CHAPTER 45

473 21 4
                                        

After 8 years.

Danica's POV:
"Oh 'yong mga gagamitin natin okey na ba?"

"Ano ba yan, ako na nga Sabi dyan eh."

"Doon ka nga sa labas, maghintay ka na lang. Ang gulo Mo kasi."

Nag-aaway na ang dalawang bakla na nag-aayos sa akin. Dahil nga gusto nila akong ayusan sapagkat ang ganda ganda ko daw.

"Oh ayan, ang ganda Mo na." Sabi nung bakla sakin.

Nginitian ko Naman siya, kay tagal ko ring pinangarap ito. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Salamat." Sabi ko sa make up artist ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Di ko akalain at Di Ako makapaniwala na hahantong kami sa ganito. Sa loob ng walong taong nagdaan, akala ko ay hindi ko ito mararanasan. Pero Mali Ako dahil nandito na ako at mangyayayari na ang pinakaaasam ko.

"Dan Let's go. Kanina pa nila tayo hinihintay."

Sabi ni ate Crystal, Asawa na siya ngayon ni Kuya Daniel. Matagal na pala silang magkarelasyon pero Sabi ni kuya ay ayaw daw ipaalam ni ate Crystal ang namamagitan sa kanila para surprised.

Hahaha, natatawa nga Ako dahil habang ikinukwento niya iyon ay parang naiinis siya. Oo, nagulat talaga kami dahil nalaman namin nung magpo-propose na si kuya kay ate Crystal. Hindi kami makapaniwala pero ipinaliwanag naman samin ni kuya ang lahat.

Sumakay kami sa kotse, inalalayan naman kami Nung driver. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko. Kanina pa ako kinakabahan. Pero hindi ko lang ipinapahalata.

Hinawakan ni ate Crystal ang kamay ko.

"Dan it's okey. Normal lang yan."

Sabi niya sakin. Naramdaman din niya Ata na kinakabahan Ako. Kaya nginitian ko lang siya.

"Thanks ate cryst." Sabi ko sa kanya.

At nagsimula nang magdrive ang driver. Hindi Ako mapalagay sa kinauupuan ko. Excited na akong makita siya. Ang lalaking pinakamamahal ko.

Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng simbahan. Kung kaya't mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagbuksan ako ng driver at saka lumabas na ako.

Inalalayan ako ni ate Crystal paakyat sa hagdan. Nakasarado pa ang pinto ng simbahan, kung kaya inayos muna ni ate Crystal ang gown ko.

This is it. This time wala nang makahahadlang pa. Sabi ko sa sarili sabay ngiti.

Nico's POV:

"Excited ka na ba nak?"

Tanong sakin ni daddy. Hindi Ako mapakali, Parang gusto kong hilahin ang oras upang mapabilis ito. Gosh, Di na ako makapaghintay pa.

"Dad, kinakabahan Ako."

Sabi ko kay daddy. Then he tap my back and he smile at me.

"Anak it's okey. Just calm down okey?"

Sabi ni daddy ulit sakin kung kaya't nginitian ko nalang siya.

Maya Maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng simbahan. At parang biglang nag slow motion ang lahat. Nakita ko si Danica, naka gown hawak ang bulaklak at nakangiti sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanya. Because She is so beautiful in white. Then biglang tumugtog ang beautiful in white.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin kasama si tito David. Si tita Daniela naman ay umiiyak na. Bago makalapit sa akin si Danica ay niyakap siya ni tita Daniela ng napakahigpit. She said that

"Danica, I'm so happy dahil nakita mo na rin Ang nakatadhana sayo. 'Wag mong pababayaan ang Asawa mo ah? " Sabi ni tita.

Nagyakapan pa sila ng mahigpit saka ulit lumakad si Danica papalapit sakin. Kitang Kita sa kanyang mga mata ang saya. Umaagos na rin Ang luha sa kanyang mga mata. Pero agad rin naman niya itong pinunasan.

Nang makarating na si Danica sa harapan ko ay sandali muna kaming nagkatinginan. Ang ganda ganda talaga ng magiging Asawa ko. At hindi ko na siya pakakawalan pa.

"Nico, Ikaw nang bahala sa anak ko. Ipinagkakatiwala ko na siya sayo. Alagaan mo siya ah? Wag na wag Mo siyang paiiyakin." Sabi ni tito sa akin.

"Opo tito." Sabi ko sa kanya.

Niyakap muna ako ni daddy, ni Tito Dave at ni tita Daniela Bago ko dinala si Danica sa harapan ng altar.

Nagsimula na ang kasalan.

Naalala kong lahat ang mga pinagdaanan namin ni Danica sa loob maraming taon. Palagi nalang kaming away bati pero hindi niya ako iniwan.

Lahat ng bagay ay kinakaya naming dalawa, nagtutulungan kami sa lahat ng bagay pero hindi lang talaga maiwasang hindi kami magkasundo.

"Itong si Nico, unang araw ko palang nakita ay bwesit na bwesit na ako sa pagmumukha niya. Napajapapansin niya masyado kung kaya't palagi kaming nag-aaway. Ang tawag pa nga niya sakin ay babaeng rapper kaya bwesit na bwesit ako sa kanya pero hindi ko sukat akalain na Yong lalaking bully na kinaiinisan ko, na Yong lalaking kaaway ko ay siya rin pala ang makakasama ko sa araw na ito. Hindi ko inasahan na mahuhulog ako sa kanya. At 'di ko yon pinagsisihan dahil nga ang Sweet ko dahil nga nakatagpo ako ng hinayupak na katulad niya. Dahil handa siyang makipagpatayan para lang sa akin kaya Mahal na Mahal ko itong mokong na ito eh."

Natawa ako sa mga sinabi ni Danica sakin. Pero oo nga, iyon Ang totoo. Handa akong makipagpatayan sa kung sino mang gustong manakit sa kanya. At handa akong ibuwis ang buhay ko para lang sa kanya. Napangiti ako sa sinabi niya at maging ang mga bisita namin ay nagtawana.

Kitang Kita ko Rin kung paanong sapakin ni lea si Brian at kung paano itong tumawa na animoy Wala nang bukas. Haha, 'di pa rin siya nagbabago, kahit na buntis na. Tssk.

It's my turn to speak. Kaya huminga ako ng malalim Bago nagsalita.

"Sa umpisa pa lang nang pagkikita Namin ni Danica ay nagkainteres na kaagad Ako sa kanya. She is the only girl na pinatulan ako at tinawag ang gandang lalaking ako na bakla kung kaya't pinagtripan ko siya. Akala ko hanggang trip nalang din ang yon, pero hindi ko namamalayan na unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Then naging kami, Akala ko ay yon na ang love story namin pero hindi pala. Dahil dumating ang kontrabidang si andrea na sana ay pakakasalan ko for some reason. Natakot ako that time, mukhang totoo nga ang sinabi ni Danica na bakla ako dahil nga Hindi ko siya ipinaglaban. Pero nung nalaman ko ang lahat, at nalaman ko na kinidnap siya ay halos mabaliw ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya ginawa ko ang lahat. Wala na akong pakialam kung mapatay ako dahil ang gusto ko lang talaga ay iligtas siya sa kamay ng demonyitang si Andrea. Napakaraming mga pagsubok ang pinagdaanan naming magkakaibigan at namin ni Danica, but despite all problems ay Di kami sumuko. Akala ko hindi totoo ang kasabihan na MY ENEMY, MY DESTINY pero simula ng nakilala kita, naunawaan ko ang lahat at simula nang mahalin Kita, handa akong isugal ang lahat basta para sayo." Sabi ko.

Inangat ko ang belo ni Danica, kitang Kita ko na sunod sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Mga luha na nagsasabing siya ay masaya.

Kinuha namin ang sing sing at nangako sa isa't isa.

"Dan, mamahalin kita sa hirap ay ginhawa. Sasamahan Kita sa lahat, nangangako ako sa harap ng nga taong ito, at sa harap ng Diyos na mamahalin kita tulad ng pagmamahal ko sa sarili ko, at alalagaan kita. Handa akong Gawin ang lahat para sayo, kahit na kapalit pa nito ay buhay ko."

Sabi ko kay Danica. Sabay isinoot ang sing sing sa kamay niya.

"Nico, pinapangako ko na mamahalin kita sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa kabiguan ay 'di Kita iiwan. Pinapangako kong mamahalin kita ng lubusan kahit na marami pa ang humadlang sa ating pagmamahalan. I love you Nico."

Umiiyak na sabi ni Danica. Sabay isinoot ang sing sing sa kamay ko.

"You may now kiss the bride!" Sabi nung pari.

Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. At ang labi naming dalawa ay dumampi sa isa't isa.

--

End

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon