Part 26

42 2 0
                                    

Bracelet



Maaga akong nagising kinaumagahan. Ang sarap ng tulog ko. Pagkababang-pagkababa ko ay ang mukha ni Dinesen ang agad kong nabungaran. He's sitting on our couch while reading a magazine.

"Good morning!" bati ko nang mag-angat siya ng tingin. He smile widely at agad tumayo upang salubungin ako ng yakap.

"Good morning too baby, hmmmm you smells so good." he commented after kissing my forehead. "And you're early. Akala ko maghihintay pa ako ng ilang minuto." sabi niya sabay tawa ng hinampas ko ang kanyang braso.

"Hey lovers, kain muna bago maglambingan." sabi ni mom na galing sa kitchen. She's wearing her nang-aasar smile. Sumimangot ako at hinalikan ang kanyang pisngi pagkatapos kong batiin ng magandang umaga. Sumunod din si daddy at nag-aya ng kumain.

"So, magtatapos kana next year? Anong kurso nga pala ang kinuha mo?" mom randomly asked Dinesen. Nagulat naman ako ng malamang magtatapos na siya ng college! Aba't hindi ko alam yun! Nagtataka akong tumingin sa kanya. Bakit naging kaklase ko siya kung ganun? Well, sa isang subject lang naman yun. And he's always sa senior high building! Ayon sa pagkakatanda ko mula ng makilala ko siya. And he's so popular sa school! So, he's probably around 20 or 21? Hindi na siguro niya naabutan ang bagong curriculum. He looks younger than his age! Maybe kasi malinis ang mukha niya. I don't see him with stubbles or what at paliging clean cut ang buhok niya.

"Yes po tita. I took business management." sabi niya habang nilalantakan na ngayon ang sliced pineapple. Marami pang tanong si mommy at nakisali na rin si daddy. I just listened to them and absorb the informations I can get. Dalawa silang magkakapatid at siya ang bunso. Babae ang kapatid niya na nandun sa Paris upang pamahalaan ang clothing line ng pamilya. His sister studied fashion designing and took some subjects for business management. Siya naman ay pinag-aralan ang kompanyang itinayo ng kanilang magulang. He started at the age of twelve! Can you believe it? Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o malulungkot sa nalaman. He's already successful in life! Kailangan niya lang ay magtapos at voila! May kompanya nang naghihintay sa kanya. His dad said na naghihintay lang itong magtapos siya upang I-turn over sa kanya ang pamamahala dahil gusto na niyang mag-retiro upang libutin ang mundo kasama ang asawa nito. Samantalang ako ay may ilang taon pa upang makapagtapos. I earned money already through my modelling career but it's not enough compared to him. Gosh! This is so frustrating!

"Nixy.. you okay? Kanina ka pa tahimik."tanong niya pagkatapos I-park ang kanyang sasakyan. I didn't bring a car. Sabi niya siya na ang maghahatid at sundo sa akin simula ngayon. Kawawa naman ang car ko sa garahe kung ganun. Maybe weekends ko na lang magagamit yun.

"Matanda ka na pala." ang tanging nasabi ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya at anyong natatawa.

"Hey, what about my age? I'm just twenty." sabi niya ng nakasimangot. I chuckled at pinitik ang kanyang noo.

"Hindi mo sinabi."

"You didn't ask." nakangisi naman niyang sagot.

"Gurang." asar ko. I laughed so hard when he glared at me. "May bago na akong tawag sayo. Gors short for gorang." sabi ko sabay bumunghalit ng tawa. Bago pa ako makahuma ay kinabig na niya ako at hinalikan. Nanatiling dilat ang mata ko dahil sa hindi inaasahan. Una ay ipinaglapat niya lang ang aming labi hanggang sa naging mapaghanap na ang kanyang dila. I slowly close my eyes and ginaya ang kanyang ginagawa. We both gasped an air at dahan-dahan niyang inilagay ang kanyang noo sa aking noo. He then give me a kiss on my forehead.

"Mahal kita kahit inaasar mo ako. Huwag mo akong ipagpalit sa mas bata pa sa akin.." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Tatawa sana ko pero hindi itinuloy ng mapansin kong seryoso siya. Pft akala naman niya ang tanda na niya. Inaasar ko nga lang. Hahahahaha

The Hottest Girl in Town (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon