Chapter 9: The Feelings Felt

3 0 0
                                    

-- Third Person's POV --

Pumwesto na sa bandang gilid ng stage sila Grey at ang iba pang officers. Magandang space dun para makitang mabuti ang lahat ng nangyayari sa stage.

Sa totoo lang medyo kinabahan rin si Grey para kay Amber. Alam niyang first time nitong mag-perform live sa harap ng maraming tao. Pero kampante naman eto dahil parati naman sila nitong kinakantahan pati ang pamilya nito kung may special occassions man kaya alam niya mapu-pull over ito ni Amber.

"Tol, lupet mo ring makapagsabi kay Amber na wag kabahan pero heto, parang ikaw yung maiihi sa kaba. Hahahaha!!" panunukso ni Noel tsaka binatukan pa talaga si Grey.

"Naku Pres. I'm sure kayang-kaya yan ni Amber!!! Iba ang fighting spirit niyan." sabi ni Casey.

"At tsaka Pres, don't worry na. Narinig ko kanina ang rehearsals nila kaya alam kong kabog na kabog na ito ni bakla." paniniguro naman ni June. The band adjusted the key of the songs they'll perform para maging angkop sa key na kayang kantahin ni Amber. "Oh ayan mga besh!!! They're starting na!!!!"

"Good evening Lanchecans!!! We are The Lanchesters Band and HAPPY INTRAMURALS!!!!" panimulang bati ng lead guitarist na siya ring leader ng band. "Nga pala no. Kung mapapansin niyo eh wala dito ang ating kasamahang si Richard ang vocalist namin kasi napagod ang ulol kanina sa volleyball nila kaya ayun nagkasakit. Chard!! Kung nasaan ka man ngayon *hikbi-hikbi* sana'y nasa mabuting kalagayan ka at sana'y mapayapa ka na."

Sa sinabing iyon ng lead guitarist ay nagtawanan ang mga nanood. Not only the students are here but also some outsiders and their friends. Lahat invited sa huling araw ng Intrams nila.

"Utot mo Francis hahahaha!!!" sigaw naman ng kanilang drummer sa mic. Lumakas naman ang tawanan ng mga tao

"HAhahahaha!! Enjoy ka lang jan bro. At dahil di makakakanta ang ulol na si Richard eh meron tayong inimbita na magiging temporary vocalist muna namin. Eto sure ako mas magaling pa to kaysa sa bokalista namin hahahaha!! Peace tayo jan Richard. Anyway, please welcome our Student Council Secretary, also our vocalist for tonight, Mr. Rain Amber Fuentes!!!"

Malakas na hiyawan ang sumalubong kay Amber paglabas niya sa backstage. Kilala na si Amber sa school kaya marami-rami rin siyang mga kaibigan at ngayong gabi ay mga fans niya, kabilang na si Grey, na kahit nakita na niya ang suot ni Amber kanina ay di pa rin niya maiwasang mamangha at mas lalong ma-appreciate ang natural beauty ni Amber.

"You never fail to amaze me, Rain... I've seen you wear fancier clothes than that, yet I'm still drowned by your presence now. Hindi ka nga mahirap mahalin, Rain, kahit na same sex tayo. You're beautiful yet your still down to earth and kind. Ang swerte ko naman ata dahil minahal mo ang isang tulad kong gago." muni-muni ni Grey sa kaniyang pag-iisip.

"Good evening po!! I'm Rain Amber Fuentes and I'll be the vocalist of this band pero temporary lang po due to... hay... unfortunate events na nangyari sa kanilang vocalist" Natawa naman ang mga audience sa sinabi ni Amber. Kahit sa gitna ng pressure sa stage eh may natural charisma talaga ang taong to. "Hope you will enjoy the show and listen to the songs we prepared. Maki-jam po ang mga gustong maki-jam, sumayaw ang mga gustong sumayaw. Coz this night is bound to be ours to enjoy!!!"

At nagsimula ng tumugtog ang banda. Nagsimula ang kanilang banda sa song na "Can't Stop The Feeling" by Justin Timberlake and it just kick in the vibe of the night. Lahat ng audience ay na-hook agad sa pagkanta ni Amber. The breathy, cool and unique style of singing ni Amber, idagdag pa ang natural musicality niya at ng kaniyang mga runs and rifts ay pumatok agad sa lahat ng nandoon at talagang sumayaw pa ang halos lahat sa grounds. Sinundan naman agad ito ng kantang "Happy" ni Pharell Williams at bam!! Parang bombang sumabog ang lahat sa grounds at sobrang enjoy sa kanta at tugtog ng banda. Napasayaw naman ang lahat ng tinugtog nila ang "Moves Like Jagger" by Maroon5. Nag-enjoy at nagustuhan din ng banda ang bagong vibe na dala ni Amber. They really were amazed by his talents kasi iba ang style at musicality ni Amber. Even the officers na nasa gilid lang ng stage ay hindi na rin napigilang maki-enjoy sa mga tugtugin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Way Back Into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon