Habang prinsesa ay naglalakad-gala
hindi mapanangging magiliw sa mata
kung gayaring bayan ay nag-umiiral
sa kalupaang Olandes ng kanluran.Sari-saring pagbating kanyang nalugod
hindi magbubuwaya't mawalang ubod,
"magandang umaga, magandang prinsesa,
pakalanghaping hanging nagmaginhawa!"Buhay na sayawan ng mga bulaklak
kapwa nahabag at kapwang halimuyak
sinong maralitang makatanggi't ayaw
at harayahing nasadyang magkamayaw?Kung kaya't sa paglalakad ay nalanghap
hanging luwat nang hinihintay at singhap,
"saan nang lupalop sa tanang Europa
makahahanap ng masintahing bayan?"Nangusap sa sariling yaong prinsesa
marahil papuri'y dalas na usisa
na tila ayaw ipag-iwan ang bansa,
mamatay na't malagot sa rining lupa.Sa nagpagayong panlimayo'y salunga
isang dalagang marilag at nagbunga
upang isang prinsesa ay mapagsalit
mistulang kalul'wang namanhik sa hardin."Donya Helena ng bansang Normandia?"
isang tinig na buga ng kapwang donya,
"Sa panaugang galang at ako'y tanong
ng iyong kusang pagdating na nagbalong?""Saang panahong ako mandi'y kilala
ng isang donyang hindi silay ang mukha;
at kung anumang sadyang pamamaraan
na pagkilanlang aki'y natutuklasan?"Nagngising walang pigil yaong señora
at mapintang halakhak sa gayong gara,
"Nakita! Ako'y Prinsesa Veronica
dalagang anak ng hari ng Ostriya."Upanding manasaang ika'y ipasyal,
kalulugura't sa pusong aki'y bukal
sa pook na nagparoo't nanininghal
ang hardin ng halimuyak at mangintal."Magpagayong paanyayang Veronica
hindi makatangging Prinsesa Helena
kaya't umabay sa paghuhuning maya
at sinadya'y hardin ng lipos-ligaya."Kaysariwang pagdapyo ng hanging ihip
tuwang nagtanan sa diwang hindi lirip;
o, Ostriyang mutya'y ngayon lamang masid
n'yaring mga matang nahiratnang pinid!"O! Nangag-aalimaymay sa pandinig
yaring paghuning marikit na paghimig
O Diyos, Panginoon ko, ako'y miibig
sa kagandahang naliblib ng paningin."Sakaling malapnos ay ditong humimlay
kapag mawaksang yaring naimbing buhay
nasang mailibing sa dimdim ng hukay
kariktang taglay ay gigising sa bangkay."Mawalang humpay ng gayaong papuri
ng Prinsesa Helena sa matang saksi
nasadyang Europa'y nangapipintakasi
sa gayaring anyong mabalaghang kasi.Sa gayong himagas ng pananalita
nalubhang bulalas n'yaong Veronica;
pagkautas ng paglangkap sa balita
pagkatatas ng herundyo sa pagwika."Sa nag-uugod na bagal n'yaring oras
sa bati mo'y nakalbita't kumaripas,
o, pagmamahal, napagsadyang malimpi
kung magandang dalaga ri'y sumisidhi."Kung sa kataga'y kanyang napahalakhak
gayong abay ng kamangmangang palakpak,
masinagang yaong kasiyahang pinta
sa mga mukhang maluwat nang nalanta.Marahil na katawa'y napata't pagal
mga lobong sa paghabol ay hiningal;
nang mahapo'y tinitigan ang maringal
anaking hindi magsalita't mahuntal."Tanghod ba ng iyong mga matang iyan
yaring punong labay na sinasandalan?
Malungkot at lumbay sa yaring isipan
na tana'y naluluma maging halaman."Waring salagimsim n'yaong Veronica
ang panahong siya'y bata't hindi dalaga
hindi maharangang mga alaala
duluta'y hambal at anumang gantimpala."Ang pagkaluma'y sadyang likas sa buhay
na tanggapi't hindi muling mababanghay;
hindi mababalik, sa orasang kamay
at kusang lalaban nang walang paghumpay."Anumang mangyari'y kailangang tanggapin
na ang halama'y punong mamumukadkad;
tulad ng isang sanggol na bagong silang
sisibol bilang isang taong matapang."Sinong nakaaalam sa pagbukadkad
n'yaring punong labay na sinasandalan
ay isang ibong paslit na nananahan
magiging lawin sa gayong kalaunan?"Kaisipang maliwanag ng prinsesa
nasaad nang lansaka't buong pagsikhay:
"Kaninong pilosopo'y iyong nakuha
kaalamang malayo't isipang dantay?""Mga gayong kataga'y turan ng inang
nalihis sa aming kalingang kandungan,"
nang mapagayo'y pagtagistis ng luha
sa namimighati't nagdurusang mukha."Karumal-dumal na kalangita'y saan,
saang iyong lungga't ika'y ipapatay!
Kaluluwa n'yaring ina'y tangan-tangan
sa inyong mga palad nakasalalay!"Iyo bang hahayaang ako'y alipin
ng pagharayang nalumbay sa pighati?
O, Langit! Nagmamakaawang nahamak
maging bangkay ni ina'y inyong ibalik!"Nananaghoy nang pagkalubha't malabis
sa harding maganda'y kabiging manangis,
Donya Veronica'y luha'y pinapalis
nang walang muling dadapyong makadaplis.Hinihimasmasang bukal yaong likod
ng nanangis na Prinsesang nakatanghod
sa malayong alapaap siyang lumuhod
at hindi makatindig sa pagkayukod."Huwag nang manangis-nangis pa't sasaluhan
ang piging ng kalumbayang nakalaan;
huwag masisindak at kita'y sasamahan
anumang panahong nangangailangan."Sa gayong timyas ng salita'y humupa
ang inaping ganid ng lungkot sa lupa,
muling nag-anyong maskara't nagmasaya
na animong habang buhay maligaya.
BINABASA MO ANG
El Guion Guerrero - Ang Panulat ng Mandirigma
PoetryAko ay isang manunulat. Ako ay isang makatang pipiliting ipagpaalaala ang magandang awit ng wika at sining ng panitikan. Malugod kong ipinakikilala-ang El Guion Guerrero- ang Panulat ng Mandirigma. Sa mga interesado sa mga ganitong klase ng panitik...