CHAPTER 15

223 14 0
                                        


Brian's POV:
"Ano ba, wag Mo nga akong kulitin, Doon ka nga kay mark tumabi." Sabi ko kay Lea na nakahiga sa balikat ko.

"Wag ka ngang maingay inaantok Ako. Atsaka Diba seat mate tayo? Bakit Mo Ako pinapaalis?" Tanong nya sakin.

"Kung matutulog ka pwede dyan sa armchair Mo bakit sa balikat ko pa?" Tanong ko. Ang bigat nya kaya.

"Wala Kang Paki. Tumahimik ka na nga. Gusto ko nang matulog." Sabi nya.

"Tssk. Bakit ka pa kasi nilipat Dito?" Mahina kong Sabi.

Marahil nga nagtataka kayo kung bakit naririto itong babaeng maingay na ito, well kinausap kasi ni Nico si Tito Nicholas na Dito sya ilipat kaya ayon, naririto itong babaeng ito at seatmate ko pa.

"Mukhang may nabubuong pag-iibigan ah?" Sabi ni mark na nasa harapan ko.

"Shut up mark!" Sabi ko Naman.then lumingon sya.

"Oh napareact ka Dyan? Di Naman kayo ang sunasabihan ko ah?" Nakakalokong Sabi nito.

"Pag Di ka pa tumahimik sasapakin na Kita." Banta ko.

"Haha, subukan mo, aagawin ko yang si bebelabs Mo." Sabi nya.

"Bebelabs? Corny Mo tol. Kadiri ka." Sabi ko.

"Hahaha. Naku Brian, nakahanap ka na rin ng katapat Mo." Sabi ko.

"Hayssst. Tama na nga yan." Sabi ko sa kanya.

"Inlove na ako, inlove na sayo sanay malaman Mo." Kanta nya.

"Ewan ko sayo." Sabi ko. Tawa naman sya ng tawa. At humarap na sa board.

Tinitigan ko Naman sya habang nakahiga sa balikat ko.

Ngayon ko lang narealize na maganda pala sya. Maganda ang hugis ng mukha, Matangos ang ilong, kissable lips, pinkish ang chicks, Maputi, kaso napakaingay naman. At isa yon sa pinakaayaw ko.

"Picturan Mo nalang Ako para pagsawaan mong titigan." Sabi nya habang nakapikit.

"Asa, ayokong magkaroon ng pictures Mo Nuh? Walang daga sa bahay." Sabi ko sabay tingin sa harap. Nakakahiya, Alam nya palang tinitignan ko sya.

"Deny pa more." Sabi nya.

"Matulog ka lang nga dyan. Inaantok ka lang." Sabi ko sa kanya.

Ayon natulog nga lang ulit sya sa balikat ko. Si mark naman ay nag mo-mobile legend tapos si Nico and Danica, as usual, nag-aasaran na naman. Kelan kaya magkakasundo itong dalawang ito?

Hayssst kumusta na kaya si Athena?

Bumalik na naman sya sa isip ko.

Naku Brian uso mag-move on.
Hayssst sana malimutan ko Na talaga sya.

Nico's POV:
"Guys may gagawin ba kayo sa sabado?" Tanong ni mark samin.

"Wala bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Outing tayo kung pwede. Nakakabagot kasi sa bahay, palagi akong walang ginagawa." Sabi ni mark.

"Totoo? Saan?" Excited na Tanong ni Lea.

"Don't shout, maririnig ka rin naman nila eh." Inis na Sabi ni Brian.

"Paki Mo? Alam mo. Napakasungit Mo talaga. Bakla ka ba?" Tanong lea.

"Asa, eh kung halikan kaya Kita dyan." Sabi ni Brian.

"Hoy kayo mag-uusap tayo o mag-aaway kayo?" Tanong ni Danica.

"Okey fine. Usap Muna." Sabi ni Lea.

Ito talagang dalawang ito, hirap Kasama. Si Brian ayaw sa maingay, si Lea naman ayaw sa tahimik, kaya lagi silang Di nagkakasundo eh.

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon