber!!" sabat naman ng isang babaeng matangkad na sa tingin ko eh 4th year na rin.

Hindi namin namalayan na nakaposas na pala ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay ni Grey. And worst is natalian na pala kami sa aming katawan gamit ang isang... cable wire?!! Ang creepy naman ata nito..

"Hey excuse me!! Ano to?? Bakit kami nakaposas?! Hindi niyo ba ako nakikilala?!! Kalagin niyo kami!!" sigaw naman ni Grey sa babae.

"Pwede ba Grey huwag kang sisigaw ang lapit mo na sa akin oh!! Nabibingi po ako pwede ba!" Totoo, ang lapit nga namin sa isa't isa kaya nabibingi sa tuwing sisigaw siya.

"Hahahahaha!!! Yes po, Mr. President, we know you well. Pero dahil nahuli namin kayo ni Mr. Secretary mo eh sa prisinto ang punta niyo!! Hala sige lakad!!"

Hindi na kami nakapagsalita ni Grey. We're both shocked sa nangyayari. At dahil hila naman kami ng dalawang kasama niya eh no choice kami kundi ang sumunod na lang. Grrrr!! Sino bang nagsabing maglagay ng jail precint booth sa Intrams ha?!!

(Casey: Heheheheheh peace na lang sa mga mahuhuli...)

At gaya ng sinabi eh ikinulong kami sa isang classroom na dinisenyo para maging selda. Ang sabi eh 1 hour daw kaming makukulong dito coz we violated the peace and order of the school imposed by of course kami rin. Makakalaya lang kami after the time limit or kapag may magbigay ng piyansa sa amin which is 50 pesos kada ulo namin dahil nga we violated a big rule. Kaya ngayon eh nakaupo lang ako sa pinakasulok ng seldang ito at nasa kabilang dulo naman si Grey. Hindi ko pa rin siya pinapansin bahala siya dyan!! Ang rude niya kaya sa bisita naming si Lance!!

Ng halos 15 minutes na ang lumipas eh biglang bumigay na si Grey at siya ang unang um-approach sa akin.

"Psssst hey Rain. A-ahm sorry nga pala kanina sa inasal ko." at lumapit siya sa kinauupuan ko. Tumayo naman ako para sana layuan siya kaso tumayo din siya at hinawakan ang kamay ko. As in kamay talaga!! "I know I acted rude towards you lalo na dun sa unggoy--"

"Ano?! Anong sinabi mo?!" I cut him nung sasabihin na naman niya ang unggoy na word.

"A-ahm I mean dun sa b-bisita natin. A-ano k-kasi... k-kasi..." pautal-utal niyang sabi habang minamasahe niya ng isang kamay niya ang kaliwang kamay ko habang ang isa naman ay kinakamot ang batok niya. "A-ano k-kasi... k-kasi... n-nag--"

"Ano?! Alam mo Grey sabihin mo na ang gusto mong sabihin para matapos na ta--"

"KASI NAGSE-SELOS AKO!!"

I was caught off guard with that answer. What the F did he say??

"A-ano?? A-anong sabi m-mo??"

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Oo na!! Aaminin ko na... Nagseselos ako. Nagseselos ako sa inyong dalawa. K-kasi ang sweet sweet niya sayo eh t-tsaka parang ang s-saya mo nung nag-uusap kayo." Tumingin siya pagkatapos sa akin at dun ko nakita ang sincerety niya.

"H-huh a-anong ibig mong sabihin?? I mean, bakit ka nagseselos eh magkaibigan lang naman kami a-at saka m-magkaibigan lang naman tayo..." Nakayuko na ako nung sinabi ko ang last part na yun.

"O-oo nga't magkaibigan tayo pero di ko maintindihan itong nararamdaman ko!!" He cupped my chin gently tsaka itinaas ang ulo para magtama ang mga titig namin. "I don't know pero my heart is torn to pieces nung nakita ko kayo..."

Halos hindi ako makahinga kasi ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Naluluha na rin ang mga mata ko.

"B-baka nagkakamali ka lang. K-kasi diba bago lang kayo nagkahiwalay ni Kath. B-baka you're c-confused lang. I mean. Come on! I-imposible namang m-magkakagusto ka sa isang b-baklang kagaya k-ko." Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko't tumulo na to ng tuluyan.

Idinikit niya ang mga noo namin at dahan-dahan niyang pinahiran ang mga luha ko.

"Sshh hush now Rain don't cry. I'm sorry if I made you cry. P-pero eto talaga eh. Eto talaga itong nararamdaman ko. Even I still am confused right now. Pero hindi naman yun mahalaga diba kung hindi pa natin i-define ang mga nararamdaman natin diba. I know for a little while now that you love me--" na-shock ako sa sinabi niya but still he held my head as if he was saying that I must not break the bond. "But please, give me time to think. I still need to settle things out here in my mind and here..." sabay turo niya sa dibdib niya.

"P-pero Grey--" He shut me up using his thumb as he pressed it with my lips.

"I now assure you na may feelings ako for you. That this feeling is something I treasure nung una pa nating pagkikita, and it is more than the love for a friend. But please give me time to settle things. Please??" And I nodded. "Please let's stay in this moment for a while."

And while he was saying this, I cried and I cried a lot to my heart's desire. Coz for the longest time that I am loving him from a far, I think I have been slowly pulled by his feelings towards him, and I think that my love is now being payed back.

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon