Photoshoot
Its's sunday and I'm here at kuya Maven's place. Kanina pa ako ngumangawa na bilisan niya ang kanyang kilos dahil kanina pa ako tinatawagan ng taong kasing ikli lang ng pangalan niya ang kanyang pasensya. Pero si kuya Mav, may pagka uod talaga minsan. At may pakanta-kanta pang nalalaman. Habang ako dito, hindi na mapakali. Naku naman, grabe pa naman ang taong yun kung makadada.
''Kuya Mav naman eh! Can you please make it faster na! Gosh! Ilang oras ba dapat ayusin ang buhok niyong mga lalaki?"
Opo! Kanina pa siya sa harap ng salamin at pabago-bago ng hairstyle which is nakakairita na. Ba't pa kailangan niyang mag-ayos, hindi naman nagbago ang hitsura niya. Minsan talaga may pag-ka tong si kuya Mav. As if naman siya ang may photo shoot! Kainis!
"Oo na! Tong batang to. Hindi makapaghintay." Sabi niya sabay kuha ng susi ng kanyang kotse sa isang drawer. At talagang bata ang tawag ha. Sabihan pa akong hindi makapaghintay. Eh, kanina pa nga ako naghihintay sa kanya.
"Tss. Ewan ko sayo. Matawagan nga si Ramleighn at sabihing huwag na lang akong samahan." Sabi ko sa nabubwisit na tono.
"Hoy, ito naman. Ito na nga o. Lalabas na."
Napailing na lang ako at sumunod sa kanya. Tao nga naman. Tss. Minsan talaga, nalilito ako kay kuya Mav. Minsan naiisip kong may gusto siya sa kaibigan ko pero kung tratuhin niya parang nakababatang kapatid lang. Ewan ko talaga sa kanya. Bahala na sila sa buhay nilang magulo. So, ito ako ngayon nakaupo sa passenger seat at nakasalampak ang headset sa aking tainga habang si kuya Mav ay minamaniobra ang kanyang Porsche car papalabas ng garahe. Pupuntahan pa namin si Ramleighn sa bahay nila. Si daddy kasi binawalan akong mag-drive kapag hindi sa school ang lakad ko. Nakakainis lang. Kung ako ang nasa driver seat ngayon sigurado akong in less than 10 minutes nasa harap na kami ng bahay ni Ramleighn. Ahrg! Why do I need to end up like this!
"Kuya Maven! Pwede bang pakibilisan naman? Gosh! Ano to, motorcade?" Irita kong sabi sa kanya. Well, kasalanan naman kasi niya why I am acting like this. Ang tagal kaya niyang mag-ayos! Dinaig pa ako. Seriously guys, do you really need to fix your hair for almost an hour? Or si Kuya Maven lang talaga ang masyadong conscious sa kanyang buhok.
"Watch your pitch young lady." Kuya Mav said while glaring at me. I just rolled my eyes. "And besides we're not on a goddamn motorcade. Lagpas na nga ako sa limitasyon ko."
"Yeah,whatever. It's still a turtle compared to my speed."
"But the thing is, you cannot drive and show how speedy you can be." sabi niya sa nang-aasar na tono.
"I know right. But don't worry kuya Mav, malapit na rin namang matapos eh." I smiled sweetly.
Gosh! Excited na nga akong mag-road trip! Nami-miss ko ng magliwaliw with my gorgeous car just like me. Two weeks nalang and I can drive out of the town na! Kaya pipilitin kong umiwas sa mga mayayabang kahit na mairita pa ako sa kayabangan nila huwag lang ulit akong pagbawalan ng butihing ama ko na mag-drive out of the school kahit labag man sa loob ko.
Atlas! Kita ko na rin sa wakas ang mataas na gate ng Creak residence. Huminto si kuya Mav at lumabas ng kotse para salubungin si Ramleighn na may dala-dalang gamit. Which is ipinagtataka ko. Don't tell me may photoshoot din siyang gagawin.
"Hi Nix." Bati niya sa akin sabay upo sa harapan katabi ni kuya Mav. Tumango lang ako.
"Nandito na ba lahat ng kakailanganin mo for 3 days?" Tanong ni kuya Mav.
"Huh?" Nagtataka kong tanong.
"Not you lady." Sagot niya sa akin.
"Yeah." Sagot naman ni Ramleign na bahagyang tumingin sa akin sabay ngiti. Tumaas naman ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
The Hottest Girl in Town (Under Revision)
Novela JuvenilNixsha Ford, who's dubbed by her friends as the hottest girl in town. Nixsha or Nix as what her friends call her live her life as a typical rich girl who loves fashion, make-ups and shoes. She doesn't give much attention to all the boys who happen...