Chapter 4: The School Fest

6 0 0
                                    

"... and I welcome you to the 39th Foundation Anniversary and the Intramurals of the Lancheco Uy National High School!!!" masayang sabi ni Grey sa lahat ng dumalo sa aming Opening Program. And yes, you heard it right. NGAYONG ARAW NA ANG START NG AMING INTRAMURALS!!!!! Hahahahaha!! Hindi halatang excited ako.

Nakakapagod rin ang preparations namin before the Opening. At dahil nga nag-transfer na sa ibang school si Kath so Grey handed me the Committee Of Ways & Means at grabe!! Nakakapagod pala talaga!! Kasi halos ako ang humahanap ng paraan kapag may nasasabit na plano ang Council at ako din halos ang naging coordinator sa lahat, as in LAHAT, ng mga booths and activities na magaganap sa week-long celebration ng aming Intrams. Kaya pala stressed palagi si Kath for the past 2 years kasi ganito ang kaniyang ginagawa hehehehe. Forgot to mention pa na ina-assist ko si Grey sa lahat ng planning and mga meetings niya. Talagang ginawa na akong PA nitong mokong na eto, as in PERSONAL ALALAY!!

Hindi naman magkandaugaga etong si baklang June sa trabaho niya hahahaha!! Siya kasi ang nakikipag-coordinate sa School Guards about sa security and safety ng lahat ng tao dito sa school. Dahil open to all ang celebration namin eh tight na tight talaga ang security dito sa loob maging sa around vicinity ng school.

"Huy bakla!! Pupunta muna ako sa front gate ha! Tumawag sa akin si manong guard. May gusto daw pumasok na mga students from other school kaso wala silang dala na mga IDs. I-chi-check ko muna ha. Ikaw na bahala mag-report kay Pres nito." At agad na umalis si June sa school grounds para nga puntahan ang front gate. Hahahahaha!! Ayan si June, babakla-bakla yan pero may balak atang mag-military hahahaha!!

Naging matiwasay naman ang Opening Program namin kaya bumalik na kaming mga officers sa office namin. Nakaka-miss lang din si Kath. Kasi sa aming lahat, siya ang pinaka-excited kapag Intrams na. Kasi nasasaksihan niya ang success ng kaniyang mga pinagpagurang work. Sayang nga lang kasi nasa ibang school na siya.

Speaking of Kath! Na-contact ko na rin siya sa wakas!! Nakapag-video call kami nung nakaraang lingo. Nag-sorry talaga siya kasi hindi siya nakapagpaalam sa amin na aalis na pala siya at dahil na rin daw sa nasaktan niya ang bestfriend ko.

"Naku Kath! Huwag ka ng mag-sorry. Alangan naman magngangawa pa ako dito eh nakaalis ka na. Ano pa bang magagawa ko." sabi ko sa kaniya over the laptop. Nagvi-VC kami.

"Huhuhuhu sorry talaga Amber. At saka balita kong sabi ni June sa'yo daw napunta ang committee ko huhuhu!! Sorry talaga nadagdagan pa tuloy ang workloads mo!!" sabi ni Kath.

"Oo nga bruha ka!! Grabe ang dami pa lang gagawin ng committee mo!! Magiging haggard na tuloy ako nito hahahaha!!" pagbibiro kong sabi sa kaniya.

"Basta Amber mag-iingat kayo diyan... At saka... pakiingatan na rin si Grey for me. Ikaw na ang bibilinan ko sa kaniya ha. Always take good care of him... parati niya pa namang nakakalimutang kumain..." maiyak-iyak na sabi ni Kath. I just give her my warmest smile.

"Huwag kang mag-alala Kath. Babantayan ko si Grey para sa'yo"...

Yun na yung last naming video call. Nagcha-chat parin naman kami paminsan-minsan. Kaso this past few days, nagiging busy siya kasi marami siya ika-catch up sa school niya. Ganun din naman ako kasi nga in preparation sa darating na Intrams. And weeks past, di ko na namalayan na etong araw na pala ang Opening ng aming Foundation Anniversary. Hehehehe!!

"Hahay!! Noel, paki-on nga nung aircon!! Grabe ang init sa labas!! Iitim na ako neto!!!" pagmumuktok ni Jane.

"Eto na po madam Treasurer paaandarin na po!!" reklamo naman ni Noel. By the way guys, suot namin ngayon ang aming Student Council shirts, I mean polo shirts. Para in case na may mangailangan ng presence namin eh madali kaming mahanap.

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon