Danica's POV:
Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Nico pero kanina pa siya walang kibo at parang may iniisip, isang linggo na siyang ganyan kaya napagpasyahan ko nang tanungin sya.
"May problema ka ba?"
Tanong ko.
Pero nagulat Ako sa sagot nya.
"Wala Kang pakialam kung may problema ba ako."
"Ni..Nico ayos ka lang ba?"
Utal-utal kong tanong dahil natatakot na ako sa kanya.
"Pwede ba wag Mo akong pakialam! Wala Kang pakialam kung ano ang problema ko."
Sigaw nya sakin kaya natinginan ang mga estudyante.
Namutla ako sa ginawa ni Nico, Di ko Kilala ang Nico na nasa harapan ko ngayon. Halos tumulo ang luha ko sa mga sinabi nya.
"Nico remember I'm your girlfriend. May pakialam ako sa nararamdaman Mo" Sabi ko.
Nanlilisik ang mga mata ni Nico na nakatingin sakin.
"Danica Hindi porket gf kita ay manghihimasok ka na sa mundo ko." Sabi niya.
Tumayo Sya sa kinauupuan nya at biglang umalis.
Di ko Alam kung ano ang gagawin ko kaya tumakbo ako papunta ng CR, pinipigil ko ang mga luha ko Na wag tumulo.
Nang makarating na ako sa CR ay pumasok agad Ako rito at nilock ang pinto.
Napaupo ako sa sahig dahil nanlambot ang tuhod ko dahil sa mga sinabi ni Nico.
Nagsimula akong umiyak.
Di ko kasi alam kung ano ang ikinagagalit sakin ni nico.
Di ko lubos maisip kung may pagkakamali ba akong nagawa.
Paulit-ulit na nag play sa utak ko Yong sinabi ni Nico na
"Wala Kang pakialam kung may problema ba ako"
"Pwede ba wag Mo akong pakialam! Wala Kang pakialam kung ano ang problema ko."
Umiyak ako ng umiyak sa CR.
Hindi na rin ako pumasok sa klase namin dahil nga namamaga na ang mata ko dahil sa kaiiyak.
Nang nalaman kong uwian na ay umalis na rin ako sa CR at umuwi na.
Siguro depressed lang si Nico kaya nya nagawa yon.
Sana nga.
Nico's POV:
Nasa rooftop ako ngayon ng school matapos kong Gawin yon kay Danica.
Halos madurog ang puso ko dahil sa ginawa ko kanina.
I love Danica pero kailangan kong saktan sya.
Langya talaga si Tadhana, kung kelan ako nagmahal ng totoo Saka naman naglaro.
Sa sobrang Galit ko sa sarili ko ay sinuntok ko Yong pader
"Whaa. Danica sorry!" Sigaw ko.
Di ko Na ininda Yong sugat na nasa kamay ko.
Di ko lubos maisip na magagawa ko yon sa kaisa-isang babaeng minamahal ko.
"Ma, kailangan ko ba talagang danasin toh? Ma alam kong importante sayo itong NV University kaya pinili ko to. I choose to save this school kesa sa kaligayahan ko! Ang tanga ko lang kasi sinasaktan ko si Danica ng walang dahilan." sigaw ko habang pinagbabasag Yong mga bote sa rooftop.
I love my mother, kaya pinili ko itong university na toh.
Napaupo ako sa at napasabunot sa buhok ko.
Di ko Na Alam itong ginagawa ko.
Bigla namang bumukas yong pinto at lumapit sakin Sina Brian and Mark.
"Bro Tama na yan!" Sabi ni mark.
"Mark ang tanga ko!" Sabi ko sa kanya.
"Di ka tanga, pinili Mo lang ang Tama Nico." Sabi ni brian.
"Kelan ba naging Tama ang manakit?" Tanong ko kay brian at tumayo.
"Minsan kailangan nating may masaktan. Nico I know na mahirap ito para Sayo kaya nandito kami para tulungan ka." Sabi ni brian sabay tapik sakin.
"Tama, kahit Anong mangyari, kaibigan Mo pa rin kami. Yang pinagdadaanan Mo kailangan nating harapin. Alam naming Di Mo makakaya yang mag-isa lalo na't Alam naming Mahal Mo si Danica." Sabi ni mark.
"Basta bro kahit Anong mangyari Dito lang kami." Sabi ni brian.
Napangiti naman Ako sa mga sinabi nila
Kasi kahit na nasa gitna ako isang problema ay naririto pa rin sila upang damayan ako.
Nilapitan ko sila at tinapik pareho ang balikat nila.
"Salamat mark and brian, tunay talaga kayong kaibigan." Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Destiny
Teen FictionWill your most hated person will be your final destination? Will your enemy could be your destiny?
