Prologo at Panawagan

7 3 0
                                    

Mamarang sa haraya, o mambabasang
babathi't subok sa wikang pag-unawa
limayuning matyag mga bulausa't
mamupo't umayon sa intinding luwat.

Ako'y manunulang manhik sa karimlan
apuhapi't maglayag nang tungo't bulag
managwan na'y hindi, sa along paghampas
dalisdisang sa mukha'y sumpang pangahas.

Plumang panulat'y tila bagang b'witreng
hayok lumipad, walang habas managit
sa katumuk-tumuka'y tira'y banggit
ang katagang amis n'yaring aba't munti.

Aklat na sulata'y pagsulit sa madla
pamamalita'y ulinig pa't sa plasa
sa bibig'y salita, kung malinsil nga
anupa't sa yukayok na maaasa.

Karunungang layo'y asama't bawiin
sa kukong malagot sa batas ng langit
maparito man sa dalata'y langitngit
ng kawayanang mahinusay sa bitbit.

Mahadlika sa simoy, ligayang lingap
damang nasok sa kaluluwa't naganyak;
sintang hangi'y liliyagi't mapayukayok
ni dustang kamataya'y dalita'y tarok.

Kaya't ikaw, ninibig na mambabasa
huwag nang maghanap at siyang manalakata
haya sa tula'y mapagsalíta't mihag
sa handulungang palara'y mabanaag.

Mangapos sa salita'y nawa'y tanggap
ng kapuwa makatang sinadyang masinghap
ang putong na karunungan nawa'y ulap
na ninilig sa nangalantang sampaga.

Sa salaysaying masagsag kung malinsad
patawari't pag-upanding lahong kutad
maluoy ng kamalia'y yaring igtad
dapyuhan ng sepiro na't maginhawa.

Rahuyuang lihim yaring tulang imbi
humigwas mabubot, alayang pag-igi;
lanlikat atupagi'y madlang lugami
ang pagtamaa'y nararapat matwirin.

Nawang masimla't pagayaking malubha
yaring awit na lumakayang mabunga
at ikaw, mambabasang nihag ng aba
tunghay-tunghayi't suyuing saya'ng tula.

El Guion Guerrero - Ang Panulat ng MandirigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon