CHAPTER 39

167 11 0
                                        

Nico's POV:

"Hindi ganyan humawak ng baril Athena!" Sigaw ni kuya Daniel kay Athena.

"Mark turuan mo siya!" Utos ni kuya Daniel kay Mark.

Si Lea naman ay natuto nang gumamit. At asintado lahat ng pagbaril nito.

"Nice one Brian, ang galing mong magturo." Sabi ni kuya Dan kay brian dahil ito ang nagturo kay Lea at tinapik niya ito sa balikat.

"Nico, ayusin Mo lahat ng kailangan natin. At nabasa nyo rin naman ang text ni Andrea, we need to be prepared. Delikado ang gagawin natin at ito ang inutos ni Andrea." Sabi ni kuya sa akin. At umupo sa tabi ko.

"Kuya sorry. Kung sinunod ko lang sana ang sinabi Mo ay hindi sana nangyayari ito." Sabi ni ko kay kuya Daniel habang nakayuko.

"Nico past is past, ang kailangan nating Gawin ay pagtulungan kung paano ililigtas ang kapatid ko. I'm so thankful because may mga kaibigan siyang gaya nyo." Sabi ni kuya Daniel.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Sige kuya magpapractice na ako." Sabi ko.

Tumayo ako at inumpisahang barilin ang target. Inisip kong si Andrea ang binabaril ko kaya gigil na gigil ako. At lahat ng Tama ng bala ay nasa Ulo.

Nilapita ako ni kuya Dan at sinabing,

"Great job Nico."

Danica's POV:

"Andrea bakit mo ako pinadukot huh? Dahil ba ito kay Nico? Hahaha, so stupid! Dahil lang sa lalaki nagkakaganyan ka na? How desperate you are? Andrea Wala ka Na ba talagang ibang makita kaya ganyan na ang naisip mo? Oh come on, andrea wake up! Kay Nico na mismo galing ang mga salitang hindi niya mamahalin ang isang demonyitang kagaya mo kaya pwede ba, pakawalan mo na ako!"

Sabi ko sa kanya dahil naiinis na ako sa mga pinanggagagawa niya.

Dalawang malakas na sampal ang ibingay niya sa akin at sa lakas ng pagkakasampal niya ay namanhid at namula ang pisngi ko.

"Hoy Babaeng malandi, Wala kang karapatan na utusan ako!" Sabi niya na halata ang Galit sa mukha niya.

Hindi naman Ako makaganti dahil nga nakatali ako sa upuan.

"Wow, malandi? Andrea sa tingin ko Ikaw yon! Andrea mahiya ka naman sa mga pinagsasasabi mo!"

Sabi ko sa kanya. Oo nagkaroon na ako ng lakas ng loob na barahin siya dahil kung tatahimik lang Ako sa isang tabi ay wala rin akong mapapala.

"At sumasagot ka pa? Walang hiya ka talaga! Pwes itong sayo!"

Sa Galit ni andrea ay sinabunutan niya ako at natumba kaming dalawa sa sahig. Lumagapak naman ang likod ko.

"Danica napakalandi mo talaga! Ahas ka!" Sabi niya at sinakyan niya ako at pinagsasampal.

Sobrang sakit ang naramdaman ko.

"Andrea ano ba, nasasaktan Ako!" Sabi ko sa kanya pero tila Wala siyang narinig.

Hinila ulit niya ang buhok ko, halos matanggal na ito sa anit ko.

"Aray, andrea Tama na!" Sigaw ko pero Di pa siya nakuntento.

"Hindi pa ako tapos Danica!" Sabi niya at inumpisahan niya akong kalmutin.

Nagkasugat sugat ang leeg, braso, kamay at mukha ko.

"Andrea Tama na!" Hila sa kanya ni Sarina.

Tamayo si andrea.

"Hindi pa tayo tapos Danica, sisiguraduhin kong maghihirap ka sa kamay ko at magmamakaawa si Nico na bumalik ako sa kanya. Danica ipaparamdam ko sayo ang Galit Na Meron Ako at idadala ko kayo sa impyerno, kayong lahat ng mga kaibigan Mo! At bukas na bukas ay makikita mo na si San Pedro." Sabi niya sabay tawa. At umalis.

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon