Oh... my... gosh!!!!
Lutang pa rin ako hanggang ngayon dahil sa inamin ni Grey kanina sa presinto. Like hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala. He's in the process na mahalin ako at baka maging kamiii!!!! WAAAAAHHH!!!
Nga pala. Sila Casey ang nagpiyansa sa amin para makalabas kami dun. Naging mas awkward kami nung nakalabas na kami. Tanong nga ng tanong si Casey sa akin kung ano daw ang nangyari dun sa selda kasi ang lapad ng ngiti ng mokong na Grey at grabe ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko muna sinabi kasi nga diba on the process pa lang si Grey sa feelings niya towards sa akin. At saka masaya na ako nun. Ang importante ay alam kong may pag-asa na hindi na maging unrequited to feelings ko sa kaniya hehehehehe.
Nandito ako ngayon sa council office. May tina-type ako sa laptop ko na report about dito sa intrams. Mas gusto ko kasing ginagawa agad ang mga reports na sina-submit ko sa Council kasi ang pinakaayaw ko sa lahat eh ang mag-cram hehehehe. And ako lang mag-isa ngayon dito. Lumabas kasi ang mga boys para bumili muna ng makakain. Si Casey naman eh inaya muna ng mga ka-committee members niya na gumala and si June is as usual busy na naman sa pag-iikot sa school para daw ma-secure ang peace and order ng school during intrams. Ang sabihin niya eh nagbo-boy hunting yun!! Pero hayaan na nga natin.
Nagpaiwan lang ako dito kasi awkward pa talaga ako kay Grey. Hahahahaha!! Ang arte ko no. Hindi niyo rin naman ako masisisi. I have loved him from afar at kontento na sana ako dun kaso yeah things happen and eto nga. Basta hindi ko ma-explain, basta masaya ako ngayon hehehehe.
Biglang nag-ring ang phone ko. Tumawag bigla ang isang member ng Ways & Means sa akin.
"Yes hello? Bakit ka po napatawag?" agad kong sinagot ang call niya.
"Ahm Mr. Secretary eh may problema tayo... A-ano kasi..." alangang sabi ng kabilang linya.
"Ano yun? Ano yung problema natin?"
"A-ahhh yung banda kasi! Yung vocalist ng banda eh nilagnat kasi bigla."
"Huh?! Anong nilagnat? Bakit??" Hala, patay kami nito!!
"Napagod siguro sa championship nila kanina sa volleyball. Hindi niya ata kayang mag-perform kasi malat na ang boses niya tsaka pagod na pagod siya. Nandito kami ngayon sa school clinic kasi biglang nahimatay habang nagre-rehearse... Pwede ka bang pumunta dito?"
"O-oo sige papunta na ko diyan!!" at binaba ko na ang phone ko at isinara ang laptop ko.
Tsaka ako dali-daling lumabas ng office at ni-lock yun. May spare key naman ang ibang officers eh so okay lang.
Dali-dali akong pumunta ng clinic. Nang makarating na ako dun eh nakita ko agad ang babaeng vocalist ng banda na nakahiga sa isang bed doon at may bimpo. Aaktong tatayo siya pero pinigilan ko na lang.
"Chard, huwag na. Huwag ka nang tumayo pa. Kailangan mong magpahinga." alalang sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry Mr. Secretary. Hindi ko talaga alam na masosobrahan ako sa laro namin kanina. Hindi na po ako makakapag-perform later. I'm so sorry po talaga." malat niyang sabi.
"Don't be. Ang importante eh walang mas malalang nangyari sa iyo. I understand naman kung hindi mo kayang mag-perform ngayon."
Biglang bumukas ang pintuan ng clinic at iniluwa doon si June, Noel at... G-grey. Puchaks ang puso ko nagwa-wild na!!! Okay, kalma... kalma lang te!!!
"Beh!! Anyare??!! May nakapagsabi sa amin na nagkasakit daw si Richard." Tapos ay humarap si June sa vocalist. "Bebeboy, okay ka lang ba?? Are you fine??" At mali pa ang grammar ng ate.
"Hoy bakla!! Alam mo na ngang hindi okay yung tao! Paulit-ulit? Nilalandi mo lang eh." supalpal kong banat kay June.
"Ano ba Amber! Wag basag ng trip okay?" pagrarason ni June tsaka lumapit sa akin at bumulong, "Porket magkaka-jowa ka na, maldita ka na?? Ahuhuhu"
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
Romance---I've been living with a shadow overhead--- "I-i-i tried... I tried naman eh... P-p-pero..." "I know you tried... It's just that..." hindi ko na napigilan ang luha ko. "Sometimes, you can't teach the heart on whom and how to love...." "I'm s-sorry...