Chapter 3: The Sorry

9 0 0
                                    


"Rain!!! Sorry na oh!!! Papasukin mo muna ako please!! Let me explain mag-usap naman tayo oh!! Rain please..."

Hmp! Manigas ka dyan. Gago pa la ito eh. Alam niya naman umuulan tapos susunod sa akin sa bahay ng walang dalang payong? Hala sige magdusa ka dyan! Sinaktan mo ako kaya quits lang no!!

"Rain!! Rain Amber Fuentes!! Sorry na please papasukin mo ako!! Hindi ka ba naaawa sa akin? Nababasa na ako ng ulan!! Please Rain papasukin mo ako!!!"

Kumatok si nanay s pintuan ko.

"Amber papasukin mo na si Grey. Hindi ka ba naaawa dun sa kaibigan mo??" pag-aalala ni nanay.

"Eh nay. Huwag niyo siyang pansinin. Bahala siya diyan." I just rolled my eyes. Ipinakita ko talaga kay nanay na wala akong pake sa lalakeng nag-iingay sa baba. Bahala ka dyan!!!

Biglang nanahimik sa baba. Mabuti naman at umalis na ang asungot. Pero akala ko lang pala talaga iyon ng...

"BABY RAIN AMBER!!! PLEASE SORRY NA BABE!!! HONEY KO!! BABY!! SWEETIE PIE!!! SORRY NA!!!"

Ng dahil sa narinig, agad-agad kong bumaba at lumabas ng bahay. Naabutan ko siyang basa sa ulan habang nakapikit ang mga mata at nagsisigaw. At hindi niya parin ako nakikita.

"BABY AMBER PLEASE SORRY NA OH!!! PANSININ MO NAMAN ANG OH SO YUMMY MONG SI DADDY GR---" tinakpan ko kaagad ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Hoy lalake ka!!! Grabe ang yabang mo ha!! At tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo. Baka mamaya may makarinig pa mapagkamalan tayong-- Aish pasok na nga la-- Ay ano ba Grey!!"

Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap. Tingnan mo basa na kami tuloy. Pero kahit malamig dito sa labas, nafe-feel ko pa rin yung warmth sa kanyang piling.

"Rain sorry na oh. Please patawarin mo na ako. Tamang tama o umuulan. Kaya please sorry na." bulong niya sa tenga ko. Naramdaman ko agad ang dugo ko sa aking mukha Gosh!!!

"B-bitawan mo nga ako Grey ano ba!" pagmamaktul ko kahit deep inside ay kinikilig na rin ako.

"Ayaw ko. Hindi ako bibitaw hanggang hindi mo ako pinapatawad". Nakikiliti ako kasi bumubulong lang siya sa tenga ko. Enebe!!!

"O-oo na sige na. Pinapatawad na kita. Kaya bitaw na basang basa na ako sa ulan oh."

"Ehh parang hindi ka naman sincere eh. Parang hindi straight from the heart." Letse tong lalaking ito ang arte arte!! Huminga muna ako ng malalim  bago ako nagsalita ulit. Tumingin ako sa mga mata niya, diretso, gamit ang pinaka-puppy eyes ko.

"Okay po. Pinapatawad na po kita Josiah Grey Delo Santos."


--Grey's POV--


Natahimik ako ng dahil sa ginawa niya. Bakit parang tumigil yung mundo ko nung tinignan ko siya ng malapitan? Ah siguro dahil sa mga mata niya. Tama baka yun nga. Naa-attract siguro ako sa brown eyes niya with hints of amber.

"O-okay na. Pinapatawad na kita." sabi niya sabay iwas ng tingin. Ba't ako namumula? Ramdam ko talaga ang init ng pisngi ko.

"O mga bata! Ba't kayo nandyan? Ang basa basa niyo na oh. Tara pumasok kayo." concern na sabi ni mama. Oo tama kayo ng dinig. Mama din ang tawag ko sa nanay ni Rain. Ganyan kami ka-close sa isa't-isa. "Ikaw bata ka! Ang sabi ko papasukin mo si Grey. Hindi ko sinabing magpaulan ka rin. Eh kung magkasakit ka ha?" sabay pingot ni mama sa tenga ni Rain.

"Aray ko nay!! Ang sakit ha!! Si Grey pagalitan mo, hindi ako."

"Ako pa talaga ang may kasalanan ha?"

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon