Anumang nangagpangyari sa Arabya
hindi malimta't gunigunhing haraya
maging sa obra'y mangagkayang mapinta
yaong napaglahong buhay sa pamarang.Ngalan n'yaring mahusay na Klasisista
ay tangi't mabunying Maestrong Renega
maghalimuyakang sining ay lunggati
maumid sa ligira't dangan siyang bati.Lulang kabayong matulin ay karipas
sa pagtakbong balik-mapiyedreriyas
reynong Osterrang kanyang tinatahanan
mabagtas at maratinga't banayaban.Mula sa disyertong mapahamak-hamak
manalunto't sa puting yelo'y umapak
yaong paang kabayo sa malalansak
na bantang pangaglamig-lamig na yapak.Bulong ng hanging maginhawa'y hinusay
ni ano'y wala'y galita't paglupasay
sapagkat dalatang puti'y iwing ina
sa kalikasang paghilig at aruga.Sa matang hamak ng Maestrong Renega
namula-mulagata't lupang banyaga
ang tila alintanang lubha'y talaga
luhang patda't agos ng bansang Osterra.Masilay-silaya'y kastilyong magilas
salig sa Kristiyanismong Krus kapag malas
mga batong malungayngay at bulalas
ang katapanga't waging bawat malamas.Bandilang pula't puti'y humpaya'y wala
sa pagsibad sa papawiri't langhuma
kung magayon ay magtuloy sa maluma
pinto't kahariang balaghang naghulma."Bayan kong dilag at saganang masadya
sa kasam-a'y mangilas-ngilas at adya
upanding ikaw'y makamay ng baya
malipos-digma'y hindi layag at haya."Mga bathaluman sa mangibang bansa
kung maparito'y kilanla'y mapaluksa
makapangyarihan na Hari ng Langit
sa Kanya'y salubong at mawalang-pilit."Kaya't ikaw, o karilagang nabihag
ng karimlang sukdol at napagsugapa
mabubuhay nang mahigtan sa liwanag
mamayapang awangga't tana'y banaag."Alay sa baya'y malabis na pagsinta
handog ay pag-ibig na 'di manta-lanta
kung buhay yaong siyang singil ay ibuwis
tingkara'y sa labana'y sawi't magahis.Yaring awit ng pagkadakilang pintor
mangabot-langit at tagos-kaluluwa
nang sa gayong bayang Osterrang alagwa
ay mabalikat at makamtang naawa.Matulad sa malaksa'y lihim na lingid
ang balata't hiwagang anaki'y ligid
mangunwang katahimika'y nabulaglag
kahig ng angaya'y gimbal sa nahungkag.Mawangis sa Zaragosa ng Arabya
kilanla'y nahimik at bibig na tikom;
mangaglamnang taliwas at 'sang Kristiyano
mahalaha't babala sa tanang reyno.Hangal sa Europang baya'y mangaunti
nunlad sa kaalamang sagana't lati
máyo nang bansang yari'y malugod-lugod
sa katalinuhang mang-ayaw umugod.Hampas-lupang bansag ng lawang busilak
magkayi't taluktok sa tagilong handak
lunggating mangibang reyno'y masisindak
sa kagahamana't ganid ay masadlak.Tangang watawat sa kalayaang mithi
ipaglinggal ang kadakilaang wagi
sa madlang pagbagay ay magnguni-nguni
manimbanga't sa Diyos unang sasangguni.Hulagpos sa sakal ang tanging dalangin
ng bandilang malahat siyang nagpasaksi
malikang gayon ang kadilimang waksi
sa pagmataasa't alibughang sisi.
BINABASA MO ANG
El Guion Guerrero - Ang Panulat ng Mandirigma
PoetryAko ay isang manunulat. Ako ay isang makatang pipiliting ipagpaalaala ang magandang awit ng wika at sining ng panitikan. Malugod kong ipinakikilala-ang El Guion Guerrero- ang Panulat ng Mandirigma. Sa mga interesado sa mga ganitong klase ng panitik...