Part 2

173 6 0
                                    

The Encounter



I'm on my way to school now.

Teka....Parang naraanan ko na to kani-kanina lang ah. Asul na gate. Malaking bahay na kulay krema. Ano ba naman yan. Huminto ako doon mismo sa malaking bahay at kinuha ang phone ko.

"Yes, Nix?" Racka answered.

I fake a cough bago nagsalita "I think..."

"Nawawala ka na naman." Sabi niya na para bang alam na alam na niya kung ano ang nangyayari sa akin.

"Ahh..'' Napakamot na lang ako sa aking ulo. Kung may makakita siguro sa akin ngayon, mapagkamalan pa akong may kuto. Yuck.

"I wonder kung sa'n ka na naman lumusot ngayon?" she laughed.

"Malay ko?" Sabi ko na patingin-tingin sa paligid.

"Malala ka na Nix. Ba't ba kasi ang hilig mo sa short-cut."

"Para madali?" sagot ko.

"Duh. Madali? You are just kidding right.?"

"Oo na. Tss. Pakikuha na lang ako dito. Alam mo ata to. WEALTH SUBDIVISION ang nakalagay sa isang post." Sabi ko habang nakakita ng street name sa may isang post.

"WEALTH SUBDIVISION? Alam ko nga yan but sorry ka na lang I have important things to do. Ciao Nix! and eherm GOODLUCK!" Sabi niya na in a hurry.

"Wait.!" walangya, nakita na naman siguro niya yung crush niya. I get off the car. I didn't attempt to call the other pretty devil friends of mine dahil sigurado ako, one hundred percent na iisa lang ang sagot ng mga yon. Walang iba kundi "May bago pa ba?" or "goodluck!" tapos may kasama pang nakakainis natawa.

Napasigaw ako ng biglang may bumusina at muntik ko pang mabitawan ang cellphone na hawak-hawak ko! Lumingon ako ng marahas upang tingnan sana ang walang modo kung makabusina para tarayan nang lumabas ang isang oh so freaking nice car! Isang Hennessey Venom GT! Ni hindi ko namalayan na lumabas pala ito sa kulay kremang bahay. Ang ganda! Nanatili pa rin akong nakatitig sa sasakyan. Jeez! Ang ganda talaga..parang naisip ko tuloy na sirain ang car ko at magpabili ng katulad nito. Biglang bumukas yung window ng car at dumungaw ang maswerteng tao na nagmamay-ari ng pagkaganda-gandang kotse. Nakahanda na yung ngiti ko sana para sa kanya, aba't ang swerte ko at nakita ko sa malapitan ang kotseng yan.

''Hoy Miss na mukhang hindi pa naka move on sa 1950's na fashion, pakisara ng bibig.'' Sabi ng isang mala-demonyong boses. Napakurap ako ng dalawang beses at pilit ini-internalize ang sinabi niya. Ano raw?

"What did you freakin say?'' tanong ko ulit. Baka kasi nagkamali lang ako sa pagkakarinig eh.

''Hindi ka lang pala outdated sa fashion, bingi ka pa.'' pailing nitong sabi. Doon na talaga nalaglag ang panga ko. Aba't ang angas pala ng lalaking to eh! Akala mo kung sino kung makaasta! Porke't nagmamay-ari ng isang pagkamahal mahal na sasakyan!

"Excuse me?" Nakataas kilay kong tanong.

"Hay naku! Mukhang slow ka pa. By the way, if you are here to apply to be my personal maid just get inside and look for manang Lupe." sabi nito. Ano daw? Mag-aaply for personal alalay? Ako? Baliw ba tong isang to? He doesn't know me, right? Nakatingin lang ako sa kanya at bakas ang pagkalito sa mukha ko.

"I'm in a hurry. So, just push the doorbell." dagdag pang sabi nito na hindi maitago ang ngisi sa mukha.

Wait..he looks familiar.

"What made you think na mag-aaply ako for PA? Mukha ba akong PA?" tanong ko sa sobrang naiinis na tono habang tinuturo ang aking sarili.

"Pfffffffffft. Seriously. Do I need to answer that?" He smirked sabay tingin sa akin from head to toe bago pinaandar ang kanyang kotse. Then, saglit itong huminto sa harap ko mismo at sinabing..

"You're hired." he said as he gave me an annoying grin. "Nice car by the way". pahabol niya pa sabay tingin sa sasakyang dala ko habang pinipigilan ang pagtawa.

"Wait...what?" Bago pa ako makapaglabas ng ultimate anger ko ay pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan. What the hell just happened? Yabang! Sobrang yabang ng isang yun! Akala mo kung sinong gwapo! Wait, erase it! Hindi siya gwapo! Shit! Nagha-hyperventilate ako ngayon dahil sa sobrang inis sa antipatikong hambog na lalaking yun. 

Inhale.

Exhale.

"Ahhhhhhhhhh!" sigaw ko sobrang frustation na hindi man lang akong nakabawi.

The Hottest Girl in Town (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon